My Lovely Chef CHAPTER 6 “KUNG MERON SIGURONG CONTEST NG - TopicsExpress



          

My Lovely Chef CHAPTER 6 “KUNG MERON SIGURONG CONTEST NG PARAMIHAN NG GIRLFRIENDS at pinakamagaling magtago ng relationship, I’m sure, gold medalist ya’ng si Justin. Alam mo ba na minsan, nagkaroon s’ya ng tatlong girlfriends all at the same time? At hanggang ngayon, wala pa ring idea ‘yung mga babae na pinagsabay-sabay sila ni Justin. Ang galing, diba? Hindi ko alam kung pa’no nagagawa ni Justin na maalala lahat ng pangalan ng mga babae’ng ‘yon. Siguro meron siya’ng little black book na listahan ng mga girls,” natatawang sabi ni Amanda habang tinitingnan ang mga paintings na naka-exhibit sa mall na pinuntahan nila. Nakaakbay lang sa kanya si Arthur. “Sometimes I feel sorry for them but then, naisip ko, kasalanan din naman nila ‘yon. They shouldn’t have trusted someone like Justin too much.” Inalalayan ni Arthur si Amanda pababa ng escalator. “Pero hindi ko rin naman masisi ang mga babaeng lumalapit kay Justin. He’s actually one of the nicest men I’ve known and he’s definitely a very likable person.” Hanggang sa paghatid ni Arthur kay Amanda sa condo unit nito ay si Justin pa rin ang topic ng usapan nila. At kahit isang salita ay hindi niya nakaringgan ng anuman ang binata. “Are you okay? Kanina ka pa walang kibo d’yan.” Tumango si Arthur at hinawakan ang kamay ni Amanda. “Sigurado ka? Kasi si Justin kapag ganyang walang imik, sigurado’ng may-“ And Arthur silenced her by kissing her full in the lips. Nanlaki ang mga mata ni Amanda nang halikan siya ng binata. Naroon sila sa harap ng pinto ng unit nila at anumang oras ay maaaring may dumaan doon at makita sila. Gusto niya itong pigilan but he might get the wrong idea. And so she slid her arms to his chest and kissed him back. Naramdaman niya ang malalim nitong paghinga at lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya. Arthur has never kissed Amanda that way before and she’s never been this responsive to him. Kung totoo nga na malalaman mo kung mahal ka ng isang tao sa pamamagitan ng halik, walang duda, mahal siya ng dalaga. It took him a long while before he came back to his senses and ended the kiss. “Amanda, I love you. I don’t care about Justin or anybody else. I love you and I won’t let someone get in my way.” I just looked at him looking at me. He loves me. Arthur actually loves me. And I’ve never been this confused my entire life. “Amanda?!” Gulat na nilingon ni Amanda ang kaibigan. Naantala ang pag-iisip niya tungkol sa pangyayari noong nakaraang gabi. Naka-bathrobe lang si Justin at wala nang iba pa. Magulo ang buhok nito mula sa pagkakatulog at halatang gulat na gulat sa pagkakita sa kanya. “G-good morning, breakfast is ready,” nakangiti niyang bati. Sanay na dapat siyang makita ito sa ganoong ayos at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa rin niya ito matingnan nang deretso kapag ganoon ang ayos nito. Mabilis muli siyang tumalikod at kinuha ang nilutong fried rice. “A-ano’ng ginagawa mo rito? A-akala ko kay Phoebe ka matutulog?” “Change of plans,” sabi niya. Naupo na siya at sinalinan ng juice ang dalawang baso na naroon. “O, ano pang tinatayo mo d’yan? Kain na.” Nanatili lang na nakatayo roon si Justin, kakaiba ang tingin sa kanya. Hindi maintindihan ni Amanda kung bakit tila sobrang gulat na gulat ito pagkakita sa kanya. Itatanong na sana niya kung may problema ito nang may lumabas na babae mula sa kuwarto ni Justin. “Honey, have you seen my earrings? I can’t remember where I put them last night,” malambing na sabi ni Samantha habang palapit sa kanila doon sa dining area. “O, hi, Amanda!” Hindi makapaniwala si Amanda na nakikita niya ngayon si Samantha sa harap niya. Kahit sa panaginip ay hindi niya naisip na makikita niya ang babae’ng iyon sa loob ng bahay nila. