My Lovely Chef CHAPTER 11 “TONY! HINDI KA BINABAYARAN DITO - TopicsExpress



          

My Lovely Chef CHAPTER 11 “TONY! HINDI KA BINABAYARAN DITO PARA MAKIPAGKUWENTUHAN SA TELEPONO!” Napatingin ang lahat ng staff doon sa kusina sa malakas na boses ni Justin na pinapagalitan si Tony. Ilang minuto pa lang si Tony sa telepono at hindi lang nito narinig ang pagtawag ni Justin ay sinigawan na ito bigla ni Justin. Bagay na ngayon lang nangyari kaya naman gulat na gulat ang lahat doon, lalo na si Amanda na kausap si Arthur nang mga oras na ‘yon. Pumasok siya sa kusina kasunod si Arthur. “Kanina pa kita tinatawag do’n sa labas, hindi mo ba ‘ko naririnig?!” galit na sabi ni Justin, namumula na ito sa galit. “S-sir, s-sorry po,” mahinang sagot ni Tony. Nakayuko lang ito at hiyang-hiya sa pangyayari. “From now on, I don’t want anybody using the phone during working hours!” Tumangu-tango ang lahat. Hindi makapaniwala si Amanda sa nakitang eksena. Pati siya ay hindi nakakibo. Nasa likod niya si Arthur na halatang nagulat din, nakahawak sa balikat niya. “At kayong lahat, ayoko nang may dumadalaw sa inyo dito sa oras ng trabaho. This is a working place, not a hospital.” Tinapunan ni Justin ng tingin sina Amanda bago padabog na umalis. Tumuloy siya sa opisina niya at galit na naupo. The passed week had been difficult. With Samantha back from Hongkong, Amanda in his thoughts and with seeing Arthur always by her side makes him out of his mind. He’s never been so frustrated all his life. Pakiramdam niya ay parang bulkan na sasabog, lalo na sa tuwing nakikita niya si Amanda na kasama ang lalaki’ng iyon. Kaya siguro gano’n na lang ang naging reaksyon niya kanina sa isang walang kwentang bagay. Hindi niya sinasadyang sigawan si Tony at pagalitan ang lahat ng tao roon pero nang makita niya si Amanda at si Arthur, hindi na niya napigilan ang sarili. —– “Justin.” Napahawak siya sa ulo nang marinig ang tinig na ‘yon na alam niyang kay Amanda. Sa mga oras na iyon ay si Amanda ang pinakahuling tao na gusto niyang makausap o makita. Napapailing siyang humarap dito. “Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Ano ba’ng problema mo?” tanong ni Amanda. Hindi ito tumugon. “P’wede ba Justin, kung sa ‘kin ka galit, ‘wag mong idamay ang ibang tao. Kausapin mo ‘ko, sabihin mo sa ‘kin kung ano’ng problema. Dahil ba ‘to sa nangyari nung-” “I don’t want to talk about this,” naiiling nitong sabi. Hindi siya handang pag-usapan ang tungkol sa nangyari. “We have to talk about this sooner or later Justin. Wheather you like it or not, we’re gonna talk about this now. Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit nang ganyan. Akala ko ba, sabi mo, kalimutan na lang natin ‘yon, diba?” Hindi siya makapaniwala na nangyayari ang diskusyon na iyon sa pagitan nila. Simula nang magkakilala sila ay ngayon lamang sila nagkaroon ng ganoong pagtatalo. She has never seen him so furious until now. Hindi rin niya maintindihan kung bakit para ba’ng siya pa ang sinisisi nito sa hindi nila pagkakaintindihan. Malinaw na sinabi nito na kalimutan na nila ang nangyari at kahit na mahirap ay pinilit niyang gawin ‘yon. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin niya iyong kalimutan pero talagang imposible’ng mangyari. At inaasahan ba ni Amanda na malilimutan niya iyon nang gano’n kadali? He even didn’t expect her to just forget about what happened. Ilang sandali pa bago muling nakapagsalita si Justin. Isinara nito ang laptop at tiningnan siya. “Tell me, Amanda. How do you do it?” “H-how do I do what?” “How do you act and pretend as if nothing happened?” “H-ha?” gulat na tanong ni Amanda. “Hindi ba dapat ako ang magtanong sa’yo n’yan? You are the one who’s pretending that everything’s fine, na wala tayong problema!” Umiling lang si Justin. Hindi niya gusto’ng pag-usapan nila ang tungkol do’n ngayon. “Because that’s what you want. You clearly said that it was just a mistake and that you’re sorry, as if you’re regretting what has happened.” “Ikaw ang nagsabi na it was just a mistake, hindi ako. I said I was sorry because I felt so guilty. I was sorry that everything has to change between