Protips-January 20,2014 Workplace Tips I Learned from - TopicsExpress



          

Protips-January 20,2014 Workplace Tips I Learned from Marriage by Maloi Malibiran-Salumbides Many people say that marriage can bring out the best as well as the beast in us. Thirteen years of being married to Atty. Winnie brought out the beauty and bulges in me! Hahaha! Seriously, married life has taught me many things. Lessons and tips that surprisingly, you may also find very applicable in the workplace setting. What are these lessons? 1) Before making a commitment, know what you are getting into. Twenty-nine years old na ako ng kami ay ikasal ni Atty. Winnie. So in terms of marrying age, medyo mature na po tayo. Alam ko na kung ano ang aking papasukin. Exposed sa maramng mga seminars at maraming libro na ring binasa. Pero alam nyo, it’s one thing to know. It’s another to understand what you are getting into. Don’t assume. Lay down your expectations. Kailangan pinag-uusapan ito. Sa pagtatrabaho, huwag ka ring mag-assume, pag-usapan, bago mo tanggapin ang alok sa iyong trabaho, alamin mo muna kung ano ang mga expectations sa iyo. At kaya mo nga bang i-deliver ito. Ipaalam mo rin kung ano ang mga expectations mo ng maitama ito kung hindi para ganoon ang offer sa iyo ng trabahong plano mong pasukan. 2) There can only be one boss in a team. Husabands and wives can lead as a team. Pero dapat talaga may maglead and the Bible says it is the man who has been designated the authority to lead. Sa opisina, hindi rin pwedeng napakaraming boss sa isang team. Maniwala kayo, nakakalito. If you’ve been given the position and the authority to lead, don’t be afraid to do your job. Huwag din namang aabusuhin. 3) Your leadership position can only bring you so far, you can’t continue leading on the mere basis of position. Sa pag-aasawa at sa buhay pamilya, hindi pwedeng forever na idahilan ng mister sa misis, mag-submit ka dahil ako ang lalaki. Hindi rin palaging pwedeng idahilan ng mga magulang sa kanilang mga anak, “Sumunod ka, ako ang Nanay mo.” Hindi ba, magandang sinusunod tayo dahil, kasunod-sunod tayo? Kahit sa opisina, it is good when people follow you because you are the boss. But it’s a lot better if people follow you because they see you as a credible leader and they trust your leadership skills. 4) Communication strengthens the marriage. Communication strengthens the team. Learn to communicate well. Isa yan sa mga skills that can help save many marriages and companies. Kaya mag-invest ng inyong oras at pati na rin ng pera para mas maging mahusay na communicator sa bahay at sa opisina. Many marriages can be saved if only husbands and wives will learn to communicate first with God and then with each other. Ganun din sa trabaho. Mas maraming careers ang magbu-bloom kung marunong tayong magcommunicate. 5) Follow the map and you’ll never get lost. Madalas kaming maimbitahan ng mister ko na mag-speak sa mga churches at magconduct ng seminars. Madalas first time pa lamang namng puntahan ang mga lugar kung saan kami iniimbitahan. Kung walang sketch o mapa, tiyak na maliligaw kami. Minsan naman may map pero hindi naming binabasa, kaya ligaw pa rin kami. Sa marriage at sa opisina, importanteng meron tayong sinusunod na manual para hindi tayo mawala. Para hindi tayo malito, halos lahat ng mga kumpanya merong employee’s handbook, eh binabasa mo ba? Mas magandang tanong, sinusunod mo ba? Sa ating buhay binigyan din tayo ng Diyos ng araw-araw na gabay, binabasa mo ba at ipinamumuhay ang sinasabi ng Bibliya? 6) If you want forever more in marriage learn to forgive. Walang happily ever after, kung hindi marunong magpatawad si mister o si misis. Hindi mo rin kakayaning pumasok sa opisina ng may saya at sigla kung kikimkimin mo ang lahat ng reklamo at atraso na ginawa sa iyo ng ibang tao. Matutong magpatawad para magtagal ang inyong pagsasamang mag-asawa. Matutong magpatawad, para tumagal ka rin diyan sa inyong opisina. 7) The two shall become one. In marriage, two individuals, the husband and the wife become one. Ang decision ng isa, may epekto sa buhay ng dalawa. The action of one will be a reflection on the other. Halimbawa, kapag pumasok sa opisina ang mister mo na gusot ang damit at parang hinahabol ng plantsa hindi ba karaniwang iisipin ng makakakita sa kanya, “Ay hindi kaya ito, inaasikaso ng misis niya?” Kaya importante talaga na maging maingat tayo sa mga sinasabi at ginagawa natin dahil maaaring may reflection ito sa ating esposo o esposa. In the same way that our actions and dealings at work reflect on our companies. Kung sloppy ang service na ibinibigay natin sa ating kliyente, that would be a reflection of your company’s standards and values. Dala natin ang pangalan ng ating asawa. Dala natin ang pangalan n gating kumpanya. Kaya dapat maging maingat sa ating mga desisyon at gawa. 8) Take a break. Relax and have fun. You wont take a break from married life. But together as a couple, importante na may time for R&R. Recreation and relaxation. Kung puro trabaho at walang pahinga that can be very hazardous not just to your physical health but to the health of your marriage as well. Ganun din sa trabaho hindi ba. Kaya nga may mga break time, vacation leaves at holidays. Kasi kailangan talagang magpahinga para maging mas productive tayo. Take a break. Relax and have fun. Rest is essential if we want to be able to give our best to our marriage and our work. 9) The couple that prays together, stays together. When we pray as a couple and for each other, we recognize that God is the leader and author of our marriage. We declare our dependence on Him when we pray. May mga pagkakataon na hindi kami magkaintindihan ng aking mister. Mahirap mag-usap kapag ganoon. Pero natutunan ko na kung si God ang kakausapin natin, para kausapin ang asawa natin, mas effective. Diyan sa opisina, mayroon ba kayong misunderstanding? O kaya naman, baka may idea ka at hirap mong i-convince ang boss mo o team mates mo na makita ang value ng iyong proposal. Why not ask the Lord to mediate or intervene for you? Very timely yung isang message na pinadala sa akin sa Facebook, ang sabi ng sender, Prayer develops humility in us which results in our total dependence upon GOD. Continuing prayer will make us realize that without GOD and without prayer we can do nothing with eternal values and dividends. The couple that prays together, stays together. Likewise, in the office, prayer can do wonders for our career and workplace relationships. Be a blessing to your spouse and be a blessing in the workplace today.
Posted on: Tue, 21 Jan 2014 11:19:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015