My Love is a Nerd : Chapter 9 “Ay, Ayoko niyan, ang pangit,” - TopicsExpress



          

My Love is a Nerd : Chapter 9 “Ay, Ayoko niyan, ang pangit,” reklamo ni Pre habang nakatingin sa catalogue ng mga damit sa loob ng shop ni Dina, ang baklang couturier. “Eh, anong gusto mo?” Tila malapit nang maubusan ng pasensiya ang bakla. Namaywang na lamang ito. “Kanina ka pa walang mapili, ah, Ikaw ba ang ikakasal? Ba’t ang arte-arte mo? Maid of honor ka lang , ‘no!” “Aba’t–!”Namaywang na rin si Pre.”Pwede ba, tama na nga ‘yan.” Iniabot niya ang catalogue at itinuro ang isang off-shoulder gown. “O, ‘ayan, ‘yan na ang isusuot mo, Pre.” “Makaka-complain pa ba ako?” Iiling-iling itong naupo sa tabi niya. Ikaw naman friend, ikakasal ka na nga.” “I’ve known Zed for a long time,” sabad ni Dina. “Sa wakas ay pinagagawan na niya ng wedding gown ang bride niya. Ilang beses na kasing nagbalak na magpakasal ang lalaking ‘yon. Pero wala ni isa mang natuloy. “See?” may pagmamalaki pa niyang sabi. “Wala nang makakapigil pa sa kasalang ito, Pre.” “I’m happy for you.” Tila nalungkot ito. “Buti ka pa, ikakasal ka na.” “Bigla naman yatang naglaho ang fighting spirit mo?” natatawang sabi niya. “Eh, di ba’t hindi ka naman takot maging old maid.? Sabi mo nga, darating na lang nang hindi inaasahan ang Mr. Right mo kahit hindi mo hanapin.” “Right,” napangiti nang saad nito. “Hindi puwedeng hindi ko masalo ang bridal bouquet mo para ako na rin ang sumunod na ikasal.” “Ibibigay ko na lang sa’yo para hindi ka na mahirapan.” Nagkatawanan sila. “Ashgab, I’m really, really happy for you,” muling saad ni Pre. “I wish you the best. Sana ay lumigaya ka nang husto sa piling ni Zed. Sana ay magkaroon kayo ng maraming mga anak na magaganda at guwapo. Sana ay busugin ninyo ng pagmamahal ang isa’t isa. At sana ay…ikasal na rin ako sa lalong madaling panahon.” Nakatawang niyakap niya ang kanyang kaibigan. Sana nga ay ikasal na rin ito sa lalong madaling panahon. Siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo nang isukat niya sa harap ng full length mirror ang kanyang wedding gown. Gabi-gabi niyang ginagawa iyon.Gabi-gabi rin niyang ini-imagine ang sarili na lumakad sa aisle ng simbaham, patungo sa altar kung saan naghihintay sa kanya si Zed. Walang araw na hindi sila magkasama ni Zed. Muli niyang nakita ang magagandang katangian nito, hindi lamang sa panlabas kundi ang panloob nitong katauhan. She discovered how beautiful man Zed was. Wala rin itong hindi sinang- ayunan sa mga sinasabi niya. Hindi rin ito tumigil sa pagpapadala ng flowers kahit kahit parati silang magkasama. When she woke up that day, she knew she was marrying the man she already loved. Yes, she loved Zed. At excited siyang malaman na ang araw na iyon na ang pinakahihintay niya. Ang araw ng kasal nila ni Zed. ”Mrs. Zedrick Saher Reyes,” she called herself in front of the mirror. “Excited ka na ba? Well, this is the day you’ve been waiting for. This is the day you’re gonna marry the most handsome and the most wonderful man in the world.” *** “Basta, apo ha, huwag kang makakalimot dumalaw sa amin kahit sa malaking bahay ka na nakatira.” Hawak-hawak ng lola glo ang aking kamay. Ang kabilang kamay naman niya ay hawak ng kanyang tita tam na nasa kabilang gilid niya. Nakupo sila sa backseat ng bridal car na nakatigil na sa harap ng simbahan. Noon lamang niya nakitang dumadrama ang mga ito. “Palagi mo siyang ipagluto , pagsilbihan at mamasahehin, lalo na pagkagaling sa trabaho. Huwag kang talak ng talak. Ang sabi ng lola glo niya. “Hay naku, tita tam, lola glo, last week niyo pa ho ‘yan paulit-ulit na sinasabi sa akin,” natatawa na lamang niyang sabi. “Huwag niyo na akong paiyakin at baka masira pa ang makeup ko. “Oo nga.” Dumukot ng panyo sa purse ang tita tam niya at pinunasan ang luha ang sariling mga mata. “Dapat nga ay masiyahan kami at ikakasal ka na, eh. Magte-trenta ka na. Nakahabol din.” Natawa pa ito. Mayamaya ay napatingin sa labas ng kotse ang tita tam niya. “Wala pa ba si Zed? Aba’y malapit magsimula ang seremonya. “Dapat siya pa ang unang dumating.” Saad ng lola glo niya. “Bakit wala pa?” “Na- traffic lang ho siguro,” sabi niya. “Makupad talagang kumilos ‘yon kahit noon pa. Mabilis lang siya ‘pag gumagawa ng projects.” Pero bakit bigla siyang kinabahan? Bakit parang natatakot siyang hindi niya maintindihan? Napasulyap tuloy siya sa suot na relo. Five minutes na lamang at magsisimula na dapat ang ceremony. Maging ang best man, si Kyle, ay wala pa rin. Tumatakbo ang oras. Naiinip na ang mga bisita. Wala pa rin si Zed. Dinukot niya sa puting purse ang cellpone niya at tinawagan ang cellphone ni Zed. Nakakailang tawag na siya ay wala pa ring sumasagot. Tumitindi na ang nadarama niyang kaba. