Nasaktan ka naba? Nasaktan ka na ba? Malamang “OO” sa totoo - TopicsExpress



          

Nasaktan ka naba? Nasaktan ka na ba? Malamang “OO” sa totoo lang ang hirap no? Ang ma- REJECT ng taong pinahahalagahan mo ng SOBRA. Yung tipong sa kanya na nga halos umiikot ang mundo mo, ni hindi ka parin kayang PAHALAGAHAN. Minsan tumatatak sa isip natin na umayaw nalang….. pero bakit ganun? Hindi natin magawa… Binabalik-balikan pa rin natin sila… Simple lang ang masasabi ko dyan… “MAHAL MO KASI…. AT AYAW MONG MAWALA SAYO.” Sa maniwala ka man oh hindi, may mga bagay talagang nilaan satin ni GOD, para may matutunan tayong lesson, at minsan para ilapit tayo sa taong mas makaka-APPRECIATE ng EFFORT natin.Walang mangyayari kung ipipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sayo. Para ka lang “NAMAMANGKA sa KALSADA, hindi ka na nga UMUUSAD nagmumuka ka pang TANGA.” Minsan isipin mo din ang sarili mo, sa sobrang pagpapahalaga mo sa kanya, ayan tuloy hindi mo napapansin ung mga taong LAGING NANDYAN PARA SAYO, ung mga taong naghihintay lang sayo para MAPANSIN mo EFFORT NIYA. Simple lang naman kasi diba, matuto kang dumistansya sa mga bagay na NAKAKASAKIT sayo, masyadong MALAKI ang mundo para ITALI ang sarili mo sa isang tao. Minsan dumadating sa puntong IKAW nalang… Ikaw nalang ung nakaka-alala, ikaw nalang nagtetext, ikaw nalang nag-paparamdam at higit sa lahat…. IKAW NALANG ang KUMAKAPIT habang siya BUMITAW na…May dalawang bagay kasi na nakakasakit sa puso ng tao. Mga panahon na sana wala na lang katapusan at mga panahon na sana hindi na lang nasimulan. Bali-baliktarin man natin ang mundo, mali ang magpaka tanga sa isang taong walang kasiguraduhan kung sasaluhin ka ba. Iisa lang naman ang gusto nating lahat ee, ang makaranas na PAHALAGAHAN at INGATAN ng mga taong MAHAL natin….. Kaya habang nasayo pa INGATAN mo… ALAGAAN mo… Kasi hindi natin alam kung kelan ung oras at panahon na maramdaman nilang MAGSAWA, wag titigil mag-effort …. Wala namang masama diba? Bsta’t lagi lang natin tatandaan tong simpleng thought na to… “Pahalagahan mo ang taong binibigyan ka ng halaga. Baka kapag nawala yan, manghinayang ka.”
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 14:21:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015