Pinaabtik na balita 1st hour Mga Pinoy sa Saudi, umaasa na lang - TopicsExpress



          

Pinaabtik na balita 1st hour Mga Pinoy sa Saudi, umaasa na lang na may milagro sa exit ultimatum JEDDAH, Saudi Arabia - Umaasa na lamang ang libu-libong undocumented overseas Filipino workers at iba pang nationalities, na magkaroon ng milagro, habang papalapit na ang deadline na ibinigay sa kanila ng gobyerno ng Saudi Arabia upang lisanin ang naturang bansa. Sa Jeddah kung saan libu-libong mga Pinoy, Bangladeshi at Yemeni workers ang naghihintay na maproseso ang kanilang mga papeles, clueless ang mga ito sa kanilang kapalaran. Noong Huwebes pa natapos ang pagproseso ng kanilang mga biometrics subalit 10 percent lang ang na-accommodate habang 90 percent ay hindi napagbigyan. Napakabagal umano ng proseso ng pagkuha ng biometrics ng mga illegal workers sa Jeddah, Dammam, Riyadh at iba pang bahagi ng Saudi. Ang iba kahit may exit visa na ay hindi pa rin umano pinapayagang makaalis pagdating sa paliparan. Sinabi ng Pinay na si Rai Linita na apat na buwan nang nagkakampo sa deportation center, naghihintay na lang sila ng milagro na mapalawig pa ang deadline.
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 18:55:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015