Para sa mga taong nasasaktan May taong “Mas” sa taong - TopicsExpress



          

Para sa mga taong nasasaktan May taong “Mas” sa taong nangiwan sayo na di mo magawang kalimutan. Andyan lang yun, hinahanap ka, naghihintay. Kaya kalimutan mo na yang taong sinasaktan ka kahit di nya sinasadya. Wag mo ng alalahanin yung panahong masaya kayo, lalo ka lang malulungkot nyan. Balikan mo yung sarili mo na nawala nung minahal mo yang maling tao. Ipakita mo na mali ang desisyon nyang pakawalan ka. Maghintay ka lang, di mo naman kailangan magmadali, di mo rin kailangan ng iba para makalimutan sya. Minsan sarili mo ang kailangan mo. Pahinga mo muna puso mo. Tanggalin mo muna lahat ng bigat na nandyan. Iiyak mo hanggang sa nawala na lahat ng sakit. Okay lang yun, hindi pagiging mahina yun. Kadalasan tanda pa ng lakas yun, dahil tinatanggap mo na nasasaktan ka at ang lakas mo dahil nakakaya mo yun. Magdasal, malalagpasan mo din yan. Matagal na panahon ang kailangan. Minsan mas matagal pa pagmomove on kesa sa relasyon nyo. Pero tingnan mo, pag katapos nyan, kahit gaano pa kadaming luha ang naibuhos mo, kahit ilang put*ng +na pa ang naisigaw mo, kahit ilang kirot pa naramdaman mo nung minsang sinusuntok mo ang pader ng kwarto mo, kahit ilang roll na ng tissue ang naubos mo kakasinga ng sipon... Lahat yun, magiging worth it. Wag mo lang madaliin. Malalagpasan mo din yan. Magdasal ka lang :) =adQUINN=
Posted on: Thu, 04 Jul 2013 20:25:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015