Philippine Embassy Warns Against Use of Fake Marriage Contracts - TopicsExpress



          

Philippine Embassy Warns Against Use of Fake Marriage Contracts or Other Fake Documents (Riyadh, 16 July 2013) – The Philippine Embassy warns all Filipinos that the use of fake marriage contracts or any other fake “authenticated” documents is illegal and contrary to both Philippine and Saudi Arabia’s laws. Anyone caught using or holding a fake marriage contract or other fake authenticated document can be held liable for violation of these laws. The Philippine Embassy does not tolerate the use of these fake documents. The Embassy will continue to confiscate these fake documents and report them to the proper authorities. The Embassy will also be posting said fake documents on its website at philembassy-riyadh.org to warn the public and for purposes of transparency. The Embassy reminds all Filipinos to refrain from dealing with “fixers” or middlemen in Saudi Arabia or in the Philippines, who pose as Embassy officials, and promise to procure these fake documents in exchange for cash. All genuine Embassy-issued documents as well as all Embassy transactions along with their corresponding fees can be found at its website. All Embassy officials and personnel, including their designations are also listed on the website. (END) TAGALOG VERSION: ABISO PAGGAMIT NG PEKENG MARRIAGE CONTRACTS O IBA PANG PEKENG DOKUMENTO AY ILEGAL AT MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL (Riyadh, 16 July 2013) – Pinapaalalahanan ng Embahada ang lahat ng mga Filipino na ang paggamit ng mga pekeng marriage contracts o iba pang mga pekeng dokumento ay illegal at mahigpit na ipinagbabawal. Ito ay labag sa batas ng Pilipinas pati na rin sa batas ng Saudi Arabia. Ang sinumang mahuling gumagamit ng mga pekeng marriage contract o iba pang pekeng dokumento ay maaaring patawan ng parusa sa paglabag sa mga batas na ito. Hindi kailanman pinapayagan ng Embahada ang paggamit ng mga pekeng dokumento na ito. Patuloy na kukumpiskahin ng Embahada ang mga pekeng dokumento na ito. Ilalathala din ng Embahada ang mga pekeng dokumento nito sa website sa philembassy-riyadh.org para magsilbing paalala at kalinawan sa lahat. Muling pinapaalalahanan ng Embahada ang lahat ng Filipino na umiwas makipagtransaksyon sa mga “fixer” o “middlemen” dito sa Saudi Arabia o sa Pilipinas, na nagpapanggap na mga taga-Embahada, at nangangakong kumuha ng mga pekeng dokumento na ito kapalit ng pera or halaga. Ang lahat ng mga dokumento at mga transaksyon na nanggagaling at nangyayari sa Embahada pati na rin ang karampatang kabayaran sa mga ito ay matatagpuan sa website nito. Ang lahat rin ng mga opisyales at empleyado ng Embahada, pati na rin ang kanilang mga posisyon, ay matatagpuan din sa website. (DULO) Read 169 times
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 17:01:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015