Ninoy: The Filipinos are worth dying for Cory: The Filipinos are - TopicsExpress



          

Ninoy: The Filipinos are worth dying for Cory: The Filipinos are worth living for PNoy: The Filipino is definitely worth fighting for Ninoy Aquino had proven to the world by saying The Filipinos are worth dying for when he was assassinated by the Marcos regime fighting for freedom from the Conjugal Dictatorship, His widowed wife Cory Aquino became the President after the famous 1986 peaceful revolution and ruled for the Filipinos who are worth living for. Their son PNoy was elected President and took office in 2010 and within 4-years catapulted the Philippine economy from sick nation of ASIA now being tagged and believed as the new rising tiger economy of the region and all these was made possible with the help of created funds called DAP. This DAP funds are questioned and ruled by the Supreme Court as unconstitutional but PNoy reasoned out that he just followed the Constitution where his admin of cabinet members presented their script from the Constitution that makes the DAP funds legal. PNoy submitted this issue for clarification of this savings to Congress. PNoy is now facing 3 impeachment complaints and in his 28 July 2016 SONA closing his speech by saying The Filipinos are worth fighting for. PNoy enjoys the popular support from the majority of the Filipino people and is now seen that his ratings will go up after delivering his SONA with full script here: philstar/nation/sona-2014/latest-news/2014/07/28/1351338/full-text-president-aquinos-5th-sona The Filipinos are worth dying for, The Filipinos are worth living for, The Filipinos are worth fighting for! Sa kabuuan ng kanyang talumpati ay iminulat niya ang Sambayanang Pilipino sa katotohanan, napagtanto ang ating narating mula sa ating pinanggalingan magpahangga sa kasalukuyan at sa hinaharap ng ating inang Bayan. Inalis niya ang datiy agam-agam na nararamdaman na nahalinhan ng ibayong tiwala at kasiguruhan sa kanyang pamunuan na ang ating gobyerno ay tunay na nasa tuwid na daan na atin na ngayon unti-unting nararanasan at nararamdaman ang minimithing pagbabago sa ikagiginhawa at katiwasayan ng sambayanang Pilipino ayon sa pagpapala at kalooban ng Diyos sa ating inang Bayan, Mabuhay ka PNoy! Mabuhay ang Pilipinas! philstar/nation/sona-2014/latest-news/2014/07/28/1351338/full-text-president-aquinos-5th-sona Tama lang na banggitin muna niya ang nakaraan na kalagayan ng ating Bayan sapagkat may katotohanan ang kasabihang ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa gustong paroonan na sa simula pa lang ng kanyang panunungkulan ay we are still a sick Nation of ASIA. The Philippines was a BAD GOVERNMENT when PNoy took over the Presidency. voices.yahoo/philippines-bad-government-4605009.html Wala tayong makakamit na kabutihan kung hindi magbabago sa kasamaan ang ating corrupt na gobyerno at ang mga corrupted na kaisipan na nakagisnan during Marcos regime. Ganitong klase ang dinatnan ni PNoy nang magumpisa siyang manungkulan bilang Presidente. Take note na walang nagawang paglilinis sa ating Bayan na iniwan ni Marcos sa malubhang kalagayan ng ating Bansa, walang nagawang paglilinis ang mga naunang nanungkulan mula nang mapatalsik ang gahamang corrupt na si Marcos kundi lalong lamang lumubha ang karamdamang cancer na corruption na lalong nagpalubog sa kahirapan ng mamamayan sa ating Bayan at ngayon lamang naumpisahan ang gamutan ng maupo na pagka Presidente si PNoy. Ang talamak na corruption sa ating Bayan ay naging kanser na kumalat sa buong gobyerno ng ating Bayan at naging virus ng corruption na dapat magtulongtulong ang mamamayang Pilipino na alamin halughugin upang mabuking makita tugisin at hulihin