REPOST!! "Tumakas sa amo nahulog sa kamatayan" Hindi na makatiis - TopicsExpress



          

REPOST!! "Tumakas sa amo nahulog sa kamatayan" Hindi na makatiis sa kanyang employer sa Lebanon ang isang Pinay domestic worker kung kaya’t nagpasya itong tumakas na lamang subalit minalas na mamatay habang naglalambitin mula sa ikaanim na palapag na tirahan ng kanyang amo. Bumulusok sa kamatayan ang Pinay na kinilala sa pangalang Felina Diaz habang naglalambitin gamit ang pinagdugtung-dugtong na mga bed sheet para tumakas mula sa ikaanim na palapag ng gusali kung saan nakatira ang kanyang amo. Minalas na mapatid ang pinagdugtung- dugtong na bed sheet kaya tuluy- tuloy na bumagsak sa kanyang kamatayan ang Pinay worker. Bago ang tangkang pagtakas, nagkaroon umano ng pagtatalo si Diaz at ang kanyang employer na hindi pinangalanan kaya’t nagpasya ang Pinay na tumakas na lamang. Umaapela naman ngayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng nasawing Pinay para imbestigahan ang insidente. Nagpapasaklolo rin ang mga kaanak ni Diaz sa DFA na tulungan silang maiuwi pabalik ng bansa ang mga labi ng namatay na Pinay. REST AND PEACE KABAYAN!! MGA KABABAYAN KUNG HINDI NA KAYA PAALAM NALANG NG MABUTI PRA HINDI PO TAU MAPAHAMAK.. *[̲̅S][̲̅P][̲̅I][̲̅C][̲̅Y ][̲̅G][̲̅I][̲̅R][̲̅L]*
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 13:05:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015