Pag nagmahal ka, MAHAL LANG. wag mahal na mahal. Para pag nasaktan - TopicsExpress



          

Pag nagmahal ka, MAHAL LANG. wag mahal na mahal. Para pag nasaktan ka Masakit lang, hindi Masakit na masakit. Pag nagmahal ka matuto kang makuntento wag kang maghanap ng mga bagay na wala sa kanya at wag mo siyang ikukumpara sa iba kasi mas masarap magmahal ng kuntento kahit di kumpleto kesa meron siya ng mga bagay na gusto mo pero di naman totoo.Pag nagmahal ka wag kang umasa na na laging masaya dahil dadating at dadating ka sa point na magseselos ka, maghihinala,matutukso pero ganyan pag nagmahal kailangan mong masaktan kase kung di ka pa Nasaktan di ka totoong nagmamahal! Kaya lang kasi, meron sa’tin na sobra-sobra kung magmahal, todo-todo. Ibinibigay lahat, lahat na wala nang itinitira para sa sarili niya. Sabi nga nila, ‘Lahat ng kulang at sobra, masama.’, ‘Lahat nang umaapaw, natatapon at nasasayang.’ Ganun din sa pagmamahal. Kung masyado mong mahal ang isang tao na halos wala ka nang ititira sa sarili mo na pagmamahal, ikaw mismo pwedeng masayang ang nararamdaman mo. Diba alam naman nating lahat na ‘pag palagi, nakakasawa. Na ‘pag palagi, nakakapagod. Dapat kung magmamahal tayo ng isang tao, yung sapat lang. Hindi labis, lalong hindi kulang. Sapat sa puntong may ititira ka para sa sarili mo. Sapat na mahal mo siya, pero sa parehong paraan na dapat mahal mo rin ang sarili mo. Sapat sa paraang pantay ang nararamdaman niyo para sa isa’t-isa. Sapat sa kung darating man yung panahong iwan ka niya, masasabi mo sa sarili mong buo ka pa rin dahil hindi mo ibinigay ang lahat sa kanya. Sapat lang, hindi labis, hindi kulang.
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 08:31:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015