Pinoy, 5 pa huli sa drug bust sa Thailand (Noel Abuel) Anim na - TopicsExpress



          

Pinoy, 5 pa huli sa drug bust sa Thailand (Noel Abuel) Anim na katao kabilang ang isang Pinoy ang naaresto sa isinagawang operasyon laban sa mga pinaghihinalaang miyembro ng malaking international drug syndicate sa bansang Thailand. Nakilala ang lider ng nasabing grupo na si Joseph Manuel Hunter, 47-anyos, na sinasabing nasa listahan ng Drug Enforcement Agency (DEA) ng bansang US. Maliban sa nasabing Pinoy, dalawang Briton, isang Taiwanese at isang Slovakian ang magkakasabay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Narcotics Suppression Bureau (NSB) ng bansang Nigeria at Kenya at ng US DEA. Sa ulat ng Bangkok Post, kabilang ang US at Pilipinas ang sakop ng operasyon ng nasabing sindikato maliban pa sa Thailand, Myanmar, Singapore, Malaysia, Indonesia, Taiwan at Hong Kong. “This group was considered to be a big network that spanned many countries, including Thailand, Myanmar, Singapore, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Hong Kong and the Philippines,” ayon kay deputy police chief Somyot Pumpanmuang. Isinalarawan ni Somyot si Hunter bilang panguna­hing drug lord na pinaghahanap ng batas dahil sa drug smuggling, trafficking at iba pang international crimes.
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 23:00:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015