Nov 23, 2013 2:07pm HKT DINOBLE ng World Bank ang emergency aid - TopicsExpress



          

Nov 23, 2013 2:07pm HKT DINOBLE ng World Bank ang emergency aid sa Pilipinas para sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Dahil sa dagdag na $480 milyon, umaabot na ang financial assistance mula sa World Bank sa halos $1 bilyon o P43 bilyon. Inihayag ng World Bank president ang karagdagang pledge nang makausap sa telepono si Pangulong Noynoy Aquino. Pangako pa nito kay PNoy, maibibigay ang financial package sa mga susunod na linggo. Ang karagdagang $480 milyon ay ipagkakaloob katuwang ang Community Driven Development Project for the Philippines na gagamitin sa emergency response at sa rebuilding projects. Nagtalaga na rin ang World Bank ng disaster specialists sa Maynila para tumulong sa pag-assess ng gobyerno sa pinsala at matukoy ang prayoridad sa rebuilding.
Posted on: Sat, 23 Nov 2013 20:43:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015