Nag medical mission ako noon sa Sarangani provincial jail. Doon ko - TopicsExpress



          

Nag medical mission ako noon sa Sarangani provincial jail. Doon ko nakilala si Safii. Isang batang B’laan na nakulong dahil sa pagnanakaw ng manok. Panganay siya sa maraming magkakapatid. Isang araw, hinde nakapagtrabaho ang ama ni Safii dahil masakit ang tiyan. Para sa daily wage earner, ang isang araw na walang trabaho ay isang araw din na walang pagkain para sa pamilya. Hinde natiis ni Safii ang mga kapatid na umiiyak dahil sa gutom, habang ang ama naman ay namimilipit sa sakit ng tiyan at ang ina ay bagong panganak. Kaya umalis siya ng bahay. Habang naglalakad, may nakita siyang manok at ito ay hinuli. . . Ito ang dahilan ng kanyang pagkabilanggo. Siya ang napagbintangan sa maraming nawalang hayop. Hinde nawala sa isipan ko si Safii. Hinde siya nakulong dahil sa pagnanakaw. Biktima siya ng kawalan. Kawalan ng medical services. Isang tableta lang ng Dicycloverine ang kailangan ng ama ni Safii . . . isang tableta sa halagang 25 centavos. Kung nakainum lang sana ng Dicycloverine ang ama ni Safii, hinde sana siya nabilanggo ng maraming taon. Dahil kay Safii, namulat ako sa pangangailangan ng mga nasa malalayong lugar. Napansin ko na kahit sa malayong kabundukan ay may signal ang cellphone. Kung kaya naisipan ko ang “e-text si Doc” project at ang “botica sa kabukiran”. Lahat ng simtoma ng pasyente ay e-text sa akin at matatanggap nila ang medical advice at gamot sa aking reply. Hanggang sa nabuo ang “e-health center” - isang health center sa malalayong lugar gamit ang electronic technology sa pagbibigay ng serbisyo medical. Tulungan ninyo akong dalhin ang “e-health center” sa inyong lugar at sa mga lugar na walang doctor. Ibigay sa akin ang cell number ng kahit na sino sa lugar upang mapag-usapan ang proyekto. Para sa karagdagang kaalaman, bumisita sa aming website sa heartsbrains.wix/missions. Maraming salamat. #Dr. Roel Cagape
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 13:17:11 +0000

Trending Topics



sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Statement by parents of Ali Eskandarian one of the slayed Brooklyn
_fox_ Live at R Coffee House, Wichita, Kansas Jan. 16, 2105 _fox_

Recently Viewed Topics




© 2015