OFW na nakauwi sa Phl na-trauma raw sa Saudi Arabia; ayaw nang - TopicsExpress



          

OFW na nakauwi sa Phl na-trauma raw sa Saudi Arabia; ayaw nang bumalik pa Posted by Bombo CDO Posted in Latest News Wednesday, 06 November 2013 16:57 0 0 CAGAYAN DE ORO CITY - Na-trauma ngayon at nanindigang hindi na bumalik pa sa Saudi Arabia ang isang Cagay-anong OFW matapos makaranas ng panlulupit sa mga kamay ng ilang mapansamantalang Saudi national kaugnay sa nagpapatuloy na crackdown. Ayon pa sa Pinoy worker na si Elizer Tinoy na taga- El Salvador City, napilitan siyang umuwi sa Pilipinas dahil sa kaniyang takot na mahuli ng mga Saudi authorities. Dagdag pa ni Tinoy, nakabalik siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagsisikap at hindi sa tulong ng embahada ng Pilipinas sa Saudi. Kuwento pa nito, nanlilimos umano siya sa ibang mga Pinoy na maayos ang trabaho sa nasabing bansa upang mapadali ang pagproseso sa kaniyang travel documents pabalik sa Pilipinas. Napag-alaman na apat na taon nang nagtatrabaho si Tinoy sa Saudi at umuwi ito noong Lunes na walang-wala matapos hindi sinasahuran sa loob ng pitong buwan sa kompaniyang kaniyang pinagtatrabahuan. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/30513-ofw-na-nakauwi-sa-phl-na-trauma-raw-sa-saudi-arabia-ayaw-nang-bumalik-pa#sthash.RGqbAxI0.dpuf
Posted on: Sun, 17 Nov 2013 05:05:39 +0000

Trending Topics



E-We-topic-723379257702666">San Antonio, TX *Urgent @RISK of Euthanasia! **PAST DEADLINE! We
🏤ISLAM Is A School, DEEN Is A Class, 🌍DUNIYA Is A
Yukon Gear YG T7.5-488 Clearance Sale Online Deal

Recently Viewed Topics




© 2015