PINOY KA NGA! Pag pinipigaan mo ng kalamansi ang iyong sashimi; - TopicsExpress



          

PINOY KA NGA! Pag pinipigaan mo ng kalamansi ang iyong sashimi; may mais ang iyong spaghetti; may condensed milk ang iyong macaroni salad; may yelo ang iyong red wine; instant pancit canton ang palaman mo sa pandesal; gusto mo sa kape yung umuusok pa sa init pero hinihintay mo muna itong lumamig bago inumin; kulay pink ang popcorn mo; purified water lang iniinom mo pero paborito mo ang fishball, kwek-kwek, at sago’t gulaman sa bangketa; nag aalaga ka ng numero ng lotto na galing sa kaarawan mo, asawa’t anak, magulang, anniversary, monthsary, plaka ng kotse o motorsiklo, numero ng bahay, kaarawan ng paboritong artista, o araw ng kapistahan. Marami na ang naging multi-milyonaryo sa ganitong paraan. Nasa kanila ang huling halakhak.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 11:20:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015