My Pretty Boy – Chapter 13 POSTED BY LYNNETTEPLY · DISYEMBRE - TopicsExpress



          

My Pretty Boy – Chapter 13 POSTED BY LYNNETTEPLY · DISYEMBRE 8, 2010 · MAG-IWAN NG PUNA Hindi niya alam kung ilang oras o minuto na siyang nakatayo doon, hawak-hawak ang dyaryo at tahimik na umiiyak. It seems in that very moment ay namatay na ang maliit na hope niya sa puso nya. She was filled with anger and hatred for the guy. She wiped her tears at inilagay niya muli ang dyaryo sa rack kahit na medyo na nabasa na ito ng luha niya. She marched with a sturdy face. Lahat ng nakakasalubong niya ay nagtataka sa itsura niya. Nakakuyom ang mga kamao niya habang pabalik siya sa cottage niya. Nang makarating siya sa cottage nya ay binalibag niya ang pinto. Wala na siyang pakialam kung masira iyon o hindi “Ay! Anak ng butiki” nagulat ito sa pagbalibag niya ng pinto. “Naman! Sabihin mo lng kung ayaw mo na akong makasama dito sa kwarto.” Biro pa ni Fatima “I’ll be going back to manila” simpleng sabi niya tsaka humikbi. Napansin ata nito ang mamasa-masa niyang mata kaya lumapit ito sa kanya “Hoy! Umiiyak ka ah! Anong nangyari? Tell me! Something came up?” nag-aalala nitong tanong. Hindi na niya napigilan ang sarili nya. She burst her tears into her friend, Paputol-putol man ay naikwento naman niya ng maayos ang nagyari. After hearing her story, Tahimik lng si Fatima, kumuha ito ng tubig sa mini ref at ipinainom sa kanya “Calm your self down, we’re facing the guy” seryosong sabi nito. Minsan lng nya itong makitang seryoso. And if she’s in that mood, mahirap ng pigilan ang gusto nitong mangyari. “I dont want to see him, i Just want to be out in here” sabi niya “Are you sure? Kayang-kaya nating bugbugin ang lalakeng yon! Para ano pang nag-aral tayo ng Karate at taekwondo kung hindi natin magagamit” sabi nito habang palakad-lakad sa kwarto. “Hindi tayo nag-aral para mambugbog” simpleng sabi niya. “Gusto mong samahan kita?” tanong nito. “No,I need to be alone” “Ok sige, I understand, basta tawagan mo ko ha para hindi kami nag-aalala sa’yo” sabi nito tsaka umupo sa tabi nito “I’ll be fine, doon muna ako sa kakilala ko” assurance niya dito.Agad siyang nag-empake ng mga damit niya. Tinulungan siya nito sa pag-aayos, mabuti na lng at meron siyang kaibigan na tulad nito. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya pagwala ito sa tabi niya ngayon. Siguro hindi na siya magdadalawang isip na pirmahan ang kontrata niya. Nagulat siya ng hindi niya matagpuan sa cottage nito si Thalia. Plano pa naman niyang imbitahan itong mag-agahan. Agad siyang pumunta sa Front desk para tanungin kung nag-check-out na si Thalia. Nasa kalagitnaan siya ng paghihintay ng makita niya ang dyaryo na nasa rack malapit sa desk. Agad niyang kinuha ito. When he finished reading the coulumn. He immediately dialed his phone . “Ma! Anog ginawa niyo? Bakit nasa dyaryo na engaged na ako?” naguguluhang tanog nya. Pinaki-alaman na naman nito ang personal niyang buhay. Gaya ng pag-date niya kay Sissy noon sa mall, alam niyang nandoon din si Thalia pero what can he do, nakabantay ang ipinadalang bodyguards ng mommy niya at ng daddy ni Sissy. Hindi niya gustong gumawa ng gulo at ma-frustrate ito kaya sumunod siya sa mga ito. “Hindi ko yan alam iho! I dont know about it, i was also shocked when i saw the news. Pumunta dito Kahapon