Police officer, suspendido matapos manuntok ng gwardiya CEBU CITY - TopicsExpress



          

Police officer, suspendido matapos manuntok ng gwardiya CEBU CITY - Suspendido sa loob ng isang buwan ang isang mataas na opisyal ng Police Regional Office (PRO-7) matapos na binugbog at pinakain ng ticket ang isang port security guard noong 2011. Ayon sa Ombudsman of the Visayas, napatunayan na guilty sa kasong administratibo ang itinuturong suspek sa pang- aabuso na si deputy regional director for operation S/Supt. Orlando Ualat. Kinumpirma naman ito ni PRO-7 director C/Supt. Danilo Constantino kung saan sinabi nito na nagsimula ang suspension order noong Setyembre 1 ngunit hindi pa nito matiyak kung nag-apply ba ng motion for reconsideration ang naturang opisyal. Sa ngayon pansamantala munang itinalaga bilang chief of Staff Sr. Supt. Eduard Carranza bilang officer-in-charge ng DRDO. Nagsampa ng asunto ang security guard na si Ferlito Ompad ng GDS Security Guard laban kay Ualat dahil sa alegasyon na pambubugbog at pagpapakain nito ng ticket na nangyari noong Oktubre 24, 2011 ngunit pinabulaan naman ito ng police official. ###heartless###
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 04:47:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015