Puwede nang mamalagi ng anim na buwan ang mga dayuhang gustong - TopicsExpress



          

Puwede nang mamalagi ng anim na buwan ang mga dayuhang gustong magrelaks sa Pilipinas. Ilulunsad na sa susunod na linggo ng Bureau of Immigration (BI) ang six-month, long-stay tourist visa para sa mga dayuhan. Inihayag din ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang pagkakaroon ng bagong visa sticker na papalit sa wet stamp na ginagamit ng kawanihan sa pagpapatupad ng extensions of stay sa pasaporte ng mga dayuhang turista. Sinabi pa ni David na puntirya ng Long Stay Visitor Visa Extension (LSVVE) project na makapanghikayat ng mas maraming turista sa pamamagitan ng pagbibigay ng pribilehiyo sa mga dayuhan na magtagal sa Pilipinas kahit hindi madalas na magpakita sa BI office. Bago ito, dalawang buwan lamang ang ipinagkakaloob na maximum stay para sa mga foreign tourists. Tiniyak din ng opisyal na sa pamamagitan ng bagong visa sticker ay masasawata ang mga nag­lipanang pekeng visa extension stamp. -------abante-tonite
Posted on: Wed, 19 Jun 2013 15:34:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015