NASAAN NA MGA SALN NG MGA TAGA-USIG/HUKOM NI CJ CORONA? Noong - TopicsExpress



          

NASAAN NA MGA SALN NG MGA TAGA-USIG/HUKOM NI CJ CORONA? Noong patapos na ang pinagtulungang impeachment trial ni Supreme Court CJ Corona at pagkatapos na pagkatapos nito ay ang gigilas ng mga taga-usig/hukom na nagpahayag na ilalabas daw nila ang kanilang mga SALN upang ipakita na sila ay mga honest na tao. Nadikdik si CJ Corona dahil sa dollar account na hindi niya naisali sa kanyang SALN. Hinintay ng lahat na ilabas ng mayayabang na nagdidkdik kay CJ Corona ang kanilang SALN, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nila inilalabas. Sabi nga ng iba, dapat daw na imbestigahan ang kanilang mga account sa Hongkong at US. At hindi ba si Loren Legarda ay may mga nakatagong kayamanan sa US ngunit dahil na rin sa pakikialam ni Noynoy ay nabaon sa limot ang isyu. Ang pinakamahalaga, alamin ang deposito nila sa Cayman Island kung saan may balita na maging si Noynoy ay mayroon din nakatagong deposito! Hanggang ngayon ay wala ang hinihintay na mga SALN! Bakit wala? May mga nakatago din ba ang mayayabang na mga mambabatas na matitigas ang leeg habang pinagtutulungan nila si CJ Corona? YOUR HONORS, SHOULD WE HOLD OUR BREATHS WHILE WAITING FOR THE ANNOUNCED SHOW OF HONESTY AND RESPECTABILITY? Or is it ever coming?
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 05:41:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015