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya. “Darating na ‘yon,” pagpapalakas-loob ng tita tam niya na napansin marahil ang pagkabalisa niya. “Na-traffice nga lang siguro,” segunda naman ng lola glo niya. Hindi na nakatiis, bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang papa ni Zed na mukhang naiinip na rin sa hindi kaagad pagdating ng anak nito. “P-Pa,” sabi niya, ano po bang nangyari? Bakit wala pa ho si Zed?” “Hindi ko nga rin alam, eh,” sabi nito. “Iniwan ko siya kaninang nagbibihis na. Sabi niya ay susunod na lang daw sila ni Kyle. Kanina ko pa nga ang tinatawagan ang cellphone niya pero hindi nito sinasagot.” “What could be the possible cause of his delay?” nanginginig na ang tinig na tanong niya. “I really don’t know, hija. “Baka na-traffice lang,” sabad ng mama ni Zed na lumuwas pa sa Maynila kasama nito ang asawa at mga anak gayundin nanduon ang lolo’t lola ni Zed. Nakilala niya ang mga ito nung dumalaw sila sa Cebu. Posible bang hindi siya siputin ni Zed sa araw ng kanilang kasal sa kabila ng lahat ng iyon? “Bakit naman nagpahuli nang ganito ang batang iyon.?” sabi ng lolo nito. “Parang hindi lalaki.” “Darating na iyon,” sabi naman ng lola nito. “Kilala ko ang apo ko. Marunong tumupad sa usapan. Bigla siyang natigilan. Naalala niya ang eksena sa domestic airport na mahigit dalawang oras itong naghintay sa kanya ngunit nasaktan niya ito nang hindi na siya sumama at nilait-lait pa niya ito. Iyon na ba ang kabayaran ng lahat? Ang hindi nito pagsipot sa araw ng kanilang kasal? Isa-isa nang nalaglag ang mga luha niya. “Ashgab!” Noon lamang niya namalayan na nasa harap na niya si Kyle. “Z-Zed?” she said softly. Umiling ito. “H-he’s gone. H-he just flew to the US. Nabigla nga ako eh. Akala ko ay papunta na siya rito. Pero nagulat ako nang makitang ibang damit ang suot niya at may bitbit siyang travelling bag. S-sabi niya ay nabigla lang siya. Hindi raw pala niya kayang magpakasal sa’yo. Nanuyo ang lalamunan niya sa narinig. “Bakit hindi niya sinabi sa aking may balak siyang hindi sumipot ngayon, Kyle?” tila hindi naman makapaniwalang tanong ng papa ni Zed. “Sinarili niya ang lahat Tito,” sagot ni Kyle. “Pinaniwala niya tayong seryoso na siya kay Ashgab.” “God!” Napatutop sa noo ang papa ni Zed. Maging ang mama, lolo, lola nito ay hindi makapag-salita sa labis na pagkabigla. “Akala ko ay dumating na ang panahong pinakahihintay ko. Ang lumagay sa tahimik kasama si Zed. “I’m sorry, Ashgab,” sabi sa kanya ni Kyle. So, Kyle was right. Walang balak na magpa-kaseryoso ni Zed sa kahit sinong babae. Napakatanga niya para hindi maniwala kay Kyle. Napakatanga niya. Unit-unting lumabo ang paningin niya sa mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Gayunpaman, kitang-kita niya ang isa-isang pag-alis ng mga bisita. Hanggang sa siya na lamang ang natitira sa simbahan kasama ang lola glo, tita tam at si Pre. Umaasa pa rin siyang darating si Zed kahit imposible nang mangyari iyon. “Tayo na apo,” naluluha na rin yakag ng lola glo niya. “Marami pa namang lalaki sa mundo,” saad naman ng tita tam niya. Parehong nakahawak sa magkabilang kamay niya ang mga ito. Tuluyan na siyang napahagulgol. Parang nakamamatay ang sakit sa nararamdaman niya. Parang hindi na niya kayang ihakbang ang mga paa niya. Sa kabila niyon ay naisip pa rin niyang mas masakit pa iyon sa naramdaman ni Zed nang pinaghintay niya ito ng matagal at pagdating doon ay pangla-lait pa ang pinamukha niya dito. Doble ang sakit. Lloydrhek m/
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 07:26:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015