Qatar, pinakamayamang bansa sa mundo Biniyayaan ng - TopicsExpress



          

Qatar, pinakamayamang bansa sa mundo Biniyayaan ng pinakamalaking reserba ng natural gas sa daigdig, ang Qatar ang iniranggong pinakamayamang bansa sa mundo sa bagong listahan na inilabas ng prestihiyosong Forbes magazine ng US noong Pebrero 22, 2012. Ang Gulf State na mayroong 1.7 milyong populasyon ang nanguna sa listahan ng world’s richest country per capita, dahil sa langis at natural gas. Adjusted sa purchasing power, nagtala ang Qatar ng tinatayang gross domestic product per capita na mahigit USD 88,000 noong 2010, ayon sa Forbes, kumpara sa USD 47,500 ng UAE, na nasa ikaanim na puwesto habang ang Kuwait ay nasa ika-15 ng listahan. Ang Qatar ang host ng 2022 Football World Cup at naglala-lobby din para sa 2020 Olympic Games. Ibinubuhos nito ang malaking pera sa imprastraktura at sa pag-liquefy ng kanyang natural gas para iluwas. Sinisikap din ng bansa na ma-diversify ang kanyang ekonomiya nang hindi masyadong nagyayabang gaya ng katabing Dubai. Inakit ng Qatar ang maraming multinational financial firms sa bansa at mga satellite campus ng mga unibersidad sa US. Pumangalawa sa listahan na inilabas ang Luxembourg, na may per capita GDP sa purchasing-power parity basis na mahigit USD 81,000. Nasa pangatlong puwesto ang Singapore, sa masiglang technology, manufacturing at finance hub sa GDP (PPP) per capita na halos USD 56,700. Para iranggo ang mga bansa, sinabi ng Forbes na tiningnan nito ang GDP per capita na adjusted sa purchasing power ng 182 bansa. Ginamit nito an data ng International Monetary Fund mula 2010. Ang Norway at Brunei ang kumumpleto sa top five sa listahan na sinundan ng UAE, US, Hong Kong, Switzerland at Netherlands. Tatlong bansa sa Africa na maligalig ang pulitika at ekonomiya ang inilistang pinakamahihirap na bansa – ang Burundi, Liberia at Democratic Republic of Congo, kung saan ang GDP (PPP) per capita ay nasa USD 400, USD 386 at USD 312, ayon sa pagkakasunod. *Makapunta nga sa Qatar*
Posted on: Wed, 19 Jun 2013 12:41:52 +0000

Trending Topics



-left:0px; min-height:30px;"> If you are planning a getaway to Asia this year, then look no
Truyện hay Boy: Anh yêu em Girl: Gì cơ ? Anh đùa
Golfers! Ellen and her husband Bob went for counselling after
Dont forget to register for the second FNSS MILDESIGN
HUMBLE ME, A Novel Raymonds side: My father hated my mothers
There is still time to sign-up for our free lunch event in
Jelang Derby London Utara Solidnya Lini Tengah Spurs. London -
Aruba II Bar Height Dining Chair [Set of 2] Fabric: Graze, Finish:
This is my first novel that was published on January 31st, 2013.

Recently Viewed Topics




© 2015