PART II - PORK BARREL ANOMALY P2.268 TRILLION- PROPOSED PHIL. - TopicsExpress



          

PART II - PORK BARREL ANOMALY P2.268 TRILLION- PROPOSED PHIL. NATIONAL BUDGET FOR 2014 P1.300 TRILLION- PORK BARREL NI PNOY Mahirap tanggapin na naghihirap ang Pilipinas, pero ang Pangulong Pnoy ay hawak ng sobra pa sa ikatlong bahagi (1/3) ang hawak na pera ng Pilipinas.Ang kanya naman daw PSF(Presidential Social Fund)at SPF (Special Purpose Fund) ay nanggaling sa mga gaming corporation, katulad ng Pagcor at PCSO, at meron din galing sa Malampaya project at marami pang iba.Hindi naman daw ito galing sa buwis ng mga Pilipino. Subalit ito ay kita ng gobyerno o ng Pilipinas at dapat lang isama sa national budget at hindi sa Pangulo napupunta Ang pinag-gagamitan ng Pangulo nito ay mayroon ng ahensiya na dapat gumagawa nito at dinuduplika lang ng Pangulo ang trabaho ng mga ito para sa opisina niya mapunta ang pondo.Hinahayaan natin mangyari ito at saka tayo sisigaw ng diktadura at korupsyon. Sa laki ng hawak nitong pera ay halos kontrolado niya ang lahat ng mambabatas at may tendency na maging diktador ang pamamahala nito, at natural lang na may temptation ng korupsyon dahil hinayaan siyang humawak ng ganoon kalaking pera. Tayo ang dapat sisihin dahil panapayagan natin magsabwatan ang mga ito. Kaya dapat tayo din ang maging kasagutan para maputol ito. PAGSUKO NI NAPOLES AT MALACANANG CONNECTION. Hindi daw binibigyan ng special treatment ng Malacanang si Mrs. Napoles. Siya ay sumukoat inasikaso ng Presidente.Sinamahan pa siya sa Camp Crame ng mismong Presidente , kahit hatinggabi na. Nagpalipas ng gabi sa isang aircon room.Inilipat sa Fort Sto.Domingo sa Sta .Rosa Laguna na ginagamit lang para sa mga political prisoners at hindi para sa mga inakusang mandarambong sa kaban ng bayan. Hindi din puwedeng maging state witness si Napoles,dahil ang isang kuwalipikasyon sa pagiging state witness ay dapat maliit lang ang partisipasyon nito sa krimen. Si Napoles ay lumalabas na mastermind sa nasabing alegasyon. Pero bakit nga ba binibigyan ng special treatment si Napoles? Isa lang ang maiisip natin dahilan. Maaring kaya sa Pangulo siya sumuko(?) ay para diretsong makapag bargain sa Pangulo. Dahilan sa mismong kasama ang ibang Malacanang official sa sabwatan ito?. Ang katanungan lang ay gagawa ba ang mga tauhan sa Malacanang ,DBM,COA,Kongreso at mga implementing agencies ng hindi nalalaman ng Pangulo?. Wala din bang alam ang Pangulo sa campaign fund na binigay di umano sa presidential campaign niya noong 2010 ni Napoles? Wala ba siyang alam na malapit ito kay Executive Sec.Paquito Ochoa? Katunayan yung MOST (Marcos,Ochoa,Serapio,) law firm pa ang nabapalitang gumawa ng counter affidavit ni Napoles. Ganoon din kay Malacanang consultant Brian Yamsuan.na lumalabas na “fall guy” ng Malacanang sa usaping ito? Na sinibak sa tungkulin dahil sa pagiging malapit kay Napoles.Bakit kaya maglalakas ng loob sumulat ng diretso si Napoles kay Pnoy? Ganoon din ang pagsuko nito sa kanya.Kung hindi ito malapit sa Pangulo. Isa lang ang itinuturo ng mga pangyayaring ito,malapit ito sa kanila. Ang katanungan susunod ay alam ba nila ang pinag-gagawa at kinakasangkutan nitong si Napoles.? Sa takbo ng mga pangyayari ay harapang kinakanlong o kinukupkup ng Malacanag si Napoles. SA AKING SARILING OPINYON AY NAPILITANG LUMUTANG SI PNOY PARA KUPUKUPIN SI NAPOLES, DAHIL AYAW NITONG SUMUKO ITO SA SIMBAHAN AT BAKA SUMAMA ITO SA CHOIR AT KUMANTA NG WALA SA