us just because of what happened. I didn’t even think that you would completely avoid me.” “What do you expect me to do?” tanong ni Justin at tumayo ito. “You kissed me for Christ’s sake! And after kissing me, you just went on with your life and-“ “I didn’t just go on with my life!” pasigaw na sabi ni Amanda. “Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa ‘kin na makita ka sa araw-araw na kasama ng Samantha na ‘yon. Hindi mo alam kung gaano ‘ko nahihirapan na hindi mo pinapansin, na hindi mo kinakausap, na hindi mo man lang ako makuhang tingnan! Justin, kung p’wede ko lang i-rewind ang lahat ng nangyari, gagawin ko!” Sa buong pagsasalita ni Amanda ay tahimik lang na nakinig si Justin, at napansin niya na namumuo na ang luha sa mga mata nito at malapit nang tuluyang umiyak. Pero nanatili lang itong kalmado, pilit nilalabanan ang pag-iyak. “I know I should have just settled with friendship. But I wanted more and I found myself becoming one of those pathetic people who fall inlove with their bestfriends.” Nanatiling nakatingin si Justin sa dalaga. Those were the exact words she said that night when she got drunk. She actually knew what she was talking about. Hindi niya ngayon alam kung ano ang itutugon, kung matutuwa ba siya sa pag-amin nito ng nararamdaman, o matatakot ba siya sa katotohanang ‘yon. “Justin, ayokong masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nangyari. Alam kong kasalanan ko lahat ‘to, but I can’t go on anymore and pretend to be just a friend. I’m not gonna ask for our friendship back because I know it’s impossible and I don’t want it back. I don’t want to be your friend anymore, Justin. I’m inlove with you and I can’t be just your friend.” Tahimik pa rin si Justin at sa tingin ni Amanda ay wala itong balak na magsalita. Malamang ay nabigla ito sa mga narinig. Kahit si Amanda ay nagulat sa sarili at hindi niya inakalang masasabi niyang lahat ang nasabi niya. Pero hindi na niya p’wedeng bawiin ‘yon. Kailangan na lang niyang hintayin ang tugon ng kaibigan. Pero lumipas ang isang daang taon ay wala pa rin siyang narinig na kahit na ano mula kay Justin. Tahimik pa rin itong nakaupo sa maganda nitong upuan, nakayuko, hawak ng dalawang kamay ang ulo. “Please, just leave.” —– Dito na nagtatapos ang magandang kasaysayan namin ni Justin. At walang ibang dapat sisihin kundi ako. Paglabas ko ng opisina niya, alam kong wala na ‘kong babalikan. I blew it. I simply blew everything. Sinira ko ang lahat ng magaganda naming pinagsamahan ni Justin. Nang dahil sa isang matamis na halik, nawala ang pinakamatalik kong kaibigan. Pero gano’n talaga ang buhay. Kailangan kong harapin anuman ang kapalit ng kahibangan ko. Hindi ko alam kung ilang balde ng luha ang nailuha ko pag-uwi ko ng bahay. They say that in those miserable times, you should avoid listening to sad love songs and things that would just remind you of the painful past. But I think, those are part of mending the broken heart ritual. Habang tinitingnan ang mga litrato namin ni Justin at pinapanood ang mga video tapes ng masaya naming pinagsamahan, tumutugtog sa background ang mga makabagbag-damdaming kanta. Masakit sa puso pero alam kong kailangan ko ‘yong pagdaanan. Kailangan kong iiyak lahat ‘yon ngayon, para tapos na. At bukas, mabubuhay akong muli at panibagong Amanda na ang haharap sa mundo. Sabi ko sa sarili ko, wala na ‘kong nararapat gawin kundi ang mag-resign bilang chef ng Mandy’s. Ayoko naman kasing magmukhang tanga na papasok sa restaurant dahil alam kong ayaw na rin naman akong makita ni Justin. Ayoko nang ipilit pa ang sarili ko sa taong ayaw naman sa ‘kin. Kinabukasan, sa opisina agad ni Justin tumuloy si Amanda dala ang kanyang resignation letter. Hindi na niya iyon kayang ipagpaliban. Kailangan na niyang tapusin ang lahat ng kaugnayan niya sa dating kaibigan ngayon. Pero ang inaasahan niyang si Justin ay wala sa opisina ng restaurant, kundi ang naabutan niya roon ay ang nilalang na ayaw na niyang marinig kahit na pangalan. Si Samantha. “Where is Justin?” tanong nito sa kanya. Nakataas ang manipis nitong kilay at naka-pamewang na para bang isang terror na