News via Abante 󾌧YASUHL󾌧 99 PULIS INAMBUS! (JB Salarzon, - TopicsExpress



          

News via Abante 󾌧YASUHL󾌧 99 PULIS INAMBUS! (JB Salarzon, Amihan Sabill/Dindo Matinin/Joselito Perez/Richard Buenaventura/Francis Soriano) Patay ang isang pulis, 9 ang sugatan at 10 pa ang nawawala makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga nagdya-jogging na 99 na bagong rekrut na pulis kahapon ng umaga sa Sitio Cabunagan, Poblacion, Tadian, Mt. Province, ayon kay Sr. Supt. Oliver Alilis Emmodias, hepe ng Regional Operations and Plans Division ng Cordillera Regional Police Office. “Nawawala pa ang 10 bagong pulis natin,” ani Emmodias. Tumanggi muna itong magbigay ng reaksyon o komento hinggil sa ispekulasyon na ang nawawalang 10 ay nasa poder ng NPA. Ang ambus ay naganap dakong alas-5:45 ng umaga. Ang mga naambus ay kabilang sa 120 Police Non-Commissioned Officers na kasalukuyang sumasailalim sa PNP Scout na kinabibilangan ng 70 kababaihan. Ayon kay Mt. Province police director Sr. Supt. William Viteno, patuloy ang pagtugis sa mga rebelde at paghahanap sa 10 pulis na nawawala. Kinondena naman ni Cordillera police director Chief Supt. Benjamin Magalong ang pangyayari. “Hindi na talaga makatao ang ginawa ng mga teroristang NPA na ito dahil walang armas at naka-athletic uniform lang ang ating mga bagong pulis at nagdya-jogging lamang,” ani Magalong. Agad siyang nagbigay ng direktiba sa buong puwer­sa ng kapulisan sa rehiyon na itaas ang kanilang alerto. Samantala, kinilala ni Supt. Dave Limmong, taga­pagsalita ng Cordillera police, ang nasawi na si PO1 Denver Balabag. Ang mga sugatan naman ay sina Insp. Melenium Bantas, PO1 Alex Dulnuan, PO1 Pawas Dake­tan, PO1 Junette Ngalawen, PO1 Jasmin Salve, PO1 Mitchell Malubon, PO1 Robin Benito, PO1 Jefferson Sari, PO1 Edison Waguis, PO1 Pawas Daketan, at PO1 Robin Benito. Lahat ng mga sugatan ay dinala sa Luis Hora Hospital sa Barangay Abatan, Bauko town. Ngunit si Waguis ay inilipat sa Baguio General Hospital dahil sa tindi ng kanyang sugat. Mariin namang kinondena ni Vice President Jejomar Binay ang insidente. “I strongly condemn this treacherous attack. The victims were unarmed and based on the report I got, were doing their regular morning jog. Whoever was behind this should be brought to justice,” ani Binay.
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 18:23:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015