TONO.Magaling!,Kung ito ay isang taktika ng abogado nito at sa ngayon ay nakukuha nila ang mga pribelihiyo sa gobyerno. Matatandaan na pagkatapos alukin ng simbahan si Napoles na sumuko sa kanila at kasunod ang balitang may intensiyon itong sumuko, ay agarang tinawagan ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ang abogado nitong si Attorney Lorna Kapunan. Inunahan lang ng Malacanang ang simbahan sa pagsuko ni Napoles.Kaya ang lumalabas ay HINDI sumuko si Napoles kay Pnoy, INALOK siya ng Malacanang para sumuko kay Pnoy,Hindi siya ang nagkusa. Ito ay maliwanag na parte ng teleseryeng ginagawa ng Malacanang ngayon. May mga katibayan din na kahit akusado o convicted kang kriminal ay tatanggapin ka ng Pnoy administration, basta kakampi ka nito. Katulad noong kainitan ng impeachment trial kay dating Chief Justice Corona , ay balitang nakatanggap ang PUGANTENG kongresista na si Ruben Ecleo Jr. ng halagang P137 M mula sa DBM, sobra sa P70 M na nakalaan dito SI LUIS TARUC na Supremo ng Hukbalahap, Teodoro Asedillo at Nicolas Encollado ng Sakdalista ay mga kilalang tao na direktang sumuko sa Pangulo ng Pilipinas, ay pawang may mga usaping politikal ang kaso.Sila ay may ideyolohiyang pinaniniwalaan at pinakikipaglaban. Si Napoles ang kaunaunahang inakusahang mandarambong na tinanggap ng isang Pangulo ang pagsuko sa dis oras pa ng gabi. Samantalang hindi mabigyan man lang ng oras si Sultan Kiram ng Sulu sa hinihinging nitong appointment sa Malacanang, habang patuloy naman na pinupulbos ng Malaysian forces ang mga tauhan nitong Pilipino sa Sabah. SENATE INVESTIGATION Sa unang araw ng Senate Investigation ay sumalang si Commission on Audit chairperson Grace Pulido Tan na nagbigay agad ng maraming liwanag sa mga katanungan tungkol sa anomalya sa pork barrel. 1) Ang isang dapat sundin ng pag release ng pondo ay ang procurement law, na dapat dumaan lahat sa (a) public bidding ang mga proyekto O ang (b) negotiated contract, na dapat maglaan ng bond ang mga contractor kung walang bidding na mangyayari Ang dalawang requirement na ito ay hindi nagampanan ng mga NGO ni Napoles, na ang nakikitang dahilan lang ay ang kusang pinalusot ng Malacanang, DBM AT COA. Hindi din mangyayari ito, kung walang pakikipagsawatan sa mga Kongresista at ibang ahensiya ng gobyerno, katulad ng DA ( Department of Agriculture) 2 )Napag alaman din na walang residence auditor na tumututok sa pork barrel noon , at sa ngayon daw ay meron na, dahilan sa nabulgar na nga ito. (3) Sa haba ng panahon at paulit ulit na transakyon ng napakalaking halaga ay hindi man lang nalaman na bogus o fake ang mga NGO na ito (4) Nasama ang pangalan ni Senator Ralph Recto na nagbigay daw ng P20 M sa isa sa mga NGO ni Napoles .Tinanong niya an COA kung may MERON bang pinaghahawakan ang COA na kahit anong dokumento na meron siyang request na may pirma niya o ang kanyang senate staff . Maliwanag ang sagot ng COA na “WALA PO”. Ganito din ang nangyari sa sitwasyon ni dating Compostela Valley Way Kurat Zamora, na nasa listahan ng COA na tumanggap ng P3.0 B, pero wala din kahit anong dokumentong katibayan na nagpapatunay na nag request siya ng ganito kalaking pondo . Ang mga dokumentong hawak ng COA ay galing sa DBM Ito ngayon ang malaking problema na kinakaharap para mabigyan ng hustisya at mapanagot ang mga Kongresistang kasabwat dito.Kung patuloy ang sabwatan ng Kongreso at DBM at COA ay (a) maaring mawala ang ibang mga dokumento na nakapirma ang mga Kongresista mismo (b) Maaring sabihin nilang may nanggaya ng pirma nila(c)Maaring may mag switch ng dokumento at pirma ng kanilang chief of staff ang nakalagay na siyang lalabas na “fall guy”. Sa unang araw ng imbestigasyon ay sinabi din ng COA na nasa kanila ang mga “request document” na may pirma ng mga Kongresista .Kinulang lang ang mga Senador na sana,natanong na kaagad nila kung sino- sino ang mga Kongresista ang may pirmang hawak nila,bago magkaroon ng dukutan ng dokumento at sabihin nilang lahat na wala silang pinirmahan “request letter”. (5) Nakumpirma din na ang iniimbestigahan at ginawan ng audit sa pork barrel ay mula 2007-2009, na panahon pa ng ibang Presidente. Halatang halata naman na iniiwasan maimbestigahan ang panahon ng administrasyon ni Pnoy at walang imbestigasyon ginagawa dito mula 201-2013, maliban sa iisang kaso ng Philippine Forest Corporation na tumanggap ng pork barrel na P 400 M. Ang PhilForest ay nasa pangangasiwa ng DENR( Department of Environment and Natural Resources) na ang namumuno ay si Secretary Ramon Paje. “A CASE OF COMPLETE BREAKDOWN OF CONTROL” ang pangsaradong statement ni chief state auditor Grace Tan. Malinaw na may kahulugan ito na walang kontrol ang namumuno sa bansa sa mga pangyayaring ito. Na ang ibig sabihin ay inutil at walang matibay na liderato ang ating Pangulo. Sa unang taon na panunungkulan nito ay puro sisi ang inabot ng nagdaang administrasyon ni Arroyo. Pero pagkatapos ng tatlong (3) taon ay wala pa din nangyayari sa “tuwid na daan” at patuloy pa din sinisisi ang nakaraang administrasyon. Baka nakakalimutan ng Pangulo na kaya siya ibinoto ng mga tao ay para mabago ang pamamalakad sa gobyerno, Hindi lang para kasuhan o sisihin ang nakaraang administrasyon. Tatlong taon (3) ang nakalipas sa pamumuno nito ay ngayon lang uli mangangako na babaguhin ang gobyerno,na aayusin ang Bureau of Custom at ang mga ahensiyang puro katiwalian . Matatapos ang term ni Pnoy na walang matuwid na daan na mangyayari sa bansa natin.Mapapansin sa press release ng Malacanang na puro pangako ang nakikitang paglago at pagganda ng bansa natin. Halimbawa: 1. (Inaasahan na gaganda ang tourist arrival next year)2.( Lalakas ang ekonomiya at mababawasan ang unemployment next year)3. Mababawasan ang kahirapan at tag-gutom next year.Tatlong taon na tayo na puro next year umasenso. Nagoyo na naman tayo ng isang magandang propaganda ng Partido Liberal. MIDDLE CLASS - SEPT.11,2013 SA mahabang panahon na pakikipaglaban sa katiwalian ay puro maralita at tinatawag na militante ang nakikita nating nakikipaglaban sa ating karapatan at kapakanan sa kalsada. Sa nangyaring “Million People March “ sa Luneta ay nakita natin ang pagsama at pamumuno ng middle class o matatawag natin “middle class uprising”. Dahilan sa may mga trabaho at negosyo ang karamihan dito ay kailangan ang masidhing pakikipagtulungan ng lahat ng sektor ng lipunan para maging matagumpay ang “EDSA TAYO” sa September 11,2013. Ito ay sisimulan sa pagsikat ng araw. PCOS MACHINE Sana ay isama na din ang panawagan sa pagtanggal ng Pcos sa eleksyon. Habang may Pcos ay hindi masusunod ang demokratikong pamamaraan ng pagpili ng susunod na mamumuno sa ating bansa.Mababalewala lang ang ating boto sa dayaan gamit ang Pcos machine. Mababalewala din ang ating pinakikipaglaban sa pork barrel kung mababalik lang sa Kongreso ang mga mandarambong sa pamamagitan ng PCOS magic. .
Posted on: Mon, 02 Sep 2013 01:31:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015