Nababagbag nang todo damdamin ko sa theme song ng Pagbangon sa - TopicsExpress



          

Nababagbag nang todo damdamin ko sa theme song ng Pagbangon sa Kalamidad na panay pinatutugtog ng GMA. Ngayon ko tuloy nararamdaman ang puyat at pagod ng pagmonitor sa news at pagposts ng info sa social media natin sa UMC dito. At nakakalunos ang realization na tila walang kalaban-laban maraming tao na dinaanan ng Yolanda--dahil kahit sanay tayong mga Pinoy sa bagyo, sobrang lakas at halos kahit gobyerno di nila alam ano ibig sabihin ng iniuulat ng foreign media na lagpas sa category ng lakas ng category 5 na hurricane Katrina. Dapat kung projected storm surge ay 5-10 meters, walang pababayaang manatili sa coastal area. Dapat lahat tumakbo sa mataas na lugar dahil tila tsunami pala ang storm surge na iniulat ng mga weather authorities a analysts. Hindi naintindihan ng mga tao yung storm surge sabi ni Ted Failon. Sa pagkukwento ni Nathaniel Cruz na resident meteorologist ng GMA tungkol sa nakita niya sa dumaang bagyo, ngayon lang natin talaga mahahawakan ang larawan ng ganyang lakas na bagyo. Nakita ko yung steel frames sa report ng GMA na tila dating gym o covered court. Walang mga yerong natira at parang alambreng nilukot ng kamay. Hindi kakayanin kahit ng maraming mga bahay natin dito sa Manila ang bagyong Yolanda. Kahit mga bagong hotel sa Leyte nilaspag niya at walang matira sa loob kung mabuksan niya ito ng hanging nakayayanig ng building.
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 02:55:55 +0000

Trending Topics



s worked with the 24-year-old

Recently Viewed Topics




© 2015