si Sissy, tinanong niya ako kung gusto ko siya, i thought you like her too so i said yes, hindi ko naman akalain na aabot sa ganito” paliwanag ng mommy niya “Sige ma, sorry kung napagtaasan ko kayo ng boses but i have to go, meron pa akong aasikasuhin” paalam niya dito “Sige iho, basta i’m happy if youre happy” sabi nito tsaka ibinaba nito ang phone. Agad siyang nagmadili na pumunta sa Parking lot, kailangan niya munang harapin si Sissy at linisin ang ikinalat nito bago siya humarap kay Thalia. ———————- Kasalukuyan siyang naka-indian seat ng mga sandaling yun sa ilalim ng coconut tree, ilang araw na rin siyang nananatili sa lugar na ito. Nagustuhan niya ang lugar dahil tahimik at malapit sa dagat, maputi ang buhangin at mababait ang mga nakatira sa lugar, ilang araw din yang pinag-isipan ang plano niya sa buhay and she has decided, pipirmahan na niya ang kontrata, magre-renew na siya, mas mabuti ng busy siya para hindi niya maisip ang lalakeng yun. Papasukin na rin niya ang mundo ng pag-aartista, mas maraming trabaho, mas busy, mas walang time na isipin ang sakit na nadarama niya. Hindi na niya alam kung paano pa siya mabubuhay, she felt empty simula ng mabasa niya ang balita.There was a big whole in her heart. Hindi na rin niya binuksan ang phone niya, tinawagan niya lang si Shelly para tanungin ito kung saas siya pwde mag-stay. Ini-recommend nito ang probinsya ng yaya nitong si Nanay Saling, kaya ngayon ay nasa pangangalaga siya ng yaya nito.Ilang gabi na rin siyang umiiyak, Maga na ang mga mata niya. May pinaplano pa naman siya kung paano ito mai-inlab sa kanya pero sayang lang pala. Ok lng naman sa kanya kung sa ngayon ay gusto lng siya nito willing naman siyang maghintay, hindi nya naman ito minamadali pero now she knows the reason why hanggang gusto lng ito, coz he’s engaged to a Former Beauty queen, at siya yung babaeng naka-date nito sa mall. It was so tragic for her, hindi niya namalayan umiiyak na naman pala siya. “Ano ba naman yan! Akala ko ubos na yung luha ko, bakit may natira pa?” agad niyang pinalis ang ang tumulong luha niya pero patuloy pa rin ito sa pag-agos. “Iha! Halika na! Kakain na tayo!” tawag sa kanya ni Nanay Saling. “Andyan na po!”sagot niya rito hindi niya namalayan nakalapit na pala ito sa knya. “Umiiyak ka na naman? Ano ka ba sayang ang ganda mo kung magiging ermitanya ka lang dito, abah! Marami pang humahabol sa’yo at gusto kang makuha, wag mong ubusin ang luha mo sa iisang lalake” payo nito “Hindi po, napuling lang ako” pagdadahilan niya “Aba! Dyaskeng bata toh, gagawin pa akong uto-uto, alam ko na yang pinagdadaanan mo na yan, dumaan na ako dyan Thalia” sagot nito “Nanay naman” ngumiti siya ng pilit para makumbinsi ito na okay lng siya. Tama na ang pag-aalala nito sa knya. “Hay naku, bakit ayaw mong maniwala sa akin? Aba! Noong kapanahunan ko ay kasingganda mo ako, marami ding nanliligaw sa akin” pagmamalaki nito “Anong niluto mo nay?” pag-iiba niya ng topic “Yung especialty ko, Adobo” sagot nito “Siguradong masarap yung inihanda nyo” “Kaya nga idaan mo na lng sa kain ang pagkabigo mo” “Oo nga po, halika na Nay!” sabi niya rito tsaka tumakbo papunta sa bahay nila “Hoy! Bata ka! Hintayin mo ko, matanda na ako para makipag-habulan sa’yo!” sigaw nito Nagda-drive na siya papunta sa Condo ni Sissy ng may matanggap siyang tawag. Agad niyang