Panawagan Sa Lahat Ng Pilipino Pati ba naman sa Oras ng Kagipitan - TopicsExpress



          

Panawagan Sa Lahat Ng Pilipino Pati ba naman sa Oras ng Kagipitan at Pagdadalamhati ng Sambayanan dahilan sa naganap na sakuna na dulot ni Super Typhoon Haiyan/Yolanda ay pagsisimulan pa ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng ating mga kapatid sa ibat-ibang relihiyon?! Hindi po ito ang tamang oras ng pagtuturuan kung sino ang tama at kung sino ang mali, at di rin po makakabuti sa bawat isa sa atin kung ipagpapatuloy natin ang mga pasaringan laban sa isat isa dito sa fb at sa iba pang social media. Ngayon po ang tamang panahon upang tayoy magkaisa para sa kapakanan ng ating mga kapatid at kababayan na sinalanta ng bagyo. Magtulungan po tayong lahat ano man ang inyong kinasasaniban na relihiyon o pananampalataya, upang sa ganon ay maibsan naman natin ang sakit at pighati na dinaranas ng ating mga kapatid sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Itigil na po natin ang sisihan at pasaringan at ituon na lamang natin ang ating pansin at konsentrasyon sa mga bagay at paraan na ating magagawa para makatulong sa ating kapwa. Maraming Salamat po!!!
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 08:22:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015