Reflection of the day "Lunes sa Ika-26 Linggo ng Taon – Lk - TopicsExpress



          

Reflection of the day "Lunes sa Ika-26 Linggo ng Taon – Lk 9:46-50" BAGONG UMAGA Masiglang araw ng Lunes mga minamahal naming kapatid at texters. Ika-tatlumpu ngayon ng Setyembre, ginugunita natin si San Geronimo, pari at pantas ng Simbahan. Kilala siya sa kanyang pagsalin ng Bibliya sa wikang Latin. Siya ang patron ng mga Librarians. Pasalamatan natin ang Diyos kay San Geronimo, gayundin, itaas natin sa Diyos ang ating taos-pusong pasasalamat sa papatapos na buwan, sa patuloy na pag-ingat at paggabay at sa mga biyaya at pagpapalang walang sawa Niyang ipinagkakaloob sa atin. Maririnig natin sa Mabuting Balita ang pahayag ng Panginoong Jesus na ang matatagpuang pinakamaliit sa inyong lahat ang siyang dakila. Pakinggan natin ito ayon kay San Lukas kabanata siyam, talata apatnapu’t anim hanggang limampu. ==> Read more: veritas846.ph/lunes-sa-ika-26-linggo-ng-taon-lk-946-50/
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 00:55:27 +0000

© 2015