Nung papunta po kaming DAR Gym kanina para tumulong sa relief - TopicsExpress



          

Nung papunta po kaming DAR Gym kanina para tumulong sa relief operations ng Gawad Kalinga (Official Page), nakilala po namin si Kuya Ramon Pabe. Siya po yung taxi driver namin na nagkataong taga-Tacloban pala. Wala pa raw po siyang balita sa mga kamag-anak niya. Ni hindi niya raw po makita sa mga list of survivors yung mga pangalan nila. Tulungan po natin si Kuya. Eto po yung pangalan ng mga mahal niya sa buhay: Isidro Pabe & Thelma Pabe Nonito Dumandan & Alicia Dumandan Lilia Enriquez at mga anak na sina Rekrek, Noknok at Mikmik (Hindi niya raw po matandaan yung buong pangalan nila) Peryong Taldo at pamilya Paki-PM na lang po ako kung sakaling may information kayo tungkol sa kanila. Tulong po tayo. Kapit lang! Padayon lang! #YolandaPH #BangonPilipinas
Posted on: Fri, 15 Nov 2013 16:16:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015