Pangalan : - TopicsExpress



          

Pangalan : Petsa : Taon at Seksyon : Iskor : Panuto: Bilugan ang tamang sagot. 1. Isang paggamit ng pahiwatig na paghahambing. A. Pagtutulad B. Pagwawangis C. Pagtatao D. Pahalintulad 2. Lahat ay uri ng tayutay, MALIBAN SA ISA. A.Pabaligho B.Pagtatao C. Pangitain D. Pamatlig 3. Isang tayutay na ang nagsasalita ay naglalarawang ang mga laman ng isip ay waring kaharap o nakikita. A.Pangitain B. Apostrophe C. pagpapalit-tawag D. Pagpapalit-saklaw 4. Ito ay isang pagpapahayag na pinagpapalit ang dalawang bagay o kaisipan gayong magkakaugnay na parang isang sagisag at bagay na kinakatawan. A.Apostrophe B.Pagpapalit-tawag C. Pagpapalit-saklaw D. Pangitain 5. Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y nanatak ang luha. Halimbawa ito sa anong uri ng tayutay. A. Pagtutulad B.Pagwawangis C.Pagtatao D.Pahalintulad 6. Ito ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang di-patitik o di-tahas ang kahulugan upang lumikha ng isang larawan. A.Panghalip B. Tayutay C. Pangngalan D.Pang-abay 7. Nang ako’y magbiro, puso ko’y mapalad, nang magpakamabuti ay saka naghirap!. Halimbawa ito sa anong uri ng tayutay. A.Pagtutulad B.Pabaligho C.Pagtatao D. Pahalintulad 8. Isang pagpapalit ng dalawang bagay sa pagkat mayroon silang pagkakaugnayan. A.Pagpapalit-tawag B.Apostrophe C.Pagpapalit-saklaw D.Pangitain 9. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pamamalabis. A.Pagtutulad B.Pagtatao C. Pahalintulad D.Lahat ng nabanggit 10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Pagmamalabis. A.Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw. B.Kamataya’y nahan ang dating bangis mo,nang di ko damdamin ang hirap na Ito. C.Sa sinapupunan ni konde Adolfo,aking natatanaw si Laurang sinta ko. D.Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y nanatak ang luha. 11. Ang____ay tula ng mga hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. A.Tanaga B. Pasaklaw C. Haiku D.Parsa 12. Nais nyang lumagay na sa tahimik____hindi pa siya nakatatapos ng pag-aaral. A.kahit B.samantala C. bagaman D.ngunit 13. Puso ba___isip ang dapat pairalin ng taong umiibig? A. o B. at C. kahit D.ngunit 14. Tumutukoy ito sa salitang walang lapi. A. Maylapi B. Payak C. Inuulit D. Tambalan 15. Ang ganitong pang-uri ay may kahulugang karaniwan o patalinghaga. A.Maylapi B. Payak C. Tambalan D.Inuulit 16. Tumutukoy ito sa anong sa salitang maylapi ay may pag-uulit. A. Inuulit B.Payak C. Tambalan D.Inuulit 17. Ito ay isang uri ng pagpapahayag. A.Paghahambing B.Pasaklaw C.Parsa D. Paglalarawan 18. Alin sa mga pangungusap na ito ang payak na kaanyuan ng pang-uri? A.Bughaw na karagatan B.Mapalad na pilipinas C. Kaakit-akit na tanawin D.Maputing buhangin 19. Alin sa mga pangungusap na ito ang tambalan na kaanyuan ng pang-uri. A.Bughaw na karagatan B.Hugis-balinsunsong C.Kaakit-akit na tanawin D.Matubig na dipolog 20. Anong uri ng paglalarawan ang nagbibigay-katuturan tungkol sa isang bagay ayon sa ayos ayos at anyo ng bagay na inilalarawan sa pangkalahatang pangmalas. A.Masining B.Pook C.Karaniwan D. Pangyayari 21. Ito ang mga halimbawa sa paglalarawan, MALIBAN SA ISA. A.Pook B.Pangyayari C.Tao D. Oras Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon, totoong puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian , kundi sa piling ng aking mga putting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran. Hango sa kay “Estrella Zeehandehar” 22. Anong uri ng akdang pampanitikan ang teksto? A.Tula B.Kwento C.Alamat D.Sanaysay 23. Ang mga salitang “nabibilang sa daigdig ng mga Indian”ay anong uri ng pananalita? A.Pangungusap B.Sugnay C.Parirala D.Talata 24 .Ano’ng ibig sabihin ng salitang “puting kapatid”? A.Ang kulay ay puti B.Mga puting dayuhan C.Mga puting angkan D.Mga babae lang ang puti 25. Isang uri ng akdang pampanitikan na maaaring pormal at di-pormal at ang kaisipan ay nakaayos nang sunod-sunod. A.Kwento B.Tula C.Sanaysay D.Alamat 26. Isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa at may tagpuan,tauhan,banghay,kasukdulan at wakas. A.Kwento B.Tula C. Sanaysay D.alamat Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera mangyari pang dahilan ito laghi para magreklamo ang kanyang asawa , sasabihin niya , “Ang dalawampung salita na halaga ng matamis ay hindi ipinahihiram ng pamilya”. “Pang ang Than Khun , isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskenita , ay gusto ng isang masarap na kape , sasabihin nito sa anak.” “Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas , iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon”. Hango sa kwentong “Aanhin Ninyo Yan”. 