upang ang lahat na virus ng corruption ay mabunot at mabigyan ng karampatang hustisya at parusa upang huwag nang makahawa. Malaki ang laban ng ating Bayan sa mga katiwalian at corruption na kailangan ang suporta ng buong Bayan upang makaya ni PNoy maipatupad ang kanyang pangako na walang pilipinong mahirap kung walang politikong corrupt. Remember it was estimated by our hero Ninoy Aquino that we need 10 years to straighten our corrupt government, and 4-years already spent by PNoy doing this medication with his Matuwid na daan 6-years more to complete the ten years needed to recuperate, But since PNoy has only 6-years term he is short of 4-years to do his job to materialize a “MATUWID NA DAAN NG PAMAHALAAN” but we can all help PNoy to do his job the best he can for the betterment of our country. Huwag lang tayong maging utak talangka ay makakatulong na tayo kay PNoy. The last paragraph on the letter of Ninoy Aquino to his son PNoy is read like this: “The only advice I can give you: Live with honor and follow your conscience. “There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our own. Serve them with all your heart, with all your might and with all your strength. “Son, the ball is now in your hands.” Lovingly, Dad https://ph.news.yahoo/dad-perfect-exemplar-pnoy-000531975.html Si PNoy ay tao lamang ang kanyang kakayahan na sa pagiging Presidente ay parang nanonood siya ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam niya, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel at bawal ang malito upang maiwasan ang pagkakamali kundi maisagawa ang tama na maging makatarungan at katanggap-tanggap sa karamihan kundi man sa pangkalahatan. Hindi siya nakuntento na matulungan lamang ang mga nangangailangan ng tulong na sa pamamagitan ng DSWD ay naipamahagi ang pantawid gutom na mga pakete ng pagkain kundi binigyan niya ng dunong at kagamitan upang sila mismo ay makagawa at kumita upang may permanenteng mapagkukunan para sa ikabubuhay na mga pangangailangan at makatulong sa gobyerno bilang taxpayer at eto ay nagawa sa tulong ng TESDA. Sa unang pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade status mula sa Moodys, sa Fitch, at Standard and Poors-ang tatlong pinakatanyag na credit rating agency sa mundo. Sa pagsusuri nila ng ating macroeconomic fundamentals at governance, nabawasan ang riskong itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng mga namumuhunan na nagresulta ng maraming nagsidating na namuhunan at marami pang parating na gustong mamuhunan sa ating Bansa. https://facebook/photo.php?v=1497642180457632&set=vb.1492696220952228&type=2&theater Sa tulong ng DAP funds ay nakabangon ang Pilipinas sa pagiging Sick Nation of ASIA at ngayon ay sa malaon at sa madali ay tatanghalin tayong bagong TIGER ECONOMY in the whole ASIA. https://uk.news.yahoo/philippines-next-asian-tiger-economy-092225960.html?.tsrc=warhol#TBhs5zm Maraming nabanggit si PNoy na mga nagawang proyekto, mga kasalukuyang ginagawang proyekto at mga gagawin pa lang na mga proyekto na hindi mahihigitan ng mga nakaraang Presidente sa kanilang apat na taon na panunungkulan pero ganon pa man may bumabatikos kung nasaan napunta ang pera sa DAP na siyang nakatulong sa mga proyektong nabanggit. THE DAP PROJECTS: dbm.gov.ph/wp-content/uploads/DAP/DAP Projects.pdf All about DAP, The Disbursement Acceleration Program gov.ph/featured/dap/ Malaking hamon kay PNoy at sa ating kasundaluhan ang nangyaring siege of Zamboanga ng MNLF ni Nur Misuari at mismo si PNoy ay nakialam na derektang gumabay sa ating mga kasundaluhan upang talunin at wasakin ang naturang mga rebelde. Nagkaroon ng malawakang tulong sa mga residenteng naapektuhan at nasunugan ng kanilang mga bahay na idinulot ng