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Manipis ang suot nitong red silk night gown na hanggang hita lamang ang haba. Spaghetti stap ito at mababa ang neckline. It was like one of those gowns she sees on Victoria’s Secrets catalog. She’s like one of those models there. Nakalugay ang may kulay nitong buhok na halatang hindi pa sinusuklay. At maganda ang ngiti nito kay Amanda. Maganda ang ngiti n’ya at hindi ko ‘yon nagustuhan. “Amanda, what are you doing here anyway?” tanong nito. Mahigpit ang pagkakayakap nito kay Justin na para ba’ng walang ibang tao sa lugar na ‘yon. “I happen to live in this house,” matigas niyang tugon. “ Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?” Tiningnan muna nito si Justin bago nagsalita. “Well, Justin invited me to sleep over,” sabi nito na lalong hinigpitan ang yakap sa binata. “Honey, my earrings, I can’t find them.” “B-baka nasa nightstand. T-tingnan mo sa nightstand. I th-think I put them there,” sagot ni Justin na kay Amanda pa rin nakatingin. Bago pa umalis si Samantha ay binigyan muna nito ng malalim na halik si Justin. Sigurado si Amanda na sinadya nito na makita niya iyon. Dahil wala namang babae na nasa matinong kaisipan ang gagawa ng gano’n. Hindi na niya tiningnan pa ito na lumayo. Nakakunot ang noo’ng tiningnan niya si Justin. “A-Amanda, sorry, a-akala ko hindi ka dito matutulog e.” “Ano’ng ginagawa ng babae’ng ‘yon dito?” “H-hindi ko alam na-“ Hinarap niya si Justin. Pinilit niyang hindi tumingin sa malapad nitong dibdib. “So, ganito ba ang ginagawa mo kapag wala ako, ha?” galit niyang tanong. “Ngayon lang nangyari ‘to, Amanda.” “At sa tingin mo, maniniwala ako?” “I’m sorry. Hindi na ‘to mauulit. Sorry talaga,” nagmamakaawang sabi ni Justin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdala siya ng babae sa bahay at malas pa’ng nakita iyon ni Amanda. Gusto niyang magalit sa sarili dahil sa sitwasyon niya ngayon. Nang maupo si Justin ay siya namang tayo niya. Galit na galit siya at hindi na niya matatagalan pa na manatili sa lugar na iyon. At lalo pa ang mag-almusal kasalo ang babae na ‘yon. “O, sa’n ka pupunta?” “Pang-dalawa lang ang niluto kong breakfast. Sa labas na lang ako kakain.” Hindi na nakuha pang pigilan ni Justin ang kaibigan dahil lumabas na mula sa kuwarto si Samantha. Nagkasalubong ang dalawa at nginitian nitong muli si Amanda bago ito tuluyang umalis. —– “O, ano’ng problema?” Iyon ang palaging bungad na tanong ni Phoebe kay Amanda sa tuwing tinatawagan siya nito para makipagkita. Pinapunta niya ang kaibigan sa paborito nilang coffee shop noong college. “Ano na namang problema?” “Hindi maganda ang feeling ko dun sa Samantha na ‘yon,” panimula ni Amanda. “Alam mo ba’ng sa bahay s’ya natulog? Siya lang ang unang babae na dinala ni Justin at pinatulog sa bahay.” “O, ano’ng problema do’n? Girlfriend n’ya ‘yung Samantha, diba? Wala naman siguro’ng masama do’n, diba?” Hinalo ni Amanda ang kape matapos lagyan ng gatas. Nang tingnan niya iyon ay nakikita pa rin niya ang mukha ni Samantha na nakangiti sa kanya na para ba’ng nang-aasar. “Meron kami’ng house rules, Phoebe. At ang rule number one, bawal ang magdala ng babae sa bahay. Can you believe that? He broke the rule. Just because of that woman.” Hindi maikakailang may galit