PINAY NAGPAKABAYANI SA DUBAI Isang nalulunod na batang lalaki ang - TopicsExpress



          

PINAY NAGPAKABAYANI SA DUBAI Isang nalulunod na batang lalaki ang sinagip ng isang Pinay na nagpa­kabayani sa Palm Jumeirah beach sa Dubai, United Arab Emirates (UAE). Sa ulat ng local press sa UAE, dinala sa intensive care ng Latifa Hospital sa Dubai nitong Hunyo 16 ang batang lalaki matapos mailigtas sa pagkalunod sa isang beach na nasa labas ng tirahan nito sa Palm Jumeirah. Sinasabing ang 18-buwang gulang na paslit ay isang Asyano. Malala ang lagay nang isugod sa ospital ang biktima pero nitong Hunyo 17 ng gabi ay inilipat na sa ward at bumubuti na ang kondisyon ng bata. Hindi naman binanggit sa ulat ang pagkakakilanlan ng Pinay na sumagip pero isang miyembro ng Filipino community ang nagsabing isang kababayan ang nagpakaba­yani para mailigtas ang buhay ng munting anghel. “It was our friend, Rowena Muyco, a Filipina who saved that little boy. She was the one who gave first aid of mouth-to-mouth resuscitation. If not from her, that boy have not survived. She should be recognized. Thanks to her,” komento ng isang kababayan na nagpakilala sa pangalang Tasyo. (y) (y) (y)
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 03:11:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015