SEPTEMBER 30 TO OCTOBER 5, 2013 MGA MALILIIT NA VENDORS MULING - TopicsExpress



          

SEPTEMBER 30 TO OCTOBER 5, 2013 MGA MALILIIT NA VENDORS MULING NABUHAYAN NG PAG ASA SA MULING PAGBABALIK NG TWO WAY TRAFFIC SCHEME NA UNA NG SINUSPINDI NG NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON, LABIS LABIS ANG PASASALAMAT NG MGA VENDORS DAHILAN SA MALAKING TULONG UMANO ITO SA KANILANG PANG ARAW-ARAW NA GASTUSIN Sa patuloy na pag arangkada ng new two way traffic scheme sa lungsod ng sorsogon, patuloy din sa pag arangkada ang kita ng mga side walk vendor ng lungsod na isa sa mga nabinipisyuhan ng muling pagbubukas ng two-way traffic. Isa si sa aling Elsa sa nagtitinda noong araw sa kahabaan ng Magsaysay st. ng two way pa noon ang trapiko ayon sa kanya maganda ang kanyang kita noon upang makakain ang kanilang pamilya ng tatlong beses isang araw. Sa pagdating ni ex mayor leovic dioneda bigla nalang siyang nawalan ng hanapbuhay kung kaya hindi niya malaman noon kung paano sila makakaraos sa kanilang pang araw-araw. Laking pasasalamat naman ang kanyang ipina abot kay sorsogon city mayor sally A. Lee dahilan sa muling pagbalik sa two-way muli na naman silang nabigyan ng pagkakataon upang kumita ng maganda. Bagamat may dis advantage ang two-way traffic scheme subalit mas nakakalamang pa rin dito ang mabuting naidudulot nito hindi lang sa mga taga lungsod kundi maging sa taombayan ng buong probinsya dahilan sa karamihan sa mga transaksyon ng mga mamayan ay isinasagawa sa kabesera ng sorsogon. Maging ang mga galing sa ibang lugar kagaya ng gubat, casiguran, juban at iba pang lugar ay muli nang nagbalik ang pagpunta nila sa sorsogon city dahilan sa maari na ang mga itong makapagnegosyo, makapamili ng hindi naglalakad o mahirapang makahanap ng kanilang bibilhin. _______________________________________________________ FULL PAYMENT PARA SCHOOL SCHOOL ASSISTANCE NG MGA CITY SCHOLARS IPINAGKALOOB NA NI MAYOR SALLY LEE, MATATANDAANG BAHAGI NG PROGRAMA NI MAYOR LEE ANG MAPABUTI ANG KALAGAYAN NG MGA STUDYANTENG HIKAHOS SUBALIT DESRVING NAMAN NA MAKAPAGTAPOS SA PAG AARAL, MAGIGING KALIGAYAHAN NA PARA SA ALKALDE KUNG MAKAKA BALITA SIYA NG MGA SUCCES STORY NG MGA CITY SCHOLARS PAGKATAPOS NITONG MAKAPAG ARAL Labis na ikinatuwa ng nasa 258 city scholars ang muling pagbibigay ni Mayor Sally A. Lee para sa kabuuan ng kanilang school financial assistance. Matatandaan na una ng ibinigay ni mayor lee ang partial allowances ng mga city scholars ilang lingo na ang nakalipas. Bahagi kase ng mga prayoridad ni Mayor Lee ang mabigyan ng pansin ang edukasyon ng mga maralitang taga lungsod kung kaya ito rin ang kanyang unang inaksyunan. Ang 258 city scholars ay nakatanggap ng kabuuang 2,100 pesos para sa book allowance, monthly allowance at project allowance. Sa isang panayam sa isang City Scholar sinabi nito na malaki ang kanyang pasasalamat kay mayor lee dahilan sa ito ay malaking tulong sa kanila lalo na ngayong papatapos na ang semester. Sa pahayag naman ni Mayor Lee binigyang diin nito na gusto niyang magbunga ng maganda ang pagiging scholars ng mga kabataan sa lungsod at nagagalak itong makarinig ng mga success stories sa mga kabataang nabiyayaan ng scholarship. Para naman sa mga scholars hindi nila sasayangin ang binigay na oportunidad sa kanila ng gobyerno bagkus mas lalo pa silang magpupursige sa kanilang pag aaral. Umaasa naman ang mga magulang ng mga scholars na patuloy pang mapaganda ni Mayor Lee ang ganitong klaseng programa para sa ikagaganda ng kinabukasan ng mga kabataan. Samantala, ang aksyon na ito ni mayor lee ang mismong naglantad sa malaking kasinungalingan na pinagkakalat ng kanyang nakalaban sa politika na nagsasabing titigil na ang pagkakaroon ng assistance sa mga scholars kapag