Pagtitibay: Hindi ang kinakain kundi ang mga salitang lumalabas sa - TopicsExpress



          

Pagtitibay: Hindi ang kinakain kundi ang mga salitang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi sa pagkatao mo. Supilin ang iyong dila sa pagsasalita ng hindi maganda. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Ang pagkanerbiyoso ay dahil sa “stress” at pagod. Ang pagpapa-therapy ay pagtanggal ng pagod at “stress” gawin ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 29, 39, at jade green. VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) — Disiplina sa sarili ang dapat mong harapin at gawin. Kung may mga mahalagang lakad o “schedules” pag-aralan, repasuhin at maagang matulog. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 26, 39 at pink. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Makabago ang panahon at halos lahat ay moderno. Baguhin ang pag-aayos ng sarili at magtataka ka na maraming hahanga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 28, 38 at dollar green. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Nasa sarili ang paraan sa pag-supil ng emosyon, bagay na hanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 22, 27 at beige. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Kung kaya mong makontrol ang iyong emosyon, magkakaroon ka ng katangian na makontrol ang kahit anong situwasyon na dati ay hindi mo kayang harapin. Lucky numbers at color for the day ay 19, 33, 37, 38 at maroon. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Balansehin ng maayos ang lahat ng may relasyon sa iyong buhay. Pag-ibig, pamilya, trabaho, kaibigan, ka­samahan at ano pa man. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 33, 42 at white. AQUARIUS (Enero 20 - Peb­rero 18) — May bantang pagsubok na darating sa pamilya, kung hindi hahanapan kaagad ng solusyon ang kasalukuyang problema. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 19, 37 at aquamarine. PISCES (Pebrero 19 - Marso­ 20) — Huwag ipagkait na ibigay ang nalalaman sa kapwa. Pasasalamatan ka ng kasamahan sa pagbahagi ng iyong kaalaman. Huwag maging sakim. Lucky numbers at color for the day ay 14, 20, 33, 40 at scarlet. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Asahan na ang kutob ay totoo o magkaka­totoo pero lalong mabuti kung mapapatunayan muna sa “physical” na ebidensya bago magkomento o magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 35, 42 at ocean blue. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Manalangin na ang natuklasan ay magdudulot ng kaligayahan. Ihanda ang sarili kung ang matutuklasan ay magbibigay ng hinanakit at sakit ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 13, 31 at tangerine. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali. Panindigan ang nagawa at aminin kung nasumbatan sa pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 10, 11, 26, 37 at blue sapphire. CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) — Huwag ma­ngutang o magpautang da­hil tiyak na hindi mababayaran sa takdang panahon ng pangako. Kung babayaran ay matagalan. Huwag maningil ngayon kung may pautang, mag-aaksaya lamang ng panahon dahil hindi makakabayad. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 37, 42 at yellow.
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 01:07:50 +0000

Trending Topics




© 2015