sa himig ng pananalita ni Amanda at natawa si Phoebe. “So, ano ngayon ang problema mo?” “Hindi mo ba ‘ko narinig? Kakasabi ko lang na-“ “Na may house rules kayo at lumabag si Justin sa house rule number one na bawal magdala ng babae sa bahay,” ulit ni Phoebe. “Akala ko ba walang magiging problema ‘pag nangyari ‘yon dahil sabi mo nga, mukhang seryoso naman siya sa babae’ng ‘yon. Bakit ngayon, namomroblema ka?” “Hindi naman ‘yon ang pinoproblema ko.” “E ano nga?” —– Bilang ganti, naisipan ko na dalhin si Arthur sa bahay, isang linggo makalipas ang nakakagulat at nakakagalit na insidente’ng ‘yon. Hindi naman ako papayag na siya lang ang may karapatan. Dapat, pantay-pantay, diba? Nagulat si Justin nang makita si Arthur at Amanda palabas ng condo unit. Gabi na noon at kagagaling lang nito sa restaurant. Nagpaalam si Amanda na uuwi ng maaga dahil may importante’ng tao raw ito na pupuntahan. “Amanda, ano’ng ginagawa n’yo rito?” nagtatakang tanong ni Justin pagkakita sa kanila ni Arthur. Magkahawak pa ang dalawa ng kamay. Ngumiti si Amanda. “Dito nagdinner si Arthur. Pauwi na rin siya.” Hinalikan nito ang binata sa labi at saka nagpaalam. Tinapik pa nito sa balikat si Justin bago umalis. Nakangiti’ng kinawayan iyon ni Amanda. “Ano ‘yon?” “Ang alin?” tanong ni Amanda. Binuksan niya ang pinto at sumunod sa kanya papasok si Justin. Sumunod ito sa kanya hanggang sa dining area. Naroon pa sa lababo ang mga pinagkainan nilang dalawa at sinimulan na niya itong ayusin. “Dito nagdinner si- ang taong ‘yon?” “Oo, bakit?” “Pinapasok mo ‘yon dito?” “May problema ba?” “Amanda, hindi ka dapat nagpapapasok dito basta-basta.” “P’wedeng papasukin si Samantha, si Arthur, hindi? Unfair naman yata ‘yon,” simpleng sabi ni Amanda na abala na sa maglilinis ng mga pinggan. “Amanda, lalaki ako, walang mawawala sa’kin.” Patuloy lang sa paghuhugas ng pinggan si Amanda habang nakatunghay doon si Justin. “Wala naman sa house rules na bawal magdala ng lalaki sa bahay, diba? And as far as I can remember, babae ang bawal dalhin dito. Na mukhang nakalimutan mo na.” Alam ni Justin kung saan papunta ng usapan nila na ‘yon. “Amanda, you have to be careful. Kahit pa do’n kay Arthur. Mahirap na, baka-“ Napailing si Amanda. Natapos na niyang hugasan ang lahat ng ginamit nila ni Arthur sa dinner at hinarap niya ng kausap. “Justin, iba si Arthur.” “Lalaki pa rin si Arthur.” “Hindi lahat ng lalaki katulad mo, Justin.” Kumunot ang noo ni Justin. “What does that supposed to mean?” —– Umiling-iling si Amanda at muling humigop ng kape. Hindi niya nasagot ang tanong na iyon ni Jusitin kagabi at iniwan na lang niya ito doon sa dining area at nagmamadali siyang pumasok ng kuwarto. “E ano nga ba’ng ibig mo’ng sabihin do’n?” tanong ni Phoebe nang matapos ikuwento sa kanya ni Amanda ang nangyari. “Hindi ko rin alam.” At ngayon, buong araw niya ‘kong hindi kinausap. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Hindi maganda sa pakiramdam ‘yung gano’n na hindi n’ya ‘ko pinapansin. Wala naman ako’ng ibig sabihin sa sinabi ko, hindi ko naman sinasadya na masabi ko ‘yon. “Bakit hindi mo siya kausapin?” “Ano namang sasabihin ko?” Bumuntung-hininga si Phoebe. “Sabihin mo na pasensya na, hindi mo sinasadya, nadala ka lang ng emosyon mo, kasi nagseselos ka kay Samantha kaya mo nagawang dalhin sa unit n’yo si Arthur, at mahal na mahal mo siya at nahihirapan ka na sa sitwasyon n’yo. Amanda, kailangan ko pa ba’ng ituro ‘yon lahat sa’yo?” Nanatiling tahimik si Amanda at seryosong tiningnan ang kaibigan. Ilang minuto na tahimik lang ito