Ryzza , Nagiging Sosyal Dahil Kay Bimby! Gorgy Rula, - - TopicsExpress



          

Ryzza , Nagiging Sosyal Dahil Kay Bimby! Gorgy Rula, - ABANTE Noong nakatsikahan namin si Vic Sotto sa gala night ng Gaydar nu’ng Sabado sa Trinoma, napag-usapan namin ang tungkol sa pang-MMFF na pelikula niya kasama sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap. Sabi ni Bossing Vic, special participation lang si Kris Aquino sa natu­rang pelikula. Mas kinakarir daw nito ang pagiging stage mother ni Bimby dahil nakatutok ito sa first movie ng anak. “She’s (Kris) more of a stage mother, manager, coach, and she’s doing a good job. Nakikita ko na maganda ang pagpapa­laki niya sa kanyang mga anak, and she should be proud of it,” pahayag ng Eat Bulaga host. Natutuwa raw siya sa pelikulang ito dahil ibang experience rin daw na nakakasama niya ang dalawang child wonder. Aniya, “It’s a diffe­rent kind of experience for me. Although I’ve worked with child stars before. “For the longest time with Aiza Seguerra, nu’ng medyo lumaki na siya, nawala na. So, parang nagpa-flashback uli sa akin ang feeling na may katrabahong bata, may kausap na bata… Tapos dalawa pa sila ngayon -- isang Inglesero, isang nose-bleeder. It’s really a very good experience for me.” Magkaibang-magkaiba raw talaga sina Bimby at Ryzza. Ikinagulat niya, parang naimpluwensya­han pa raw ni Bimby si Ryzza ng kasosyalan nito. “Parang nagiging sos­yal na rin kasi si Ryzza Mae ngayon, eh. Maganda ang vibes nilang da­lawa, kasi parati silang nagkakausap sa set and maganda ang influen­ce nila sa isa’t isa,” saad ni Bossing Vic. Ang magandang resulta sa pagpasok ni Bimby sa showbiz ay nakita raw nito ang ibang mundo na ibang-iba sa dating ginagalawan. “Si Bimby, parang hindi siya aware sa nangyayari sa labas, eh. Parang maliit lang ‘yung mundo niya. “This is a very good learning experience for Bimby, what life is outside of his world. “Makikita mo, maganda ang reaksyon niya, ang mga natutunan niya, at the same time, si Ryzza rin, maganda rin ‘yung nagiging experience niya sa shooting and para akong may day care center, eh,” kuwento pa ni Bossing Vic. Head Admin: Mel
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 07:05:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015