Pinay DH sa Kuwait, balak ibenta ng amo pagkatapos ng Ramadan? - TopicsExpress



          

Pinay DH sa Kuwait, balak ibenta ng amo pagkatapos ng Ramadan? Monday, 05 August 2013 14:54 ILOILO CITY - Isang Pinay domestic helper sa Kuwait ang humihingi ng tulong mula sa mga kapwa niya OFW matapos matuklasan ang plano ng kanyang employeer na ibenta siya pagkatapos ng Ramadan. Sa report ni Merly Bunda, news correspondent ng Bombo Radyo, natuklasan ng Pinay na tubong Bukidnon na balak siyang ibenta ng kanyang employeer sa agency kaya’t humingi ito ng tulong sa pamamagitan ng social networking site na Facebook. Maliban dito, pinagtangkaan din umano siyang gahasain ng mga Arabo kasama na ang anak ng kanyang employeer. Kaagad namang pinagplanuhan ang gagawing pagtakas ng Pinay sa kanyang employeer at inihanda na rin ang sasakyan para rito. Tiniyak na rin ng Philippine Embassy ang tulong ngunit nagbago ang isip ng Pinay matapos nagbago na rin umano ang pakikitungo sa kanya ng kanyang employer.
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 09:21:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015