inilagay ang earphones sa tenga niya para tanggapin ang tawag “Hello?” “Hoy! Karl! Anong pinagsasabi mo kay Thalia! Alam mo nagpaka-ermitanyo ang bagong kaibigan ko ng dahil sa’yo!” bungad agad sa kanya ni Shelly. Napangiwi siya sa lakas ng boses nito. “Shelly, wla akong sinasabi sa kanya, baka nabasa niya yung balita na engaged na ako” pagpapaliwanag niya rito “Ah basta! Maghanda-handa ka na, baka hindi mo na siya makita” pananakot nito. “At bakit naman?” “She’s gonna sign the contract” sabi lng nito tsaka ibinaba ang telepono. Agad niyang binilisan ang kotse. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng isang magazine ng biglang may tumawag sa telepono ng bahay. Wala si Nanay Saling kaya siya na lng ang sumagot ng tawag. Hanggang sa makakaya niya ay ayaw niyang kausapin ang sinuman maliban sa kay Nanay Saling, ayaw niyang kaawaan siya. “Hello? Sino toh?” “Kami ito Thalia” agad naman niyang nabosesan ang tumatawag. “Angel?” “Yeah, nag-aalala na kami sa’yo, hindi ka tumatawag sa amin or hindi ka nagpapadala ng sulat. Kay Fatima pa namin nalaman ang nangyari sa’yo. We dont know what to do so we called Shelly and ask your number” “I’m okay, wag na kayong mag-alala. Babalik din ako dyan. Di ko pa nga alam kung kailan pero babalik ako before ng contract signing ko” “Bumalik ka na ha, we miss you tsaka kung ano man ang magiging desisyon mo, suportado ka namin” “Thank you, i’m glad kayo ang naging kaibigan ko” “Hindi na kumpleto ang gimmik namin ngayon, wla ka kasi” pag-iiba nito “I’ll be back soon” simpleng sagot niya. She’s not yet ready to face her friends. “Ok! Take care!” sabi nito tsaka ibinaba ang phone. “Sinong tumawag Thalia?” tanong agad ni Nanay Saling. Nakrating na pala ito hindi niya namamalayan. “Kaibigan ko po” sagot niya “Oh? Anong sabi?” pang-uusisa nito “Mag-ingat daw po ako tsaka nag-aalala na sila sakin” “Tignan mo, marami pang bagay ang mas importante kaysa sa lalake, nandyan ang mga kaibigan mo na handanh duamamay sa’yo yung mga taong nagmamahal at sumusuporta sa iyo at syempre ang Panginoon dahil blessed ka, hindi ka man swerte sa pag-ibig ay swerte ka pa rin sa buhay mo, sabi nga nila kung hindi ka swerte sa larangan ng pag-ibag eh swerte ka sa pera” mahabang litanya nito “Nay? Man-hater ba kayo? Yun ba ang dahilan kaya wala kayong asawa?” pag-iiba niya. “Naku, hindi naman, kaya lang ayoko lng may nakikitang may nasasaktan ng dahil sa kanila” sabi nito habang inilalabas ang mga pinamili nito “ Pero bakit po hindi kayo nag-asawa?” lumapit siya rito para tulungan na ito. “Pinagsilbihan ko na kasi ang mga Fuego buong buhay ko kaya hindi na ako naghanap ng mapapangasawa tsaka turing ko kay Shelly ay isang tunay na anak kaya hindi ko na kailangan ng iba pa” “Napaka-swerte naman po nila Shelly sa inyo” sabi niya rito. Ngumiti lang ito tsaka tumalikod at kumuha ng bagay sa ref. “Salamat nay ha, pinagaan nyo ang loob nyo, babalik na po ako sa Manila sa makalawa, haharapin ko na po ang mga problema ko”paghahayag niya ng kanyang plano. “Tama yan iha, dapat harapin ang mga problema, hindi tinatakbuhan” pagsang-ayon nito. “Sige po, maliligo na ako” pamamaalam niya rito. Tumango lang ito dahil naghihiwa na ito ng mga gulay. Agad siyang pumunta sa kanyang kwarto at naligo. Last day na niya bukas kaya lilibutin na niya ang buong lugar. ——————- Agad