PORK BARREL PROJECTS: 1. Asphalt Overlay sa mga sementadong - TopicsExpress



          

PORK BARREL PROJECTS: 1. Asphalt Overlay sa mga sementadong kalsada - ginagawa upang matakpan ang palpak at kulang sa materyales na sementadong kalsada. Kung pagsasama- samahin ang gastos sa asphalt overlaying, na semento na sana ang halos lahat ng putikan at baku bakong kalsada sa buong bansa. 2. Multi Purpose Halls - bawat baranggay ay gustong lagyan ng mga Congressmen at Mayors ng kani kanilang MPHs na may kanilang pangalan. Kahit na ang mga baranggay na ito ay walang matinong Health Centers, walang maayos na paaralan, putikan at sira sirang kalsada, at walang maayos na hanapbuhay ang mga mamamayan. 3. Basketball Courts - sa dami ng basketball courts na naipagawa mula sa pondo ng mga Congressman at Mayors, dapat ay napakarami ng Pinoy players sa NBA. 4. Drainage System - taon taon ay naghuhukay sa mga gilid ng kalsada upang gumawa ng mga panibagong drainage at canals para maiwasan daw ang pagbaha. Mga drainage na walang simula at walang pupuntahan, mga drainage na walang takip at nababarahan o natatabunan. Kung lahat ng nagastos sa mga "drainage system" na ito ay inilagay sa tamang sistema, burado na sana ang salitang "baha" sa mga taga Metro Manila. 5. Fertilizers, Farm Equiptments at Seeds/Seedlings para sa mga Magsasaka - pagbibigay ng "tulong" sa mga magsasaka maliban sa hindi naman kinonsulta ang mga magsasaka sa mga kailangan nila. Parang "force feeding" dahil pilit na ibibigay at ipapagamit sa magsasaka ang mga punla na pang tag araw sa panahon ng tag ulan, mga pataba/abono na pang gulay na ipapagamit para sa palay, mga traktora na di akma sa malambot na putikan ng bukirin. Bakit? Dahil ang mga ito ang mura at may malaki silang porsyentong maibubulsa. Kung tama ang ayuda at tulong sa mga magsasaka, napakamura sana ng bigas, gulay, at iba pang produktong agrikultural. 6. School Buildings - napakagandang proyekto ngunit dahil ang mga silid aralan na ito ay itatayo sa mga lupang binabaha, at ang mga materyales ay "sub standard", walang kisame, walang maayos na palikuran, walang mga bintana at pintuan, walang pisara at libro, ano kaya ang matututunan ng mga estudyante? Ang isang palapag na gusali na may dalawang silid aralan at isang palikuran ay nagkakahalaga daw ng P800,000??? Ipagawa mo sa Gawad Kalinga o Habitat for Humanities yan, makikita na ang gastos lang ay P300,000. 7. Mga Tulay - sementado at magandang tulay sa ibabaw ng creek na halos dalawang dipa lang ang laki, na nagdudugtong sa mga rough roads sa mga lugar na halos walang sasakyan at mamamayan. Nagkakahalaga daw ng P5 milyon pero ang kailangan lang ng mga tao dun ay footbridge para sa kanila, kanilang kalabaw, kariton at bisikleta. NAPAKARAMI PA NA MGA PROYEKTONG PINAGKAKAKITAAN ng ating mga inihalal na pulitiko. Heto ang halimbawa ng hatian ng mga linta ng lipunan. Sa isang proyektong nagkakahala ng P1M, ang 10% nyan, kay mayor at mga konsehal, ang 20% kay congresman, ang 5% sa taga local COA, ang 10% sa Bids and Awards committee, ang 10% hati hati sa mga nakakuha ng Bid documents, at 5% sa may ari ng kumpanyang nanalo na ginamit sa bidding. Pagkatapos, ipapa sub contract sa isang local construction company. Ang P1M na talagang pondo, ngayon ay P400,000 na lang. Ito na lang ang gagamitin ng sub contractor na pondo, at kukuha pa siya ng kanyang kita mula dito, at pambayad sa mga trabahador. Ngayon, ano pang tibay ng kalsada, classroom, tulay, etc ang aasahan natin? Sana po ay tanggalin ng tuluyan ang Pork Barrel at ipasa na sa kongreso ang Freedom of Information Bill para sa Total Transparency!
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 02:49:16 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015