si mayor lee na ang naupong alkalde ng lungsod. _______________________________________________________ HINDI MAKAPANILA ANG MGA DETRACTORS NI MAYOR LEE MAKALIPAS NA PAGKALOOBAN ITO BILANG ISANG CHAMPION NG TURISMO! ANG NATURANG AWARD NAMAN NI MAYOR LEE AY KANYANG INIUUKOL SA MGA SORSOGENYO NA SIYANG NAGBIGAY NG MANDATO SA KANYA Pinagkalooban ng award ng ng Bicol Regional Tourism Summet si Sorsogon City Mayor Sally A. Lee bilang tourism champion, ang award na ito ang muling nagpatunay na salat sa katotohanan ang kaliwat kanan at walang humpay na mga pambabatikos sa radio ng dating nakalaban sa politika ni Sorsogon City Mayor Sally A. lee, lalo na duon sa tumatawag sa kanya ng “PATAL” o walang alam. Ang pagtanggap na ito ni Mayor Lee ng award bilang isa sa tourism champion sa unang gayon bikol award sa legaspi city ay nakuha nito noong siya ay gobernador pa ng sorsogon kung saan ngayon lang ipinagkaloob makaraang gawin ang kauna-unahang REGIONAL TOURISM SUMMIT sa buong bansa. Pagpapatunay ito na hindi lang pang alkalde ang kanyang kakayahan, at isang malaking sampal sa mukha ni former City Mayor leovic dioneda ang rekognasyon na ito ng respetadong awarding committee na pinamumunuan ng Department of tourism makaraang paulit-ulit na batikosin nito si mayor lee at tawaging PATAL o walang alam. Naging basehan dito ay ang pagdevelop ng mga programa na may kaugnayan sa pagpapahalaga ng turismo sa sorsogon at ang kakaibang pagpapalakad ng lokal na gobyerno ukol sa tourism noong gobernadora pa ito ng lalawigan. Sa mensahe ni Mayor Lee, sinabi nito na ang kanyang nakuhang award ay para sa mga Sorsogeño na nagsusuporta at nagtitiwala sa kanyang kakayahan sa pamumuno sa lungsod. Full force rin ang delegasyon ng lalawigan ng Sorsogon sa summit sa pangunguna ni sorsogon governor RaulR. Lee kasama rin si provincial administrator Robert “bobet lee” rodrigueza na una nang nagpahiwatig na prayopridad nya na isulong ang turismo sa provincia. Kasama rin sa naturang summit ang mga mayors galing sa ibat ibang bayan ng Sorsogon sa pangunguna ni Sorsogon Mayor’s league president atty Manuel wowo fortes ng barcelona at mga alkalde ng Matnog, Bulusan, Magallanes, Gubat, juban, Castilla, pilar at donsol. Maliban kay DOT BICOL Regional Director Maria Nini Ong Ravanilla na punong abala ng naturang summit, naroon din sa pagtitipon sina DOT assistant secretary Rolando caniezal, DOT undersecretary Daniel corpus at usec maria victori jasmin. _______________________________________________________ MGA LOLO AT LOLA SA LUNGSOD NG SORSOGON, ISA RIN SA PRAYORIDAD NI MAYOR LEE SA KANYANG PROGRAMA, AKTIBIDAD NG MGA ITO BILANG PAG ALALA-ALA SA SEBIOR CITIZENS WEEK SUPORTADO NG ALKALDE Mainit na nakiisa ang lungsod ng sorsogon sa pagdiriwang ng Senior citizen’s week sa buong Pilipinas na pinagdiriwang tuwing October 1-7. Pinangunahan ito ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee na ginanap sa sorsogon cathedral church kung saan umabot sa 300 ang mga senior citizens na dumalo galing pa sa tatlong distrito ng lungsod. Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga senior citizens, personal na dumalo ito sa naturang aktibidad at nagbigay ito ng assurance sa mga elderly na tutulong ang kanyang administrasyon na mas pang mapalakas ang sector na ito. Ang organisasyon ng senior citizen ay kabilang sa prayoridad ng alkalde na bibigyan ng atensiyon sa kanyang pagbabalik sa cityhall kasama na dito ang mga mahihirap, persons with disability, mga less privilege at ang mga neglected. Kaugnay nito, personal din na binisita ni mayor lee ang home for the aged kung saan nagkaroon ng pagpupulong ang Diocesan ng buong probinsya ng sorsogon na ginanap naman noong nakaraang lingo kasabay ng celebration ng birthday