October. 22, 2o13 Tuesday at MCU . Around 6:3o pm . Otw ako - TopicsExpress



          

October. 22, 2o13 Tuesday at MCU . Around 6:3o pm . Otw ako pauwi ng bahay galing sa kaibigan namen ni misis . Before ako mag-abang ng bus papuntang pacita kumain muna ko kasi matagal yung byahe ko . Gala mode muna pero bago sumakay si misis ng jeep pauwi sa bahay nila nakaramdam na ko ng kaba . Yung kaba na hindi ko maexplain pero ang naiisip ko lang na reason nun is baka pagalitan sya pag uwi nya ng bahay . Inignore ko muna yun kasi akala ko wala lang . habang naghihintay ako ng bus malapit sa overpass , maraming tao ang andun . Marami ang nag-aabang ng taxi , jeep at bus at isa na ko dun . Pero my aksidenteng hindi ko ineexpect na mangyayari . May 3 lalaki na lumapit saken , yung iguy # 1 inakbayan ako sabay tawag saken ng pare . Napatingin ako kase baka kilala ko . Pero bago pa ko makapagsalita tinakpan nya na ng panyo yung bibig ko . Umakbay na den saken si guy # 2 . Hndi ako makapalag ! Si guy # 3 nakakapit lang sa bagpack ko sa likod palingon lingon pa sya , tapos lakad kame ng lakad . Ewan ko ba aket sa dae ng tao dun sa area kung san ako nakapesto wala man lang nakapansin nung nangyari ! Tapos napunta kame dun sa ilalim ng overpass , madilim at hindi kame kita . Habang naglalakad may matalim na nakabaon sa leeg ko , sa likot ko at pagpupumiglas ko nagkaron ako ng mga sugat sa leeg . Tapos bigla na silang nagsalita na wag ako maingay kundi ipuputok nila yung aril sa ulo ko , sabay kasa ng baril ni guy # 2 . Wala na ko nagawa !! Pilit nya kinuha yung laman ng bulsa ko , bawat palag at tulak ko sinusuntok nya ko sa tagiliran . Masakit ! Sobrang sakit . Wala ako magawa kundi umiyak , nagdadasal ako na sana buhayin nila ko . habang umiiyak ako tinitingnan ko si guy # 1 at guy #2 , tinandaan ko talaga yung mukha nilang dalawa . Nung nakuha nila yung nasa bulsa ko , binira pa ko ng 4 na suntok sa tagiliran sabay hampas sa ulo ng ng matigas bna bagay kaya bumagsak ako at di na nakatayo . Lumipas yung ilang minuto at pinilit ko tumayo , ang hirap gumalaw kase andaeng masaket saken tapos basang basa ako ng pawis . Nanginginig ako ! Paglabas ko sa dilim at nakita ko ng mga tao , andaeng nakatingin . Gusto ko humingi ng tulong ! Pagdating ko sa tapat ng 7eleven my nakita akong babae na mukhang mabait sa may load station , lumapit ako sabay pakiusap na kung pwede makitawag . pumayag si ate , pero bago ko kunin yung cp nya nag-aalangan ako kase baka yung taong tatawagan ko di open yung cp . 1st dial ko nag ring , nd dial ring ulet . ganun den gang sa 5th dial ko . walang sumasagot tapos nagteks na ko kaya sinagot nya . Nung narinig ko yung boses nya di ko na napigilan yung sarili ko na umiyak at sabihin na puntahan nya ko ahil takot na takot ako , alam ko na takot rin sya nung nalaman yung nangyari . Marami ng nakarinig nun sabay alok ng tubig saken at bigay ng tissue para sa sugat ko sa leeg . Buti may sumundo saken , pero kahit andun na ko sa kwarto takot na takot a den ako ! lumipas yung gabi , 12am na . naaalala ko pa den yung mukha nila ! putanqina nila !!!! At awa ng dyos buhay ako . Pinuntahan nya ko kanina ng 6am at naging ok din ako nung nakita ko sya . thank you lord at walang masamang nangyari saken na masama . tenkyu sharmaine at serafin sa pagtulong at pagsundo . pasensya na sa mga naabala ko at nag-alala saken kagabi . Maayos na po ako at nakauwi ng ligtas ngayon sa bahay .
Posted on: Wed, 23 Oct 2013 12:02:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015