27. Anong uri ng akdang pampanitikan ang teksto? A.Tula B.Sanaysay C.Kwento D.Alamat 28. Ano ang inireklamo ng kanyang asawa sa teksto? A.Mahilig kumain ng matamis B.Mahilig gumawa ng matamis C.Mahilig mamigay ng matamis D.Mahilig humingi ng matamis 29. Sino ang inutusang magdala ng kape sa kanya? A.Asawa B.Anak C.Katulong D. Nai Phan 30. Sa pagsulat ng ____, dapat payak ang mga salita at pangungusap sumasagot sa tanong na sino , ano , kalian bakit at paano. A.Balita B.Dula C.Kwento D.Sanaysay 31. Isang akdang pampanitikan na itinatanghal sa entablado at mas maraming tauhan , tagpuan at masalimuot na pangyayari , subalit iisa ang tema. A.Kwento B. Dula C. Balita D. Sanaysay 32. Ano ang tamang pagkasunod-sunod sa pangngusap na ito? 1. Isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskenita. 2. Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata 3. Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan. 4. Dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa. A.4321 B.1234 C.2413 D.3142 33. Ito’y nagsasaad ng pagsang-ayon? A.Pang-abay na panang-ayon B.Pang-abay na pananggi C.Pang-abay na ingklitik D.Pang-abay na kuro-kuro 34. Ito’y yaong mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi tulad ng hindi / di at ayaw. A.Pang-abay na panang-ayon B. Pang-abay na pananggi C.Pan-abay na ingklitik D. Pang-abay na kuro-kuro 35. Sang ayon ka ba na alisin ang EVAT? Oo o Hindi? Bakit? A. Oo, upang di na sila pamarisan ng iba. B. Oo, sapagkat nakaapekto ito sa mga mahihirap at lalong-lalo na sa ating Bansa. C. Hindi, dahil nakakatulong ito sa ating bansa. D. Wala sa nabanggit 36. Ang ___ay isang uri ng pagpapahayag na binubuo ng magkakaugnay na katwiran at katibayang nagpapatotoo o nagpapabulaan sa isang kaisipan o opinyon tungkol sa isang mahalagang paksa. A.Paglalarawan B.Kuro-kuro C.Pangangatwiran D.Ingklitik 37. Ito’y panlahat na simulain sa mga halimbawa o pangyayaring inihaharap natin sa ating pagmamatwid. A.Pasaklaw B.Paglalarawan C.Pangangatwiran D.Ingklitik 38. Ito’y tungkol sa isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulaing panlahat . A.Pabuod B.Paglalarawan C. Pangangatwiran D.Pasaklaw 39. Alin sa mga pangungusap na ito ang pamamaraang pabuod. A.Pangangatwirang nagwawakas sa kongklusyon panlahat na tinatawag na paglalahat B.Pangangatwirang humahango sa kongklusyon sa pagkakaugnayan ng mga sanhi na tinatawag na pagkakaugnayan sa sanhi C.Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad. D.Lahat ng nabanggit. 40. Tinatawag itong___ang ganitong uri ng pangangatwiran. A.Silohismo B.Humanismo C.Realismo D.Sosyalismo 41. Ang tawag sa pangungusap na iisa ang diwang isinasaad. A.Tambalan B. Payak C.Hugnayan D.Langkapan 42.____ang pangungusap kung binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at di- nakapag-iisa. A.Lankapan B.Hugnayan C.Payak D.Tambalan 43. Ang pangungusap kung binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa o malayang sugnay. A.Hugnayan B.Maylapi C.Tambalan D.Langkapan 44. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa uri ng kayarian ng pangungusap. A.Hugnayan B.Maylapi C. Tambalan D.Langkapan 45. Ito’y bunga na rin ng labis na polusyon sa ating kapaligiran. Halimbawa ito sa anong uri ng kayarian ng pangungusap? A.Payak B.Tambalan C.Hugnayan D.Langkapan 46. Ito’y kataga o salitang pangkayarian na nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa kanyang layon sa ibang salita o lipon ng salita sa pangungusap. A.Pang-abay B.Pang-uri C.Pandiwa D.Pang-ukol 47. Maging maingat___ating kalusugan. A. sa B. ng C.para sa D. tungkol sa 48. Ang salaping iniuukol sa sigarilyo ay maaaring iukol___mga pagkaing pampalusog. A. ng B. para sa C.sa D.tungkol sa 49 .Lahat ng pag-iingat na ito ay___inyong kabutihan. A. ng B. sa C. para sa D .tungkol sa 50. Nakatulong nang malaki ang ulan sa mga halaman,hayop at tao ngunit may masama ring epekto ito sa kanilang kalusugan. Halimbawa ito sa anong uri ng kayarian ng pangungusap? A. Payak B.Hugnayan C.Tambalan D.Langkapan ANSWER KEY: 1. B 21. D 41.B 2. D 22. D 42.B 3. A 23. C 43.C 4. B 24. B 44.B 5. A 25. A 45.A 6. B 26. A 46.D 7. B 27. C 47.A 8. C 28. B 48.A 9. D 29.B 49.C 10. A 30. A 50.C 11. C 31. B 12. D 32. C 13. A 33. A 14. B 34. B 15. C 35.B 16. A 36.C 17. D 37.D 18. A 38.D 19. B 39.D 20. C 40.A
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 07:35:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015