teacher na pinagagalitan ang isang grade two student. “W-wala ba siya sa bahay?” nagtataka niyang tanong. “Pupunta ba ‘ko dito at magtatanong sa’yo kung nasa bahay siya? He didn’t go home last night at alam kong alam mo kung nasaan si Justin!” Natawa si Amanda. “Hindi ba parang dapat ikaw ang nakakaalam kung saan man nagpunta si Justin? Ikaw ang girlfriend, diba?” “Amanda, ‘wag na tayong maglokohan, ilabas mo si Justin!” “Wala akong ilalabas, Samantha. Hindi ko talaga alam kung nasaan siya,” sabi ni Amanda. At nagsimula na siyang mag-alala. Bigla na lang tumalikod si Samantha nang walang sabi-sabi at sinundan ko siya palabas ng opisina hanggang sa labas ng restaurant. Nawawala si Justin. Kahit si Samantha, hindi alam kung nasaan siya. Pinuntahan ko si Bobby sa may bar para tanungin kung may alam siya tungkol kay Justin. Si Bobby ang manager ng Mandy’s. “A, tinawagan po ako ni sir Justin kagabi, mag-aala-una na po yata ‘yon, Ma’am. Ang sabi po, ako na raw po muna ang bahala dito hangga’t wala siya. Hindi po ba niya sinabi sa inyo?” “H-hindi. Saan daw siya pupunta?” “Wala naman pong nasabi Ma’am. May importante lang daw po siyang kailangang gawin.” Importante’ng kailangang gawin? Walang maisip si Amanda na anumang importanteng kailangan nitong gawin. “Magtatagal raw ba siya?” “E, wala rin pong nasabi Ma’am. Basta, tayo na raw po muna ang bahala dito. Marami na nga po’ng naghahanap na bagong suppliers sa kanya. Marami rin po yata siyang mga meetings hanggang sa susunod na linggo. Hindi ko nga po alam kung ano’ng idadahilan ko sa kanila, Ma’am.” Napailing si Amanda. Wala sa personalidad ni Justin ang basta na lang mawawala nang walang pasabi, lalo na pagdating sa trabaho. “Don’t worry, ako nang bahalang makipag-usap sa mga ‘yon.” At muli siyang napailing nang maalala ang hawak na resignation letter. “Ma’am, may problema po ba si sir Justin? M-may problema po ba kayo?” tanong ni Bobby. “Para po kasing iba na si Sir Justin nitong mga nakaraang araw. Natatakot na nga po kaming lumapit sa kanya e, palagi po siyang aburido. Nag-away po ba kayo? ‘Wag po sana kayong magagalit kung nakikialam po ako pero nanghihinayang po kami lahat dito sa inyong dalawa ni Sir Justin. Sana po magkabati na kayo ni Sir Justin.” Walang naitugon si Amanda kundi matipid na ngiti. ‘Yon din sana ang gusto niyang mangyari pero ang malungkot na katotohanan ay hindi na ‘yon mangyayari. —– Sinubukang tawagan ni Amanda si Paul, dahil baka may alam ito kung saan mang lupalop naroon si Justin. Nakipagkita siya rito nang gabi ring iyon sa coffee shop na muli lamang nagpaalala sa kanya ng nakaraan nila ng dating kaibigan. “Nawawala si Justin?” tanong ni Paul sa kanya na hindi alam ni Amanda kung natatawa ba ito o ano sa pangyayaring pagkawala ni Justin. “Kailan pa?” “L-last night. Hindi na siya umuwi kagabi, sabi ni Samantha. Hindi na rin siya nagpakita sa restaurant kanina. He’s not answering any phonecalls and everybody in the restaurant is worried about him.” Napansin agad ni Paul ang pag-aalala sa mukha ng dalaga. Hindi na nito nakuha pang magpalit ng suot nitong puting uniform bilang chef sa restaurant. “Nagkausap ba kayo bago siya nawala?” “K-kahapon. Medyo nagkasagutan kami kahapon. Hindi ko alam kung dahil do’n kaya siya bilang umalis.” Kung tutuusin, parang mas dapat yata na siya ang mag-disappearing act at mamundok at hindi na magpakita pa dito kahit kailan. “M-may problema kayo?” Hindi iyon isang tanong ng oo o hindi. Alam ni Amanda na hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong na iyon. Hindi na niya kailangan pang sabihin kay Paul ang sitwasyon nila ngayon ni Justin. “A-alam mo ba kung saan s’ya p’wedeng magpunta?” “Actually, I’m not sure where he is right now…but he said something about thinking of going back to California.” Napataas ang kilay ni Amanda sa kanyang narinig. “California? Bakit siya pupunta ng California?” “Well, he’s been having a difficult time lately. Maybe he just needs time for himself to think things out.” “Think things out? Kailangan pa n’yang pumunta ng California para lang mag-isip?” Medyo natawa si Paul. “Amanda, wala naman akong sinabi na