siyang bumaba sa kotse niya. Binilisan niya ang kanyang paglalakad para makausap na si Sissy sa condo nito at matapos na ang lahat. It took him minutes before he could reach her condo, kakatok na sana siya ng biglang bumukas ang pinto. “I’ve been waiting for you babe! Come! Pasok ka, itinawag na sa akin na dadating ka, i’ve prepared you a cake para makapag-merienda ka” sabi nito tsaka pinapasok siya sa condo nito. “Hindi ako nag-punta dito para sa ganyang bagay” malamig niyang sagot “So what brings you here? About our engagement right?” tanong nito “Oo!.What makes you think na magugustuhan ko ang desisyon mo? Mali ang ginawa mo Sissy! We just have dated once!, tapos mababalitaan ko na engaged na pala ako ng hindi ko nalalaman! Let me clear this to you! hindi kita mahal, bakit nagpadalos-dalos ka ng ginawa? Hindi mo ba alam na maraming naapektuhan? There’s so much consequence than you think Sissy!” Nagpipigil niyang sabi. Galit na galit na siya rito. Dapat bigyan siya nito ng magandang sagot sa mga tanong niya. “I thought we have something na so inunahan na kita, you’ll gonna ask me naman di ba?” sabi nito tsaka lumapit sa kanya. Agad siyang lumayo dito. “Bawiin mo ang mga sinabi mo Sissy, wla tayong relasyon for pete’s sake!” sagot niya rito “No! Hindi!, Ayoko! Matagal ko nang hinihintay toh. I love you and You will gonna love me eventually babe, pag mas nakilala mo ko” pagpipilit nito “Sissy, Listen to me, I’m not gonna beg to you para lang bawiin mo ang mga sinabi mo, ang hinihingi ko ay kusa mong bawiin ang sinabi mo! Ikaw ang nagsimula nito, ikaw dapat ang magtapos! No, dont make me do things you dont want to see!” pagbabanta niya rito “Then do it! I dont care” simpleng sabi nito “Oh I will, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin Sissy,” “I’m not scared, andyan naman si Dad” sagot lng nito “Binibigyan pa kita ng pagkakataon Sissy, ikaw ang bumawi ng kalat mo, you’re such a spoiled brat! Alam mo na noon pa lng na hindi kita gusto! Napilitan lng akong i- date ka dahil sa mommy ko other than that, wla na and i’m sure kung malalaman ng Dad mo ang totoo ako ang papanigan niya” Bigla itong namutla sa huling sinabi niya. Hindi niya inaasahan na iiyak ito, he thought she was a strong woman. Nasobrahan ata ang pagbuhos ng galit niya rito. “I’m sorry pero wala talaga akong special feelings sa’yo even if you cry and beg for my affection” malamig niyang sabi.When it comes to women, wala talaga siyang amor not until she came in her life. “Wala na ba talaga akong magagawa para magkaroon ka ng special feelings sa akin?” tanong nito sa knya “There’s nothing you can do about it but i’ll be grateful if you would clean your mess” He answered “Then give me a reason” sabi nito habang umiiyak. “I love somebody, at dahil sa maling akala na ginawa mo kaya i’m gonna loose her” sagot niya rito “Then, tomorrow, I’m gonna clear it out, I guess there’s nothing i can do” assurance nito. Ngumiti ito sa kabila ng pag-iyak nito kanina “Let’s be friends, Sissy” pang-aalo niya rito “I dont know..it’s not easy but i’ll try” sagot nito “Then i’ll be going” paalam niya rito . Agad siyang lumabas sa condo nito “Go catch her!” pahabol nito Agad siyang bumalik sa resort para hingin ang tulong ng kaibigan niya. Simula ng bumalik siya sa bahay niya ay hindi na siya nag-basa ng dyaryo, she