Nagpanggap na supervisor, magnanakaw pala ng motor, - TopicsExpress



          

Nagpanggap na supervisor, magnanakaw pala ng motor, arestado Written by Bombo Naga Published in More News Thursday, 29 August 2013 NAGA CITY - Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking nagpanggap na may kaya para lamang makapagnakaw ng motorsiklo sa Nabua, Camarines Sur. Kinilala ang suspek na si Arnold Salazar na nagpanggap na supervisor ng isang food chain sa Makati City. Lumapit umano ito sa grupo ng biktimang si Delly Santiago sa loob ng isang inuman at inalok ang mga ito g libreng alak. Maya-maya ay nagpaalam umano ito na magwi-withdraw lamang ng pera sa isang ATM kung kaya inalok si Santiago na samahan siya. Nagpresinta umano ito na siya ng magmamaneho ng motorsiklo ngunit imbes na ipagmaneho ang biktima ay pinaharurot nito ang sasakyan at pinasakay na lamang sa habal-habal ang biktima na natunugan na rin ang maitim na balak ni Salazar. Agad nila itong naiparating sa PNP kung kaya naharang si Salazar bago pa man tuluyang makatakas. Sa ngayon, nahaharap na si salazar sa kasong estafa. - See more at: bomboradyo/news/more-news/item/19814-nagpanggap-na-supervisor-magnanakaw-pala-ng-motor-arestado#sthash.eP97Rn7P.dpuf
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 12:30:00 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015