ni St Vincent de paul na kilalang santo ng mga katoliko dahil sa kanyang pagpapahalaga sa mga mahihirap. Ang Sorsogon Ladies of Charity na siyang nagtulong-tulong upang mamahala sa home for the aged sa lungsod ng Sorsogon at siya ring naghost sa nasabing Meeting ng Diocesan na dinaluhan naman ng mga ibat ibang “ladies of charity” sa buong lalawigan ng Sorsogon. Ang pagpapahalagang ito ni mayor lee sa mga lolo at lola na walang nag aalaga ang siyang hinahangaan ng marami dahilan sa tanging ang lungsod lang ng Sorsogon at naga ang mga syudad sa kabikolan ang mayroong home for the aged na nagbibigay ng kaukulang atensyon sa mga matatandang inabandona o wala nang kamag anak na mag aalaga sa kanila. Samantala, bukas na bukas rin ang home for the Aged sa mga bibisita at nais makita ang kalagayan ng mga matatandang nakalagak sa naturang institusyn. Nanawagan din ito sa iba pang maaring makatulong sa operasyon nito kasama na ang pasasalamat sa LGU sorsogon city na nagbigay na ng pag-asang matulungan makaraan ang ilang taon na wala itong nakukuhang tulong man lang sa nakaraang administrasyon ng lungsod. _______________________________________________________ ADMINISTRAYON NI MAYOR LEE PATULOY NA GUMAGAWA NG PARAAN UPANG MABIGYAN NG MGA LIVELIHOOD PROJECT ANG MGA MARARALITANG TAGA LUNGSOD. SAMANTALA TURISMO ISA SA PARAAN UPANG MABIGYAN NG DESENTENG HANAP BUHAY ANG MGA TAGA LUNGSOD, ABS-CBN FOUNDATION DIRECTOR GINA LOPEZ PERSONAL NA BUMISITA SA IILANG TURISM SITE SA SYUDAD UPANG IPAKITA ANG KANYANG MAINIT NA PAGSUPORTA SA KAMPYON NG TURISMO NA SI MAYOR SALLY LEE ] “ang solusyon sa kahirapan ay ang bigyan sila ng desente at permanenteng hanapbuhay”, iTO ang isa sa naging PAHAYAG NI Sorsogon City Mayor Sally A. Lee sa kanyang oath taking ng maupo itong alkalde sa lungsod. Ang pangakong ito ay isinasakatuparan na niya na ngayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga livelihood programs sa mga maralitang taga lungsod. Matatandaan na isa sa mga programa ni Mayor Lee ang FACES program kung saan 40 pamilya ang nagkwalipika sa brgy sirangan na may layuning mabigyan ng tamang atensiyon lalo na ang nasa hanay ng tinatawag na poorest of the poor sa pamamagitan ng ibat-ibang intervention lalong lalo na ang pagtuturo ng livelihood sa mga nasabing pamilya. Kaugnay nito, makadaragdag din sa hanapbuhay ng mga Sorsogeño ang pagtutok ni Muyor lee sa turismo katulad ng mangrove reforestation area sa brgy gimaloto na kung saan ito rin ay magiging isa sa tourist spot sa Sorsogon. Mismong si madam gina lopez ng ABS-CBN foundation ay muling bumalik sa sorsogon city para sa sinimulang programa nito na suportado naman ng city government. Ang pagdevelop ni mayor sa mga potential tourist spot ng lungsodat ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangahulugan din ng dagdag hanapbuhay sa mga baranggay na nakakasakop dito dahilan sa pamamagitan ng pagiging tourist spot nito ay marami rin ang pwedeng magbukas na oportunidad na livelihood hindi lang sa nasabing lugar kundi maging sa ciudad ng Sorsogon. Kung ating maalala ang natanggap na award ni mayor lee bilang isang tourism champion ay nakamit nya noong siya ang gobernador ng lalawigan. Samantala, ang pagpapalago ng turismo ay isa sa pinakamabilis na paraan upang mapa angat ang ekonomiya ng isang lugar kagaya ng sorsogon. Kung kaya nararapat lamang na itong bigyan ng pansin katulad na lamang ng pagbibigay importansya ni Mayor Lee. Malaki rin ang pasasalamat ng alkalde sa pagsisikap ni Madam gina lopez na matulungan at masuportahan ang toruism program sa sorsogon city. _______________________________________________________
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 17:15:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015