PAMILYA LEE, ISA SA MGA TUMUTULONG SA DIVINE HEALER ACADEMY - TopicsExpress



          

PAMILYA LEE, ISA SA MGA TUMUTULONG SA DIVINE HEALER ACADEMY So, why Sorsogon? Ito ang naging katanungan kay Father Gerard Deveza na nalathala sa The Philippine Star noong April 28, 2013 na sinulat ni Ms. Michelle Dayrit-Soliven. Ito naman ang naging kasagutan ni father Gerard, God gave us a school in this beautiful province of Sorsogon to do His work and enjoy the grandeur of His creation. What a gift this school has turned out to be. Not just for the students but for us servants and benefactors who come to visit as well. Ang tinutukoy na eskwelahan ni Father Gerard ay ang Divine Healer Academy of Sorsogon kung saan nagpasimula lang ito noon sa 43 kinder garten pupil, subalit sa patuloy na pagpupursigi ni Father Gerard mayroon na itong elementary at high school dept sa kasalukuyan. Mayroon din itong high tech laboratory room na ipinagkaloob ng mga kaibigan ni Father Gerard at mga benefactor nito, at isa nga sa mga benefactor na ito ay ang pamilya Lee sa pangununga ni Sorsogon Governor Raul R. Lee. Sa mga ganitong grupo ay 100% ang ipinapakitang suporta ng pamahalaan ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee dahilan sa isa ito sa nakakatulong upang mapagaan ang kabuhayan ng mga mararalitang taga lungsod. Sa kasalukuyan humigit kumulang na sa tatlong daang estudyante na galing pa sa tinatawag na poorest of the poor ng lungsod ang nabibinipisyuhan ng nasabing foundation sa pamamagitan ng nabanggit na eskwelahan na matatagpuan sa El Retiro Compound, Brgy. Cabid-An, Sorsogon City. Samantala taong 2002 pa ng magpasimula ang Divine Healing Foundation na pinundar ni Father Gerard sa unang termino palang ni Mayor Sally.
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 17:34:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015