PRAYING FOR JUSTICE KATULONG PINAPANGIT HANGGANG MAMATAY Ni - TopicsExpress



          

PRAYING FOR JUSTICE KATULONG PINAPANGIT HANGGANG MAMATAY Ni Nonnie Ferriol Namamaga ang kaliwang mukha, maraming latay sa katawan at mga paso ng sigarilyo sa magkabilang braso, at may malaki pang bukol sa leeg. Ganito inilarawan ni Ginang Jocelyn Lopez ang itsura ng 17-anyos na anak na babaeng si Rochelle nang kanya umano itong makita sa morgue kung saan nila pinuntahan. Si Rochelle na namasukan bilang kasambahay ay sinasabing pinagmalupitan hanggang sa mapatay ng kanyang among babae na kinilalang si Maria Sheila Gomez y Sabanal, isang buy and sell businesswo­man na naninirahan sa Ca­lifornia Garden Square sa Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City. Halos hindi umano mamukhaan ni Ginang Lopez at ng kanyang mister ang kanilang anak nang ma­kita ang bangkay nito sa morgue dahil sa mga bakas ng matinding kalupitan na dinanas sa kamay ng amo. “Tama iyong sinasabi ng anak ko na madalas siyang sinasaktan ng kanyang amo na si Sheila Gomez, dahil nakita ko ang aking anak sa loob ng ataul, namamaga ang kaliwa niyang mukha, marami siyang latay sa katawan at mga paso ng sigarilyo sa magkabilang braso at may malaki pa siyang bukol sa leeg, napakasakit po, ba­kit ginawa ito sa anak ko,” anang ginang na namamaos na dahil sa kaiiyak sa sinapit ng dalagitang anak. Napag-alaman na nasa kamay na rin ng mga pulisya ang suspek na si Gomez matapos na maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), Special Operation Group at mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development. Ayon kay Senior Supt. Florendo Quibuyen, base sa imbestigasyon ng Cri­minal Investigation Unit, lumilitaw na halos isang oras na rin umanong patay ang biktimang si Rochelle nang isugod sa Dr. Victor Potenciano Medical Hospital kung saan idineklara itong dead on arrival. Lumilitaw din na mismong ang suspek na si Gomez ang nagbigay ng pahintulot para kunin ang bangkay ni Rochelle ng Quiogue Funeraria at ito rin ang siyang pumirma sa resulta ng awtopsiya dahil nakalagay doon na pamangkin ng suspek ang biktima. Lumilitaw naman na nasangkot na rin sa katulad na kaso ng kalupitan sa kasambahay ang suspek na si Gomez dahil mayroon umanong 16-anyos na dalagitang naging katulong sa kanyang condominium unit ang nagsampa ng reklamo laban sa kanya. Sa pagsisiyasat ng WCPD, sinabi ni PO2 Mary Fe Agluba na may dati nang kaso ng anti-trafficking in person si Gomez na isinampa nila sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office noong Hunyo 10, 2013 matapos na ireklamo ng 16-anyos na na­ging kasambahay dahil sa katulad din na sobrang pananakit. Nalaman pa na bukod sa pananakit sa mga naging kasambahay ay ginugupit o inuuka rin umano ng suspek ang buhok sa harapan o noo ng mga biktima. “Matapos daw saktan ang mga kasambahay ay kanyang ginugupitan ang buhok sa harapan, iyon bang talagang pinapapa­ngit, inuuka niya ang gupit, ito rin ang kanyang ginawa sa namatay na si Rochelle Lopez, nakauka rin ang buhok niya sa harapan,” ani Agluba. Dahil dito, patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya para malaman kung meron pang ibang kasong kinakaharap si Gomez. ~Crystal~
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 05:38:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015