Protips-Aug 12,2013 Back to Work By Maloi - TopicsExpress



          

Protips-Aug 12,2013 Back to Work By Maloi Malibiran-Salumbides Rest is so important that it had to be mandated by God. Observing a rest day is part God’s Ten Commandments. You will read this in Exodus 20:9, “Six days you shall labor and do all your work, but the seventh day is a sabbath to the Lord your God. On it you shall not do any work…” (NIV) Mahalaga ang pagpapahinga, kaya nga kahit sa batas natin, ito ay nakatakda. Sa Philippine Labor Code, nakasaad na kailangang bigyan ng employer ang kanyang manggagawa ng hindi bababa sa animnapung minuto o isang oras para makakain o makapagpahinga sa loob ng walong oras na workday. Entitled din sa paid leaves o bakasyan ang mga regular workers ng kumpanya. We need to rest to be more productive. Pero mahirap bumalik sa work-mode lalo na kung galing ka sa mahabang bakasyon. Here are simple back-to-work tips to help you face your workplace duties with enthusiasm. Bounce back and count your blessings. Kahit na hirap na hirap kang bumangon buhat sa iyong pagkakatulog, bumangon at magbilang ng blessings. Ipagpasalamat natin na tayo ay nagkaroon ng ilang araw na pagpapahinga. Ipagpasalamat natin na tayo ay nagkaroon ng panahon solidly with our family. Ipagpasalamat natin lahat ng nangyari. Ipagpasalamat din natin na mayroon tayong trabahong babalikan. Napakahirap gumising pagkatapos ay hindi mo alam kung ano na ang gagawin dahil wala kang trabaho. Hindi puwedeng forever tayong naka-bakasyon. Arrive for work early. Mahirap magsimula ng bagong work week na late ka kaagad. Wala kang excuse para mahuli dahil ang haba na nga ng naging bakasyon mo hindi ba? Plan and strive to arrive early. Bakit? Because that will give you time to review and recall, “Ano nga ba yung mga trabahong iniwan ko? At ano ang aking magiging diskarte at strategy sa araw na ito?” You can do that comfortably if you arrive early in the office. Clear your mind. Collect your thoughts and regain your focus. Minsan ang downside ng mahabang bakasyon, nawawala ang ating focus sa ating trabaho. Pero, helpful naman ito, kasi kung masyado tayong nako-consume ng ating trabaho, nakakaligtaan natin ang ibang bagay na dapat nating i-prioritize. When you go back to the office, start your day in silence. Try to collect your thoughts and ask the Lord to help you regain your focus. Keep adept. Habang ikaw ay nariyan sa iyong opisina, huwag mo nang balik-balikan ang iyong bakasyon. Tapos na ang vacation time. Kailangang magtrabaho na at isipin ang responsibilities mo sa kumpanya. Don’t waste your time daydreaming. Work hard. At kapag ikaw ay nagtrabaho ng may kasipagan, katiyagaan at kahusayan, makakaipon ka muli para sa susunod mong grand vacation! Bounce back and count your blessings, arrive for work early so that you will have time to review. Clear your mind, collect your thoughts and regain your focus. Keep adept. May kaunting struggle sa simula, pero kapag nakabalik ka na sa groove ng pagtatrabaho, dire-diretso na iyan and you’ll be more productive than before. Be a blessing in the workplace today!
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 21:21:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015