P2.2-B na sinisingil higit pa sa assets ko - Pacman Nilinaw ni - TopicsExpress



          

P2.2-B na sinisingil higit pa sa assets ko - Pacman Nilinaw ni Manny Pacquiao na hindi niya binabatikos ang Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng pag- freeeze sa kanyang mga pera sa bangko kundi ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Una nang naglabas ng sama ng loob si Pacman kung bakit umano siya sini-single out. Aniya, bakit merong mga nagnanakaw sa gobyerno pero iba ang pagtrato. Ang kanyang pera raw ay hindi ninakaw at hindi galing sa PDAF at DAF kundi galing sa suntok at boksing. Sinabi pa Pacman, nagpapabugbog siya ng husto at puhunan ang dugo at pawis, pero kinukuha ng gobyerno. Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno. Pero pag nagnakaw ka - wala pa akong nakitang nagnakaw ng marami, pero na-garnish lahat ng pera, ani Pacquiao. Ayon kay Manny kung ang sinisingil ng BIR na buwis na P2.2 billion na galing umano sa kanayang kinita mula 2008 hanggang 2009 ay pawang hearsay at wala naman silang ebidensiya. Kung tutuusin ang naturang halaga ay mahigit pa umano sa kanyang assets and liabilities. Kung hinihingan man siya ng kopya ng binayarang buwis sa Amerika ay meron silang ganitong kasulatan mula sa Top Rank Promotions pero bakit hindi umano tinatanggap ng BIR. Pahayag naman ng BIR, dalawang taon na nilang inaantay ang official documents. Paliwanag naman ng ring icon, hindi umano nagbibigay ng orihinal na kopya ang Internal Revenue Service (IRS) ng US. Giit pa ni Pacman, kung hindi man siya nagbayad ng buwis sa Amerika ay hahabulin siya ng gobyerno ng Estados Unidos at baka kulong na siya ngayon. Pakiusap lang niya sa BIR ay tanggalin na ang freeze order dahil libong mga trabahador din ang apektado lalo na bilang pangsweldo. Hindi naman daw siya tatakbo o aalis ng bansa. Bilang isang pastor na nagsasabi ng totoo, haharapin daw niya ang anumang kaso. Samantala, tuloy naman ang kanyang pagtungo sa Tacloban City at hindi raw makakaapekto ang bagong iskandalo na kanyang kinasasangkutan. Habang nasa kasagsagan siya ng training sa laban kay Brandon Rios ay umutang daw muna si Pacman para sa pang-unang tulong niya sa mga sinalanta na hindi bababa sa isang milyon piso. “Pero walang problema, hindi hadlang ‘yan sa pagpunta ko sa Tacloban. The Lord will always provide, mangungutang uli. Kinumpirma rin ni Pacman na wala naman siyang bank account sa Amerika. Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Atty. Abraham Espejo, isa sa mga tax lawyers ng Sarangani congressman, iginiit nito na unfair ang nasabing kautusan ng korte at maituturing aniyang harassment. Ayon sa abogado, ipinapataw lamang ang freeze order kung mayroong banta sa akusado na ito ay tatakas o talagang hindi nagbabayad ng buwis. Ipi-freeze mo iyong asset sa mga taong hindi nagbabayad (buwis). Eh, ito nagbabayad eh. Sabihin natin kulang? I-asses natin kung ano ang kulang. Pero kung ipi-freeze mo iyong asset niya, ey nagbabayad naman, foul yan. Its a form of harrasment, wika pa ni Espejo. Napag-alaman na ang sinasabing tax deficiency ni Pacquiao ay bunsod ng kabiguan ng kaniyang mga accountants na kumuha ng multi- million dollar tax credits mula sa US Internal Revenue Service (IRS) para sa kaniyang Income Tax Return (ITR). Bagamat sa Amerika kinita ni Manny ang kaniyang income, giniit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na sa ilalim ng batas, nararapat pa rin niya itong ideklara sa kaniyang ITR. Ayon na rin umano kay Pacquiao, kumita ito ng kabuuang $28 million sa kaniyang mga laban kay Juan Manuel Marquez, David Rios at Oscar dela Hoya noong 2008 at Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009. Sa nasabing halaga, kinuha umano ng IRS sa Amerika ang $8.4 million o nasa P395 million habang nagbayad din ito ng Value-Added Tax (VAT) sa BIR na nagkakahalaga ng P12 million para sa kaniyang mga kinita sa mga product endorsements. Kung maaalala ang bilyonaryong si Pacquiao at pinakamayaman sa mga congressman ay pang-36 sa listahan ng BIR noong 2012 sa mga top individual taxpayers sa buong bansa batay sa binayarang buwis sa gobyerno na umaabot sa P22.3 million.
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 20:41:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015