PANAWAGAN SA LAHAT NG MAMAMAYAN UNTI-unti nang lumalabas ang - TopicsExpress



          

PANAWAGAN SA LAHAT NG MAMAMAYAN UNTI-unti nang lumalabas ang katotohanan hinggil sa isyu ng pork barrel scam. Matapos ang sunod-sunod na pagbubulgar buhat nang ikanta ng whistleblower na si Benhur Luy ang diumano’y bilyong-bilyong anomalya sa paggamit ng mga mambabatas sa kanilang pork barrel, naging kapansin-pansin na ang tanging nadidikdik lamang dito ay ang mga pulitikong hindi kaalyado ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III. Ngunit, alam ng aming grupo na ang “selective persecution” na isinasagawa ng administrasyon ay malinaw na palabas lamang at hindi tuluyang reresolba sa tunay na anay ng korapsyon na sumisira sa mga institusyon ng ating pamahalaan. Kaya naman hindi na kami nagulat nang sa talumpati ni Senador Jinggoy Estrada ay pangalanan niya ang mga taong kilalang kakampi ng administrasyon na kung tutuusin, mas tiwali pa kaysa sa mga nadidiing taga-oposisyon. Ngayong nabulgar na ang mga kuwestiyunableng paggamit ng PDAF ng ilang taga-administrasyon kabilang na sina DILG Secretary Mar Roxas na dating senador, Senador Antonio Trillanes, Senador Miriam Defensor Santiago, Senador Allan Peter Cayetano, Congressman Neptali “Boyet” Gonzales at ang maybahay ni DBM Secretary Butch Abad, ipinakikita lamang nito na maging ang naglilinis-linisang gobyerno ni Pangulong PNoy ay bulok din at baka mas bulok pa kaysa sa iginigisa nilang mga nasa oposisyon! Isama na rin natin ang P50-milyong dagdag sa pork barrel ng mga mambabatas na bumoto pabor sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona na hindi rin kakampi ni PNoy at ng kanyang Liberal Party. Palusot pa ng kampo ni PNoy, hindi naman daw ito suhol! Sinong ginago nila? Tila ginagawa tayong mga bata na ipinanganak kahapon ng kasalukuyang gobyerno ito! Alam niyo ba na marami pang kaalyado ng administrasyon ang sangkot sa kuwestiyunableng paggamit nila ng kanilang pork barrel? Mabuti na lang at natalo sina dating senadora Jamby Madrigal at dating kongresista Riza Hontiveros na kasama rin sa mga naglagak ng kanilang pondo sa kuwestiyunableng mga organisasyon at proyekto. Tulad na lang nito ni Madrigal na naglagay umano ng P50-milyong pondo (tig-P10 milyon) sa limang lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng Subic, San Miguel, Bulacan, Paombong at Taytay para sa umano’y anti-dengue project. Ito ay sobra-sobrang halaga para sa isang uri ng proyektong anti-dengue kahit na wala namang kaso ng dengue sa naturang mga lugar nang maipalabas ang pera noong Hunyo 25, 2010 o limang araw bago matapos ang termino ni Madrigal. Tsk! Tsk! Tsk! Bakit hindi rin gisahin at sampahan ng kaso itong mga taga-administrasyon na sabit din sa kuwestiyunableng paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF)? Dahil hindi naman layon ng administrasyong ito na linisin ang gobyerno at isakatuparan ang kanilang slogan na “Tuwid na Daan”. Pamumulitika lamang ang kanilang layon upang tuluyang alisin ang para sa kanila’y magiging balakid upang maiupo ang kanilang mga mamanukin sa darating na 2016 Presidential Elections. Napakaagang pamumulitika, ano ho? ‘Yun ang totoo, wala nang iba. Kung talagang seryoso ang administrasyong ito na linisin ang gobyerno laban sa mga tiwaling serbisyo-publiko, hindi lamang pag-alis sa pork barrel ang dapat nitong isagawa, mas mainam kung isasama na nila ang pagtanggal sa mga discretionary funds ng iba pang opisyal, kabilang na ang Presidential Social Fund (PSF) ni PNoy. Pero, imposible namang pumayag ang Malakanyang dito, hindi ba? Dahil wala silang magagamit para magpalakas sa mamamayang Pilipino na sa tingin nila’y mabubulag pa rin nila sa kanilang mga panlilinlang sa pamamagitan ng black propaganda. Hindi mareresolba ng pagtanggal lamang sa pork barrel ang malalim na ugat ng katiwalian sa gobyerno ng Pilipinas, ang dapat dito ay tunay na pagbabago. At masisimulan lamang natin ito kung mapapalitan ang mga nakapuwesto sa gobyerno na magbubukas naman ng daan para sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan. Kaya naman kami’y nananawagan sa lahat ng mamamayang Pilipino. Makiisa at maging ehemplo para sa tunay na pagbabago sa lipunan! Makilahok sa RESIGN ALL MOVEMENT! TAPUSIN NA ANG ILANG TAON NG PANLILINLANG AT PAGNANAKAW SA MAMAMAYAN! SNAP ELECTIONS NGAYON NA!
Posted on: Sun, 29 Sep 2013 07:23:58 +0000

Trending Topics



ss="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Day 5 of Gratitude 1. Im grateful that I live in a warm place
Basic Program: Buddha Nature: Essence of Enlightenment When Wed,
LETS DANCE FREEDOM AND PEACE DEER DANCE THIS PARTY WORLD WIDE.
Nice press from the WW Fall Arts Preview: Oregon Country Fair

Recently Viewed Topics




© 2015