nasa California na nga talaga s’ya. Baka lang. Hindi ako sigurado.” “Pero sinabi n’ya sa’yo na balak niyang bumalik na ng California? Pa’no ang restaurant?” Nagkibit-balikat si Paul. “Sa tingin ko, dapat siya ang tanungin mo tungkol d’yan, hindi ako.” “I think he wouldn’t want to talk to me.” “Why not?” Umiling lang si Amanda. Tumingin siya sa labas. Malakas na ang ulan nang mga oras na iyon at nagsisimula nang mag-uwian ang mga tao galing sa kani-kanilang trabaho. Tumingin siya sa labas para maitago ang nararamdamang lungkot. Sa ganoong panahon ay hindi niya maiwasang maalala ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Justin. Sa pareho’ng coffee shop, sa parehong mesa, sa parehong maulan na gabi. At hindi niya inaasahan na ang magandang pagkakakilala nila ni Justin ay magwawakas bigla sa ganoong kalungkot na tag-ulan. “Sa tingin mo ba talagang pupunta siya sa California?” Ininom ni Paul ang natitirang kape sa tasa at saka muling nagsalita. “Sa tingin ko, masyado ka n’yang mahal para umalis. He couldn’t possibly leave you just like that.” Lalo lang yatang naguluhan si Amanda sa sinabing iyon ni Paul. “A-ano?” “’Wag mong sabihin na hindi mo pa rin alam na mahal ka niya?” “H-ha?” Napailing si Paul dahil parang hindi yata niya dapat nasabi iyon kay Amanda. “I shouldn’t have told you that. But I think it’s time for you to know, Amanda. Sa tingin ko nga, dapat noon mo pa ‘to nalaman e di hindi sana kayo nagkakagulo ng ganyan.” “H-hindi kita maintindihan.” Paul thinks it’s too late to hide things from her now. “Justin loves you. He’s been crazily inlove with you eversince he first saw you sitting on this table, in this coffee shop in the same rainy evening. Remember that night when he mistook you as my girlfriend?” She clearly remembers that episode. And she doesn’t remember anything about Paul being in that situation. “P-pa’no mo nalaman ang tungkol do’n?” “I was with him. When he saw you alone in this table, he told me that he has to know your name. Kaya ka n’ya nilapitan at nagkunwari na imi-meet niya ang girlfriend ko. I didn’t even have a girlfriend back then. He just thought of that idea to have a reason to come up to you.” Napasandal si Amanda nang marinig ang katotohanang iyon. “He liked you eversince. Kaya nga siya nagtayo ng restaurant dito,” sabi ni Paul kay Amanda. At napansin ni Paul na lalo lang itong nabigla sa sinabi niya. “He didn’t hire you to be his chef and to work for him. He hired you simply because he wanted you to be near him. He asked you to stay in his place because he’s afraid that some guy might take you away from him. He even tried to date a lot of girls just to make you jealous. But you didn’t get jealous and that made him really frustrated.” I didn’t get jealous? Parang mamatay-matay na nga ako sa sobrang selos sa mga babae’ng pinapakilala niya sa ‘kin. Lalo na nang dumating si Samantha sa buhay n’ya. Pero s’yempre walang alam si Justin tungkol do’n. “When that Arthur came into your life, he realized that maybe he should forget about his feelings for you and just be friends with you. And then he met Samantha. Medyo nakatulong ‘yon sa kanya pero alam kong nahihirapan pa rin siya kapag nakikita n’ya kayo ni Arthur na magkasama.” Sa buong salaysay ni Paul, isa lang ang naiintindihan niya. Justin planned everything from the start. At hindi niya alam kung bakit kailangan nito iyong gawin. “You’re kidding me.” Nagkibit-balikat si Paul. “I advised him to tell you the truth but I guess he got too scared. He got scared of what he might find out. But I know he’s more afraid of the possibility that you might just leave him like what you always do to those other guys you’ve dated.” Amanda couldn’t help but laugh even how terrible she feels at the moment. Kung meron man sa kanilang dalawa ni Justin ang dapat makaramdam ng takot, siya ‘yon, wala nang iba. She couldn’t even think of Justin being afraid of anything. And worse, he’s afraid that she might leave him just like that, which she knows is an impossibility.
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 05:33:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015