at nag-isip. “Pa’no si Arthur?” “Ha?” “Si Arthur.” Tumingin si Phoebe sa mga taong nagdadaan sa labas ng coffee shop bago muling tiningnan si Amanda. Hinahalo pa rin nito ang kape’ng iyon na sa palagay niya ay wala namang balak inumin ng kaibigan. “O, ngayon, si Arthur naman ang pinoproblema mo?” Sa ika-apat na pagkakataon, wala sa sarili’ng nilagyan ng asukal ni Amanda ang kape. Natawa lang si Phoebe. “Mahal mo na ‘no?” Tiningnan ni Amanda ang kaibigan. “Sino?” “Si Arthur. Bakit, may kino-consider ka pa ba’ng iba?” natatawa nitong tanong. “W-wala.” “So, mahal mo na nga?” “Si Arthur? Hindi. Hindi pa.” “Si Justin?” Habang hinahalo niya ang kape ay napatingin siya sa labas. I have to admit that I was totally attracted to Justin from the very first time I laid my eyes on him and I still am. But I never dared to even think of falling inlove with him. I know I’ll be in big trouble if ever I let myself be fooled by his deadly charm. Justin is just a good friend, who happens to be a very good looking womanizer. We are just friends. And that’s all we’ll ever be. And now, I know, I am in trouble. Aminin ko man o hindi, sa ganoon na nga rin papunta ang sitwasyon. —– “JUSTIN.” Naroon sa bar si Justin at nakaupo sa bar stool. Kausap nito ang bartender habang nagliligpit iyon ng mga gamit. Tiningnan siya nito nang sandali at muling tumalikod. Magsasara na ang restaurant, pauwi na sila sa bahay at hindi pa rin siya kinakausap ng kaibigan. “Justin,” muli niyang tawag. Lumapit siya dito at naupo siya sa upuan sa tabi nito. “Hindi mo na ba talaga ‘ko kakausapin? Kung galit ka, sabihin mo. ‘Wag naman ‘yung ganyan na hindi mo ‘ko pinapansin.” Tahimik lang na uminom ng whiskey si Justin. “Sorry na. I offended you and I’m sorry.” He has to admit that he was more than hurt. Of all people, he expected Amanda to understand him. Akala niya kilala na siya ng kaibigan at hindi niya inaasahan ang ganoong komento tungkol sa kanya. Muli siyang uminom at nagsalita nang hindi tinitingnan ang kaibigan. “I know I’ve been with many women. I know I’ve hurt some of them and I was sorry. I’ve made so many mistakes and I’m trying to learn from them. I’m far from perfect, you know that eversince. But I’m trying to change.” “Justin-“ “Hindi ko alam na hanggang ngayon playboy pa rin ang tingin mo sa ‘kin.” “Justin, hindi sa gano’n. I was just very upset about…” natigilan si Amanda at napaisip kung tama ba na sabihin niya sa kaibigan ang totoo niyang dahilan. “You’re upset about what?” Hinintay ni Justin ang kasunod ng sasabihin niya. Tiningnan niya ito. “I-I was upset about… that thing about Samantha.” “Bakit?” nagtataka nitong tanong. Umiling-iling siya. “I was very disappointed when you brought her in the house. I know I shouldn’t but I did and I’m sorry.” Natawa si Justin. Kaya nito dinala sa unit si Arthur para gumanti sa kanya? “Why were you disappointed?” Nagkibit-balikat siya. “Nagseselos ka kay Samantha?” Hindi siya sumagot. Dahil hindi talaga niya alam ang sagot sa simpleng tanong na ‘yon. Ilang beses na niyang itinanong ‘yon sa kanyang sarili at wala siyang makuhang sagot. Justin looked at her intensely, trying to read what’s on her mind. “Amanda?” Yumuko siya at iniwasan ang mga mata ng kaibigan. “Maybe I just feel like I’m losing you as my best friend. Don’t you feel the same way?” He does feel the same way. And maybe far more than that. He feels like he had lost Amanda a long time a
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 05:28:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015