SA MGA MAHAL KONG KABABAYAN, Panahon na upang ang taumbayan ay - TopicsExpress



          

SA MGA MAHAL KONG KABABAYAN, Panahon na upang ang taumbayan ay maghangad ng pinakamabuting pagpapalakad ng gobyerno para sa mamamayan. Huwag na tayong tumanggap ng mediocre, average or pwede na na pagpapatakbo. Dapat po ang hilingin nating performance sa gobyerno ay ang THE BEST. Bakit ko po nasabi ito? Sapagkat bilang Pilipino, bawat kilos ay nagbabayad ng buwis sa gobyerno. Sa bawat bili ng pagkain, damit, sapatos, internet at pati paggamit ng celphone, kayo ay nagbabayad ng buwis. Hindi ba nararapat lamang na ang mga pilipino ay maghangad ng mabuting serbisyo sa ating mga politiko at opisyal ng gobyerno? Itigil na rin po sana ang pagluklok sa mga politikong napatunayan nang magnanakaw at walang kapabilidad. Maging mapanuri sa bawat politikong humihingi ng inyong mga boto. Sa naganap na trahedya, walang search and rescue na napatupad ang gobyerno. Hindi kailanman ito katanggap-tanggap. Marami pa sana ang nasagip sa mga natabunan na mga gusali kung meron lamang search and rescue na napatupad, ito ay ayon na rin sa banyagang reporter na si Mr. Anderson Cooper. Napapaluha ako sa tuwing mapapanood ko ang mga biktimang nagdadalamhati sa tabi ng malamig na bangkay ng kanilang mahal sa buhay. Dagdag pa dito ang pagod, gutom at uhaw na kanilang nadarama. Mabuti pa ang mga opisyal ng gobyerno at mga politiko, nasa kanilang mga palasyo at nagpapasarap sa pera ng bayan. Ano kaya ang nararamdaman nila pag nakikita nilang nagdurusa ang kababayang sinumpaan nila na pagsisilbihan ng tapat? Napapaluha din kaya silang kagaya natin o natatawa na lamang sila sapagkat naisahan nila tayo? Hindi dapat tanggapin ng sambayanang Pilipino ang dahilan ng gobyerno na sira ang kalsada at komunikasyon kaya wala silang magawa. Marami pong paraan kung inyo lamang pinaghandaan at pinondohan ang disaster coordination. 2013 na po! Makabago na ang teknolohiya at kagamitan at kung wala pa rin ang pinas ng makabagong kagamitan, yun ay sa kadahilanang ninanakaw lamang ang pera para sa pansariling pagpapayaman. May mga Pilipino na nagtatanggol sa gobyerno at nagsasabing huwag isisi sa gobyerno. Hindi po pwedeng hindi natin isisi sa gobyerno ang kawalan ng aid, search and rescue sapagkat ang gobyerno lamang ang may kakayanan at kapangyarihan na gumawa nito. Iyan po ay RESPOSIBILIDAD ng ating gobyerno at dyan po dapat nilalaan ang buwis na binabayad ng taumbayan. Pakiwari ko ay hindi napaghandaan ng national and local governments ang delubyo. Apat na araw bago ang bagyo, ay hindi nagkulang ang international experts sa pagpapaalala sa gobyerno ng Pinas na Category 5 ang bagyo, at ito ang pinakamalakas na bagyong maitatala nila sa kanilang scale. Animo walang Plan A at Plan B ang gobyerno sa mga ganitong sitwasyon. Marahil ay ayaw nilang gastusan ang Disaster Coordination sapagkat binulsa na nila ang nakalaan na pondo para dito. Kaya po panahon na upang ipaglaban ang karapatan bilang Pilipino na nagbabayad ng buwis. Huwag pong sambahin ang mga politiko, sapagkat hindi nman po sila nagsisilbi sa bayan ng libre, sinswelduhan po sila na mula rin sa buwis na binabayad ng sambayanan. DEMAND THE BEST FROM THE GOVERNMENT AND DO NOT SETTLE FOR ANYTHING LESS BECAUSE THE FILIPINO PEOPLE DESERVE THE BEST! Maraming salamat po. Naexplain ko na. Labyu!
Posted on: Fri, 15 Nov 2013 00:38:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015