PANALO ANG ATING GURO, HINDI LANG NAIPROKLAMA (Please share, from - TopicsExpress



          

PANALO ANG ATING GURO, HINDI LANG NAIPROKLAMA (Please share, from ATING GURO Status) Batay po sa ating legal research at existing jurisprudence, talagang panalo tayo noong May 2013 elections, with or without the disqualification scenario of Senior Citizens and Abang Lingkod. Ito ay base sa ruling ng Korte Suprema sa kaso ng Banat vs. Comelec noong 2009 kung saan ang SC ay nagbigay ng formula kung paano i-compute ang seat allocation sa lower house. Ayon po sa pag-aaral ng ilan sa ating mga abogado, maging ng mga eksperto sa Mathematics, dapat lamang na nabigyan tayo ng upuan sa lower house. Subalit dahil sa proklamasyon ng Comelec sa 2nd seat ng ilang partido ay nalaglag tayo sa wining group (itoy kahit pa mabigyan ng 2 seats ang Seniors at 1 seat ang Abang Lingkod na hanggang ngayon ay bakante pa rin). Ang Comelec computation at seat allocation ay nauna nang kinuwestiyon ng BH partylist sa Comelec noong bago pa man maiproklama ang lahat ng winning parties (matatandaang kasama ang ATING GURO sa mga naunang ipinahayag na panalo). Subalit, hindi umano ito sinagot ng Comelec. Ngayon, kasama ang tatlong iba pang partido na mas mababa ang bilang ng boto kaysa atin ay nagkasundo tayo na dalhin sa SC ang petisyon upang itama ang computation at gamitin ang formula na isinaad sa kasong BANAT vs. Comelec. Mangangahulugan ito ng nullification o pagpapawalang-bisa sa ilang proklamasyon ng Comelec at ang kasunod naman na proklamasyon ng ATING GURO at ilan pang partido na dapat sanay nakakuha ng tig-iisang upuan sa lower house ngayong 16th Congress. Marahil ay kakailanganin natin ang tulong ng bawat isa sa bagong yugto ng elektoral na labang ito. Hindi ito magiging madali at hindi rin mabilisan. Gayunman, kailangan nating lahukan sapagkat dapat lamang nating kunin ang talagang para sa atin. Hindi biro ang naging hirap natin noong panahon ng kampanya. Nagsakripisyo tayo ng sariling oras, pagod at maging salapi upang isulong ang ating layuning mabigyan ng tunay na representasyon at tinig ang mga public school teacher sa loob ng Batasan, at sa kabila ng kakapusan at kawalan ng rekurso ay nagtagumpay tayo. Subalit ang tagumpay na ito ay inagaw pa ng mga sirkumstansiyang hidi makatarungan. Para po sa inyong mga tanong, paglilinaw o anumang suporta na nais ipaabot ay makipag-ugnayan lamang sa ating mga lider o sa TDC Secretariat, 3853437, 4350036 at 0949-7444499. Maaaring aralin ang legal at teknikal na batayan ng kasong ito sa pamamagitan ng pag-analisa sa BANAT vs. Comelec ruling ng SC noong 2009 kung saan makikita ang Carpio computation (G.R. No. 179271) at ang canvass report ng Comelec sa partylist votes noong May 2013 na naka-post naman sa rappler/.
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 20:06:30 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015