labanan. Nagwagi ang ating mga kasundaluhan sa kabila ng kakulangan at kalumaan ng mga gamit pandigma ng ating kasundaluhan na nangangailangan ng agarang modernisasyon na kasunod na isinagawa ni PNoy. PAGBIGAY KATUPARAN sa ating AFP MODERNIZATION youtu.be/ZrBmVliGQ0o Maraming bagyo at lindol na nagpahina sa lakas ng ating gobyerno na hinarap ni PNoy ng buong hinahon na nagbunsod sa kanyang pamunuan na paigtingin pa ang kahandaan ng ating gobyerno sa mga kagamitan at ekwepo lalo na sa weather forecasting ng PAGASA at kagamitan sa LGU upang tumugon sa mga emergency na pangangailangan. Ibinuhos lahat ang makakaya ng ating gobyerno sa pinakamalakas na bagyong naranasan ng ating Bayan ang bagyong Yolanda na talagang kakaiba sa lakas at perhuwisyong idinulot sa mga lugar na tinamaan higit lalo ang eastern Samar at Leyte na magpahangga ngayon ay patuloy pa rin ang pagsagawa ng rehabilitation. Lahat ng eto ay nalampasan ni PNoy ng buong hinahon. Maging ang mga municipal Mayors ay natuwa sa mga bagong developments na nagbigay sa kanila ng pag-asang magkaroon ng magandang pagbabagong asenso sa kanilang mga nasasakupan. LMP “recognizes the massive achievements reaped under the administration of President Aquino setting the country on a long-term growth trajectory and real economic takeoff.” newsinfo.inquirer.net/618096/aquinos-our-best-chance-mayors#ixzz36w7BGWXK Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado, ng buong mundo, at ng taumbayan sa ating gobyerno. Let us support PNoy to make our Nation the next economic miracle in ASIA newsinfo.inquirer.net/620145/world-bank-hails-ph-as-next-asian-miracle#ixzz37fzqSRcA Ang kapayapaan sa Mindanao ay nakamit sa pagsusumikap na maisagawa ang Bangsamoro Agreement Basic Law na sa ngayon ay tinatalakay na upang maipatupad bago pa man matapos ang taon na eto 2014. PNoy: Noong nakaraang Marso, nilagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro. pic.twitter/f5g75TUVhW Maraming nagawa ang tuwid na daan upang tumino ang ating mga departamento ng ating gobyerno ang pagtanggal sa puwesto ng mga tiwaling opisyales ng ating gobyerno na ngayon pa lamang naranasan nangyari sa history ng ating Bayan na mismo ang dating Presidente ay nakakulong dahil sa mga kasong plunder at pati mga Senador ay nakakulong na sa kasalukuyan. Si Ninoy na ama ni PNoy ay nagsakripisyong harapin ang kamatayan upang ipaglaban ang minimithing kalayaan ng ating Bayan, Si Cory na ina ni PNoy ay nagpakatatag sa siyam na kudetang naranasan mapangalagaan lamang ang natamong kalayaan ng ating inang Bayan. Isa sa kudetang eto ang naglagay kay PNoy sa bingit na kamatayan na masasabing ang taglay niyang buhay ngayon ay pangalawa na niyang buhay. Ngayon lamang inumpisahan sa termino ni PNoy ang paglilinis sa katiwalian ng ating gobyerno mula pa sa rehimeng Marcos ay ngayon pa lang nagumpisa ang pagtutuwid ng daan ng ating pamahalaan sa ating gobyerno. Nangako si PNoy sa Sambayanang Pilipino na walang maghihirap na Pilipino kung walang corrupt na politico. Namatay ang kanyang ama sa pagpupumilit na lumaban makamit lamang ang kalayaan alangalang sa Bayan na kanyang pinatunayan sa buong mundo sa sinabi niyang “The Filipinos are worth dying for”. Naging Presidente ang kanyang ina sa tulong ng Sambayanang Pilipino na naniniwala kay Ninoy at naniniwalang the Filipinos are worth living for. Naniniwala ang Sambayanang Pilipino sa pangako ni PNoy na “WALANG MAHIRAP NA PILIPINO KUNG WALANG CORRUPT NA POLITICO” at eto ay ginagarantiyahan ni PNoy ng kanyang taglay na pangalawang buhay ayun sa kalooban ng Diyos na “The Filipinos are worth fighting for”. Suportahan natin si PNoy…
Posted on: Wed, 30 Jul 2014 05:31:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015