consider it as a “bearer of the bad news”. Na-trauma ata siya kaya ni hawakan ito ay hindi niya magawa. Hindi na rin siya bumalik sa Call center, wala na siyang ganang magtrabaho doon. Hindi na rin sya lumalabas ng bahay even if her friends tried to ask her out. Ayaw niyang makita ang mundo mula ng dumating siya sa manil , she dont know why! Hinihintay niya na lng ang araw na magsa-sign siya ng contract. Hindi na siya yung dating masiglang tao na nakakapagbiro at gumagala-gala sa mall ng naka-disguise, she takes life seriously now, tama nga si Nanay Saling, dapat siyang may matutunan sa pagkabigo niya. Hindi niya alam kung kailan makababalik sa normal pero it would take a lot para niya magawa yon. Sa pagkaka-alala niya sa binasa niya ay ang date ng formal declaration ng engagement nito ay sa araw din ng signing of contract niya muli and that’s 2 days from now kung hindi siya nagkakamali. “Malapit na pala” agad siyang bumaba ng hagdan para gumawa ng sandwich. Kumakalam na ang sikmura niya. “Yow! How is it going?” bungad agad sa kanya ni Fatima. Tinignan niya lang ito tsaka pinagpatuloy ay ginagawa niya “Still not okay” she answered. “And why? Dapat nga lumiliwanag ang mundo mo dahil nakita mo ang nag-iisang anghel sa lupa” sabi nito tsaka binuksan ang ref. Hindi niya ito pinansin, pinagpatuloy lng niya lang ang paggawa ng sandwhich niya. Nabigla siya ng biglang ilapag nito ng malakas ang baso na ginamit nito. “So, 2 days from now and you’ll be buy na, right? Nakita ko ang schedule mo and you’re pack for the whole year, that means, you’ll be going to abroad, tapings, pictorials at wala ka ng freedom, hindi mo na magagawa ang dating ginagawa mo” litanya nito “Yeah” walang ganang sagot niya “Hoy! Naintindihan mo ba ang sinabi ko ha? Hindi kita ini-encourage na ituloy yon, okay lng naman na hindi ka pumirma!” sabay yugyog sa balikat niya. “Oo, Alam ko” sagot niya sabay hawi sa mga kamay nito. “Then what are you doing? Ipagpapatuloy mo? That’s not you Thal! Wake up! Ano ka ba! Wag mong baguhin ang sarili mo dahil lng doon!” sigaw nito sa kanya. “Hindi mo kailangang sumigaw! Hindi ako bingi!” sagot niya rito “Oo nga, mahirap intindihin ang mga taong nagbibingihan” pamimilosopo nito. “I need this Fam! I dont know what to do now! Dont make this hard for me!” maiiyak niyang sabi. Sinusubukan na niyang mag-move on tapos sinabi pa nito ang pinaka-sensitibong topic ng buhay niya ngayon na ayaw niyang marinig. “I’m not making it hard for you! It’s you whose making this complicated! Simple lang naman yan Thal! Eh ano kung engaged na siya? Hindi pa naman sila kasal! Naman! Pwde mo pa siyang maagaw! Thalia, make some sense!” sigaw pa nito sa knya “I have decided Fam, and it’s not gonna change, kung gusto niya sana matagal na siyang nag-explain sa akin pero ni anino nito hindi ko nakita siguro maligaya na ito sa babaeng yun” sabi niya tsaka iniwan ito. “Paano siya mag-eexplain eh hindi ka nga mahagilap! Ni hindi mo siya bibigyan ng chance! Syempre matatakot yung tao dahil mare-reject!” habol pa nito. Tumigil siya ng sandali bago ipinagpatuloy ang paglalakad niya. “Wag mo kong sisisihin pag hindi mo na gusto ang ginawa mo! You’re hopeless!” dugtong pa nito. Hindi na niya pinansin ito, lumabas lng siya ng pintuan at umupo sa duyan. She’s emotionless..ayaw niya ng makaramdam ng saya o