Ok. So heres my opinion in regards with the tuition fee - TopicsExpress



          

Ok. So heres my opinion in regards with the tuition fee increase. Compared from last years misc fee, APAT ANG NAGTAAS. Athletic Fee which is from 750, naging 1000. Computerization which is from 941, naging 1200. Medical which is from 225, naging 500. Lastly, ang Energy Fee which is from 1300, naging 1700. Ang per unit na binabayaran o babayaran niyo, from 1,354 naging 1,395. 3.03% increase ang naganap kung hindi ako nagkakamali. I got this from the TUITION FEE CONSULTATION last Feb 28, 2014. Alam to dapat ng mga officers na umattend. You should have taken down notes dahil KARAPATAN malaman ng mga students ito. Anyway, hindi namang mali na magtaas ng tuition fee ang isang PRIVATE SCHOOL/UNIVERSITY kung maganda naman ang quality of education, facilities at lalo na ang performance niya among other universities. Try niyo rin magikot sa ibang universities. Yung iba, mataas ang tuition fee pero hindi de-aircon at madumi talaga ang CR at walang mga janitor na palaging naglilinis ng hallway (na habang nililinis ng jammas, at nakikita mo na ngang nililinis, umaapak ka pa ng may putik yung paa mo). Nagiging mali lang to kung questionable ang pagtaas. Few years back, tinanggal na ang printing of GRADE SLIP. At recently lang, nagumpisa na rin maging PAPERLESS ang printing ng COR. So para saan ba ang REGISTRATION? Hindi naman sa tanggalin na dapat yan pero sana magkaroon din ng BREAKDOWN yung mga questionable sa misc fee. Para sa mga OJT students naman, especially for INTERNATIONAL OJT Students, bakit kelangan pa nila magbayad ng energy fee, library fee o kung ano mang other fees na hindi naman nila nagagamit, eh hindi naman sila sa FEU nagse-stay? Kulang yung photos na kumakalat saying that Education is a right. Not a business. BASIC Education is a right, not a business kasi yon. May kasamang BASIC. We are talking about college degree here. Hindi rin naman state UNIVERSITY ang FEU para maging libre o mababa ang tuition fee niya kung Private School naman ito. Its a prvivlege to study in one of the Top 5 Universitites in the country. You always have a choice kung sa mahal ka magaral pero maganda ang school or sa mura pero magulo naman. YOU ALWAYS HAVE A CHOICE. Parang MYX, your choice. Your music. So advice ko bukod sa humingi ang FEUCSO ng detailed breakdown at misc fee dahil may mali talaga, eh magaral kayo ng mabuti at maging SCHOLAR kayong lahat. Alam niyo naman yan. Kapag mataas ang grade, matic ka na agad na scholar sa FEU. Either partial or full. Imagine, 28,000 students lahat scholar dahil mataas lang yung grade. Sa FEU ganyan naman diba? This is my opinion lang naman and Im trying to feed you guys with facts din. PS: Palagi niyong sinasabi na kayo nagpaaral sa Athletes. Wag na lang kayo mayabang. Nagbibigay karangalan din naman sila sa school. Give and take lang yan. At please, isipin ng mabuti ang mga pinopost ninyo. Make sure its a fact before you start ranting. Wag din kayo magtake credit para makuha niyo ang boto ng mga estudyante kapag tumakbo kayo. Yung iba, nagpapanggap na may ginagawa just for show off tapos kapag tumila na ang issue, mananahimik na rin. Maging pure at honest kayo sa trabaho niyo. Dapat genuine yung pag serve ninyo hindi dahil sa tatakbo lang ulit kayo. Uunahan ko na rin yung mga nilalaglag ako sa upper management dahil nila labas ko ang katotohanan, wag kang epal.
Posted on: Fri, 16 May 2014 01:24:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015