November 18, 2013 Noong nanalasa ang Hurricane Sandy sa New - TopicsExpress



          

November 18, 2013 Noong nanalasa ang Hurricane Sandy sa New Jersey, Oktubre ng nakaraang taon, marami ang pumuri sa ipinamalas na pagtutulungan ni US President Barack Obama at ng governor ng New Jersey na si Chris Christie kahit hindi sila magkapartido. Si Obama ay Democrat at si Christie ay Republican at sinasabing isa sa posibleng maging presidential candidate ng kaniyang partido sa susunod na Presidential Elections sa America. Isinantabi nina Obama at Christie ang pulitika sa gitna ng krisis at kalamidad, bagay na inaasahan nating mga Pilipino ay ganun din sana ang ating mga pulitiko. Pero may mga nagtatanong kabilang na ang foreign media: nakaapekto ba ang pulitika sa relief efforts dahil ang Pangulo ay isang Aquino at ang Mayor ng Tacloban ay pamangkin ni dating First Lady Imelda Marcos? Matatandaang noong isang linggo, inireklamo ni Mayor Romualdez ang ayon sa kanyay kakulangan ng ayuda sa Tacloban. Bagamat sinasabi niya ngayon na maayos daw ang kanilang relasyon ng Pangulo kahit noong bago tumama at maging pagkalipas ng bagyo. Ang Pangulong Aquino, sa kabilang banda, pinuna ang aniyay kakulangan sa paghahanda ng LGU sa Tacloban. Dapat daw itong imbestigahan. Sa gitna ng lahat ng ito, may kinalaman man ang pulitika o wala, isang bagay po ang hindi natin maitatanggi... may krisis po tayo ngayon at marami ang nangangailangan ng tulong. Galit galit man sa pulitika, bati bati muna dapat sa pagtulong at pagbangon ng Tacloban, buong Leyte, Samar at iba pang mga probinsyang nasalanta.
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 01:23:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015