PRESS RELEASE July 17, 2013 Mahigit 200 bags ng dugo nalikom sa - TopicsExpress



          

PRESS RELEASE July 17, 2013 Mahigit 200 bags ng dugo nalikom sa City LGU Blood Letting Activity KIDAPAWAN CITY – Mahigit sa dalawang daang bags o unit ng dugo ang nalikom sa tatlong araw na City LGU blood letting activity sa City gymnasium. Inorganisa ni City mayor Joseph Evangelista ang aktibidad sa layuning madugtungan ang buhay ng mga pasyenteng lubhang nagangailangan ng dugo. Nagkataon din na kinakarahap ngayon ng Kidapawan City ang problema sa pagdami ng kaso ng dengue fever kung kaya at napapanahon ang pagsasagawa nito, wika pa ng alkalde. Pinangunahan ni Mayor Evangelista ang pagsasagawa ng blood letting activity katuwang ang City Health Office at ang City Blood Center . Boluntaryong nagdonate ng kanilang dugo ang mga casual employees at job order workers ng City Hll bahagi ng kanilang renewal of appointments. Maaga pa lang ay pumila na ang mga lumahok sa loob ng City gymnasium. Kinunan sila ng blood pressure at blood type bago isinagawa ang interview na rekisitos sa pagdo-donate ng dugo. Matapos nito ay sumailalim sila sa physical at medical check up at saka lamang kinunan ng abot sa 450 cc na dugo. Humalili naman ang mga identified replacements sa mga empleyadong hindi pupuwedeng kunan ng dugo tulad ng mga may hypertension, buntis, may monthly period at may karamdaman. Kinunan ng dugo ang kanilang mga replacements upang mapunan ang dugong kinakailangan ng City Blood Center . Ang mga nalikom na dugo ay sasailalim sa screening sa City blood center upang mai-proseso bago maibigay sa mga pasyenteng nangangailangan ng blood transfusion. Positibo din ang ginawang pagtugon ng mga kawal ng Philippine Army Task Force North Cotabato at Philippine National Police sa panawagan ni Mayor sa boluntaryong pagbibigay ng dugo. Sila man din ay lumahok sa nabanggit na aktibidad. Ginawa ang una at pangalawang serye ng blood letting activities noong July 5 at 10. Nagtapos kahapon ang pangatlong serye ng aktibidad sa city gymnasium. Bahagi ng Blood Donors Month ang matagumpay na City LGU Blood Letting Activities. Plano ni Mayor Evangelista na regular na gagawin ito sa hinaharap katuwang ang iba pang government line agencies na nakabase sa lungsod at ang pribadong sektor. Source: #LKOasay #CityInformationDepartment PRESS RELEASE July 17, 2013 Streetlights kayang bayaran ng City Government – Mayor Evangelista KIDAPAWAN CITY – “ Kayang bayaran ng City Government ang buwanang bayarin nito sa streetlights”. Reaksyon ito ni City mayor Joseph Evangelista hinggil sa usapin ng kakulangan ng ilaw sa lungsod pagsapit ng gabi. Bahagi ng kanyang pinaplanong Public Safety plan ang pagdagdag ng pailaw at paglaan ng pondo sa buwanang bayarin nito sa Cotabato Electric Cooperative. Kayang bayaran ng City Government ang abot sa pitong daang libong piso sa buwanang singil ng Cotelco sa streetlights, paliwanag ni Mayor Evangelista na ipinarating niya sa mga tagapakinig ng kanyang programa sa himpilang dxND noong nakalipas na Biyernes. Hindi niya umano titipirin ang pagbabayad ng monthly bills ng City Streetlights maseguro lamang na ligtas ang mamamayan sa gabi. Ibubuhos niya ang resources ng City Government sa public safety, wika pa ng alkalde kung kaya at ipinaseguro niya na nakasindi ang kasalukuyang dami ng streetlights kada gabi sa Kidapawan City . Ang sapat na dami ng ilaw dagdag pa ang police visibility ang siyang nakikitang praktikal na pamamaraan ni Mayor Evangelista sa kasalukuyan kontra kriminalidad habang kinukumpleto niya ang Public Safety Plan. Kaugnay nito ay nakikipagtulungan na siya sa Cotelco sa pagsasagawa ng imbentaryo ng mga streetlights upang mapalitan na ang mga depektibong ilaw. Itulak din niya ang pinaplanong paglalagay ng mga streetlights mula sa Barangay Sudapin paakyat ng Ilomavis upang ligtas ang lahat laban sa kriminalidad at mga motorista upang makaiwas sa aksidente sa daan sa pagsapit ng gabi. Hinggil naman sa usapin ng police logistics, hindi din titipirin ni Mayor Evangelista ang gasolina ng mga patrol cars ng City PNP. Maglalagay din siya ng mga unipormadong ‘ riding in tandem’ na magsasagawa ng regular na pagpapatrolya sa iba’t-ibang bahagi ng Kidapawan City . Ito ay kinabibilangan ng naka uniporme at armadong pulis na nakasakay sa motorsiklo na magmamanman at hahabol sa mga masasamang loob. Source: #LKOasay #CityInformationDepartment
Posted on: Wed, 17 Jul 2013 05:38:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015