Pfp>>>>>>HOROSCOPE Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated August 19, 2013 Pagtitibay: Ang lahat ng bagay ay nangyayari nang may dahilan. Kung ipagkakatiwala ang lahat sa Diyos, mapapawi ang anumang pangamba. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magkakaroon ng ba gong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desisyunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at brown. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Tanggapin ang pagkakamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange. SAGITTARIUS (Nobyem bre 23 - Disyembre 21) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala ngayon, tiyak magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Ang munting suliranin sa minamahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Taglay ang pambihirang talas ng pag-iisip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – May pagkakataong mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsilbing aral. May kaunlaran kung panay positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensya. Iwasan ang anumang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag ng kaligayahan at kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.
Posted on: Sun, 18 Aug 2013 18:21:14 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015