Pinalawak na coverage ng health insurance batas na Nilagdaan ni - TopicsExpress



          

Pinalawak na coverage ng health insurance batas na Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang panukalang batas upang mapalawak ang coverage ng health care insurance sa bansa. Pinirmahan ni Pangulong Aquino nitong Hunyo 19 ang Republic Act 10606 o ang “National Health Insurance Act of 2013”, kung saan ang lahat ng mamamayan sa bansa ay kailangang masakop ng National Health Insurance Program (NHIP). Ipinaliwanag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ang programa ay ‘compulsory’ na sa lahat ng lalawigan, siyudad at munisipalidad sa buong bansa kahit na mayroon nang unit-based health insurance programs. “Dinagdag po ng pag-amyenda ng batas ‘yung parents with permanent disability. So puwede na ho silang maging legal dependents ng isang PhilHealth member. Medyo marami pa ho ‘yung iba, by way of adding definitions to the previous law,” ani Valte. Nakapaloob rin dito ang kaparusahan sa mga health care provider na lalabag sa batas o gagawa ng unethical practice upang hindi masunod ang isinasaad ng batas. Maaari silang pagmultahin ng mula P50,000 hanggang P100,000 at suspensyon ng akreditasyon ng tatlong buwan o sa buong termino ng akreditasyon. ANOnline Admin Rapista
Posted on: Sat, 22 Jun 2013 08:03:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015