lungkot o sakit, kasi pag-sumaya ka panigurado, lungkot agad. Nakita niyang sinundan siya ni Fatima. “What will i do to stop you from being a zombie? Gusto mo bumili ako ng plants na may mga bala na parang sa plants vs. Zombies ha?” tinitigan niya lng ito tsaka pinagpatuloy ang pagkain ng sandwich, tama ito, zombie na siya. Salamat sa lalakeng yun. Nagulat siya ng kumuha ito ng mga dahon sa paligid at nagsasayaw sa harapan niya. “Wararahahararahahahammm! Ibalik nyo na ang kaibigan ko! Wararahahararahahammm…hindi niya alam ang ginagawa niya” sabi nito. “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang sabi “I’m making a ritual! So just bear with me!” sabi nito tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. “Stop! You’re funny, bka mapagkamalan ka ng mga kapitbahay na baliw, masisira ang image mo” sakay niya dito. Tama ito, she shouldn’t be a zombie ng dahil lng sa lalakeng yun, mas marami pang mabigat na problema kay sa sa mga lalake. Sa wakas! Nag-sink in din sa utak niya ang mga sinasabi nito. “Oh my gosh! It worked! Yey! You’re back! Sabi na nga ba at may pagka-albularya ako.haha, Ganyan talaga pag mga-multi talented. Bwahaha!” sabi nito tsaka binitawan ang dahon na hinahawakan nito kanina. “The girl’s are coming over! so be ready!” sabi nito tsaka inagaw ang sandwich niya. Agad niyang ibinigay ang plato dito. “Hugasan mo yan!” sabi lng niya “Okdokie, galing ka sakit so pagbibigyan kita” sagot lng nito. Ilang saglit pa ay narinig niyang may nagdoorbell. “It must be them” sambit niya “I’ll open it” pagkukusa nito. Then she grabbed her arm. “Prepare the food Thal” sabi pa nito tsaka itinulak siya sa kitchen habang ito naman ay pumunta sa labas. Pagkatapos niyang ma-prepare ang mga pagkain ay agad siyang pumunta sa sala. “So, you’re back!” bati agad ni Kyla “Just a half of me” sagot niya dito “But still you’re back, let’s celebrate!” singit ni Angel “We brought you your favorite coffee” sabi ni Girlie sabay abot ng kape “Hmmm..ang bango! Thanks!” agad niyang kinuha ang kape at ininom ito. “Whew! Na-miss ko toh! Grabeh!” sambit niya pagkatapos niyang ma-ubos ito. “So sinong nagpabalik sa’yo?” tanong ni Angel “Syempre! Ako!” sulpot agad ni Fatima tsaka sumayaw-sayaw ito sa harapan niya. “Yeah! I agree with her, ipinakita niya kasi sa akin yung ritual dance niya” paliwanag niya. “Hey! Fatima! Ipakita mo sa kanila!”” baling niya rito “Ayoko nga! For Emergency purposes only lng yun! Soorryy!” sabi nito saka kumuha ng Cookie na dala ni Kyla. “Hey! Sayaw muna bago kain!” sabi naman ni Kyla. Bago pa makain ni Fatima ang cookie ay naagaw na ni Kyla ito. “Hoy! Mang-aagaw! Anong ginagawa mo!” apela nito “Sige, huwag ka nang sumayaw you’re not a good dancer naman magkwento ka na lng. Ano itong nababalitaan naming may Mr. Cute ka na daw” pang-uusisa ni Kyla. “Yah! Whose that guy?” singgit ni Girlie “Ha? Hindi ko alam yang tinutukoy nyo tsaka pwede ba akin na yan!” sagot nito sabay agaw muli ng cookie at diniretso sa bibig nito “Ay! Ayaw mag-share! Sige wag na yang pakainin” babala ni Kyla “Teka! Teka! Akala ko ba si Thalia ang Topic dito?” pag-iiba nito “Eh sa gusto namin ikaw!” sabi naman ni Angel .Wala nang nagawa ito kundi ikwento ang nangyari dito.
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 10:49:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015