Pagpapakanta kay Napoles, panibagong hamon (Bernard Taguinod/Marlo - TopicsExpress



          

Pagpapakanta kay Napoles, panibagong hamon (Bernard Taguinod/Marlo Dalisay) Sa gitna ng mga aku­sasyon na binibigyan ng VIP treatment ang taong nasa sentro ng P10-bilyong pork barrel fund scam, isa lang ang umaawat sa tuluyang pagsabog ng ngitngit ng taumbayan at ito ay ang pangyayari na ito ang ‘susi’ para matukoy, maasunto at maparusahan ang mga opis­yal ng gobyernong kakutsaba niya sa anomalya. Pero kung paano mapapakanta si Janet Lim-Napoles ay panibagong hamon sa pamahalaang Aquino, lalo pa’t inaasahan ng taum­bayan na ito ang magiging resulta ng pinangangalagaang kaligtasan ng binansagang ‘pork’ scam queen. Pero ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo na isang abogado, “Hindi na kailangan maging witness siya. Magsabi lang siya ng totoo, mapapababa ang kanyang sentensya.” Sinabi ni Quimbo na kapag nag-confess sa korte si Napoles, bababa ng isang degree ang kanyang sentensya kaya kung life imprisonment ang parusa sa malversation of public funds na maaa­ring isampa sa kanya, mas mababa rito ang ipaparusa sa kanya kung sakali. Ayon naman kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, puwedeng ma­ging witness si Napoles subalit maraming kondis­yon ang kailangan tulad ng kusang-loob na pagsurender ng lahat ng kanyang yaman sa gobyerno. “Part of the deal (kung gagawing state witness), would be voluntary surrender of all her assets to the government,” ­paha­yag ni Barzaga at kailangan umanong tiyaking madidiin ang mga pulitikong ka­sabwat niya sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ayon naman kay CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna, malabong maging state witness si Napoles dahil hindi siya ang ‘least guilty’ sa pandarambong sa kaban ng bayan gamit ang pork barrel ng mga mambabatas na kanyang kasabwat. Sapat na umano ang 10 witness na hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na magdidiin kay Napoles at mga pulitikong nakinabang sa pork barrel scam. Mula sa Senado, posi­tibo si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na malaki ang posibilidad na handa nang magsabi nang totoo sa pagkakataong ito si Napoles. Ang pagsuko nito kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III dahil natatakot siya sa mga taong nagkakainteres na patahimikin siya ay itinutu­ring ni Escudero na isang magandang indikasyon at development kung ikukumpara sa mga nauna nitong posisyon na todo tanggi sa paratang. “Kung totoo na sa pananaw nila si Pangulong Aquino lamang ang ka­yang gumarantiya niyan, at hindi ko aalisin siguro talaga namang may tiwala sila kay Pangulong Aquino tulad ng marami sa ating kababayan, umaasa ako na magsasabi na ng totoo at buong katotohanan si Ginang Napoles at hindi na ‘yung parang nabasa natin sa isang pahayagan na mga sagot niya sa paha­yagan na dine-deny lamang ‘yung mga akusasyon,” paliwa­nag ni Escudero. “Kung natatakot siya na maaring may pumatay o manakit sa kanya dahil sa isyung ito, marahil ‘yan ang magbubugso sa kanya na magsabi ng totoo at hindi tulad ng dati ‘pag nag-submit ng affidavit or nagtestigo ay puro wala akong alam, hindi totoo ‘yan, wala akong NGO, ngayong dinamay ang Pangulo at sa kanya sumuko, may tsansa at tingin ko malaki ang tsansang magsasalita siya,” dagdag pa nito.
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 23:26:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015