National News 27 September 2013 via abante news PDAF IPINATALO - TopicsExpress



          

National News 27 September 2013 via abante news PDAF IPINATALO LANG SA SUGAL Kung uminit ang inyong ulo at tumaas ang blood pressure sa napaulat na P10 bilyon na pork barrel scam, paano kung malaman n’yo na ipinatalo lamang pala umano sa sugal ng isang mambabatas, na dawit sa nasabing kontrobersya, ang bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF)? Ito ang napag-alaman ng Abante mula sa isang mapagkakatiwalaang source na nagsabing ipinatalo lamang sa casino ng nasabing mambabatas ang kinulimbat n’ya sa PDAF na nakalaan sa kanyang tanggapan para sana sa iba’t ibang proyekto na pakikinabangan ng sambayanang Filipino. Ayon sa source, sakaling matalo sa casino ang mambabatas ay tatawag ito kay Napoles upang mag-advance mula P20 milyon at ang pinakamahina na kinukuha nito ay P10 milyon. Agad naman umanong idedeliber ni Napoles ang hinihinging advance na halaga subalit mamadaliin naman umano nito ang mambabatas na maglabas ng pondo mula sa pork barrel ng huli para sa mga non-government organizations (NGOs) ng una. Maging ang isang dating consultant ng palasyo ay napaulat na nalulong din umano sa casino kung saan umabot sa P200 milyon ang ipinatalo nito at agad umanong tinulungan din ni Napoles para maisalba sa nasabing pagkakautang. Batid ng mga ito bilang mga opisyal ng gobyerno ang ‘ethical issue’ kung saan hindi sila dapat na makikita sa mga loob ng casino o anumang lugar ng pasugalan. Matatandaan na kamakailan ay nalagay din sa kontrobersya si Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres matapos kumalat sa social media ang video nito na nakunan sa loob ng casino at abalang- abala sa paglalaro ng slot machine. Kikay
Posted on: Thu, 26 Sep 2013 19:04:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015